Nang dumating kami sa bahay ay agad kami sinalubong ni Mommy. "Ano nangyare?" nag-aalalang tanong nito. "Mommy, nadapa si ate nong naglalaro kami." sumbong ni Lana dito. "Nandyan ba sila, Sweethear---" "Lyricko, kumuha ka ng first aid kit! Bilisan mo!" Inupo ako ni Saimon sa sofa at kumuha ng gunting para sirain ang three forth kung suot na short. Lumagpas hanggang tuhod ang hati nito at dumating si Daddy na nakatingin sa'kin. "What's happening?" he kissed my forehead. Umupo sya sa tabi ni Mommy at tumingin ako kay Saimon na ngayon ay sinasalinan ng betadine ang bulak. Dahan dahan nyang pinahid sa'kin ang bulak na 'yon at napahawak ako sa damit nya. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko, para mapatigil ang pagdaing ko. Sunod naman ay ang kabila ko, ginunting nya din 'yon at saka pinahidan