Hindi ko alam kung paano sisimulan ang panibagong 'kami' ni Saimon. Madalas na naman sya sa bahay namin kahit hindi ko sya pinapansin kahit sya ay ganon din. Inaaya nya sila Angelo na mag basketball at minsan sumasama kami ni Lana dito at don sa basketball court ay nagkakaroon kami ng oras. Naglagay na kasi si daddy ng CCTV sa buong bahay at kaya naging maingat kami ni Saimon. Panay ganon ang nangyare sa aming dalawa. Nang dumating ang 18 birthday ko ay kinausap ko si Mommy na si Saimon ang last dance ko. Ilang beses namin pinag-usapan ni Saimon 'to. He wants to be my last dance, gustong gusto nya pero di nya magawa dahil kay Daddy. Ilang beses nya kong pinilit na sabihin na namin ang relasyon namin pero di ako pumayag. Natatakot ako, sobrang natatakot akong maghiwalay kaming dalawa. Na