Mabilis kong nilapag ang maraming cupcake sa mesa na pinag kaguluhan ng mga ka grupo ko. May iba't ibang design ito na pwede silang mamili, parang isang bake shop ang pwesto namin bukod sa may booth sa gilid namin ay may mga mesa pa na pwede silang tumambay. Meron din kaming juice, choco na tinda para sa panulak.
"Ang galing mo talaga!" napangiti ako sa kanila. "San mo 'to namana?" tanong ni Shemi na isa sa mga scholar nila Ninong Saimon.
"My mom... passion." malumanay kong sagot.
"Alam mo! Perfect ka e! Maganda ka, mayaman, marunong mag luto, marunong mag bake, matalino, sobrang active pa!"
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang aking pag ngiti.
"Inspired!"
Tinakpan ko ang muka ko gamit ang dalawang kamay ko dahil sa sobrang hiya. "Ayieeeee!"
"Hoy, ano ba. Nakakahiya..." namumulang sabi ko.
"Sus!"
Tumulong ako sa pag aayos ng cupcakes kahit pinag babawalan na nila ako ay tumuloy ako. Sampo kaming nasa grupo, limang babae at limang lalake. Ang limang lalake ang mag sisilbing waiter habang ang dalawang babae naman ay bantay sa booth namin na may 'Sweet like a CUPCAKE COUPLE'
Nang matapos ang pag aayos ng bake shop namin ay lumabas kaming lahat para kunan ito ng litrato. Alas singko pa lang ay nandito na kaming lahat para mag ayos at kahapon ko lang binake lahat ng cupcake na ginawa ko.
Huminga ako ng malalim at namataan ko si Saimon na nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at saka sya tumayo papunta sa pwesto ko, sa ginawa nyang pag lapit ay agad napako sa amin ang tingin ng mga ka grupo ko. Agad nyang pinulupot ang kanyang kamay saking bewang at huminga ako ng malalim.
Hindi ko alam kung paano kami tumagal ni Saimon sa dami taon na hindi nabibisto ni Daddy kahit madalas si Saimon don. Kahit araw araw may dala si Saimon sa amin dalawa ni Lana, kahit lagi syang nakatabi sakin. Hindi ko alam kung alam ba ni daddy o sadyang hindi n'ya lang pinapansin.
He also asking Saimon about my day, he also asking Saimon about those boys who trying to court me, sobrang dami nyang tanong at nadyan si Mommy para maalis ang tanong sa amin. Hindi ko nga alam kung paano namin nalalampasan 'yon.
"Are you done?"
"Hmm..." ngumisi ako sa mga ka grupo kong nakatingin sa akin.
"Have you eaten?"
"Oo. Kasabay ko sila."
"Okay, so? What's your plan? Can i date you today? Wala ka naman gagawin diba?" sunod sunod nyang tanong.
"I won't go anywhere. Nandito lang ako sa campus to check other booths and also store."
"Then, let's date here. "
Mabilis akong tumango sa kanya.
Tumingin ako sa mga ka grupo ko mga patay malisya sa pag aayos na parang hindi kami tinitignan pero pag di kami nakatingin ay pinanonood nila kami. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas nuwebe na ng umaga. Bumukas na ang gate at nakita ko ang iba't ibang estudyante na galing sa ibang University.
"Wow!" isang grupo ng babae ang sumigaw non habang iniikot ang tingin.
Mabilis akong hinila ni Saimon sa booth namin ay binigay kay Shemi ang cellphone nya. Mabilis nyang pinulupot ang kanyang kamay sa bewang ko at tumingin ako sa kanya.
"SMILE!"
Mabilis akong tumingin kay Shemi at ngumiti ako. Ilang shot ang ginawa nya bago kami lumabas sa booth at napanganga ako ng makita kong mahaba ang pila ng booth at pati ang shop namin.
"I will help them. Kung gusto mo sa loob ka muna ng shop?"
"Okay."
Hinila ko sya sa palabas at pumasok kami shop. Pansin kong sinusundan si Saimon ng mga tingin ng mga babaeng nandito. Hinawakan ni Saimon ang bewang ko at pinalo ko ang kanyang kamay. "Mag aayos ako." naiinis na sabi ko.
"Good Morning, Welcome to the Star's Bake shop, what is your order ma'am?"
"Chocolate cup cake with feelings and Choco!"
Muntik na kong mapatalon dahil sa kamay na dumapo ni Saimon sa bewang ko. Tumingin ako sa kanya at napabuntong hininga ako. "Saimon please?"
"Kami na lang d'yan, Angel! Mag date na lang kayo."
"Let's go. Hindi ako uupo, naiinis ako." seryosong sabi nya.
"May ginagawa ako."
"But you baked all of this. You should rest, let's go home!" iritadong sabi nya sa akin at napabuntong hininga ako.
"Fine, let's date."
Ngumisi sya at humigpit ang hawak nya sa bewang ko. Lumabas kami sa Shop at sa likod kami dumaan na dalawa at nag simulang mag lakad na dalawa. Hinila ko sya sa tindahan ni Simon at ni Davin na puro hot dog, yung mga kasama naman nilang babae ay puro namumula at madami ring bumibili sa kanila tulad sa amin!
"Masarap na malaki pa!" sigaw ni Davin na parang walang hiyang nararamdaman.
"Hinding hindi kayo mag sasawa!" sigaw naman ni Simon at napangiwi ako.
"THIS IS DAVIN AND SIMON'S HOTDOG" sabay nilang sigaw.
"W-What is this?" i asked Saimon.
"Let them."
"I want their hotdogs!." sagot ko sa kanya na kinalaki ng mata nya.
"No!" nagulat ako biglang pag sigaw nya.
"What's wrong with you?" bigla syang namula at umiwas ng tingin.
"M-May masarap pang tinda sa paligid. Wag sa kanila." sagot nya sa akin.
"DAVIN!"
Mabilis lumingon sakin si Davin dahil sa malakas na pag tawag ko sa kanya. Humigpit ang hawak sa akin ni Saimon at ngumiti ako sa kanya.
"Gusto mo hotdog ko?" he asked.
Binatukan naman s'ya ni Simon ng malakas at sabay silang dalawa ng pareho. "Damn it!"
Nagulat ako ng bigla akong buhating ni Saimon palayo don at napanguso ako. Binaba nya din ako sa isang store na puro candies. Bigla naman ako nag laway sa nakikita ko kaya naman lumapit ako, lover's candy ang name ng store nila na pinamumunuan ang isang babaeng nerd na malakas ang boses.
"KAILANGAN NATIN MATALO SILA DAVIN!" Sigaw nito na punong puno ng inis.
"Gusto ko non." turo ko sa candy na dalawahan na mag katabi. Hugis puso sya na nakahati sa gitna.
"Okay."
Mabilis kaming lumapit don at tumingin sa aming ang babaeng 'yon. "Ano gusto nyo?"
Tinuro ko ang kulay pulang hugis pusong candy. Mabilis kong kinuha 'yon at nag bayad si Saimon dito. Nagulat ako ng hilahin ako ni Saimon sa booth na 'Pag bumili ka ng Candy namin? Hindi kayo mag break break ng jowa mo.'
"Come, beautiful."
Lumapit ako sa kanya at inagaw nya ang dalawang candy sa akin. Binuksan nya 'yon at binigay sa akin ang isa. Binigay nya ang cellphone sa isang lalakeng may dalang dslr at saka kami ngumiti pareho. Pinag dikit namin ang candy namin na parehong may biyak na puso.
Natapos kami don ay mabilis kaming pumunta sa iba pang booth. Sumali kami sa palaro ni Saimon na kinatuwa naming pareho. Hindi man kami nanalo ay masaya naman ang ginawa namin. Halos lahat ng booth at store ay napuntahan namin pwera lang ang Married booth at ang mga lonely and single booth. Ang pinupuntahan lang namin ay ang mga lovers booth at lovers store.
Mabilis akong pumunta sa maraming teddy bear. "Gusto mong subukan?" nagulat ako ng makita ko si Saimon Lee.
"Ikaw ang president dito?" i asked.
"Oo. Pwede sa lahat 'to. Asan boyfriend mo?" tumingin ako sa tabi ko at wala nga si Saimon don.
"Hindi ko alam. Baka may binili." sagot ko sa kanya at agad nya ko binigyan ng pana na may heart sa dulo.
Bumwelo agad ako bara panain ang pinaka maliit na naka tayo don. Pag natamaan ko to ay sure na sa akin ang malaking teddy bear na pula na yon. Inikot ikot ko ang leeg ko at pansin ko ang paninitig sa akin ni Saimon lee pero hindi ko tinignan ng pabalik.
Nang binitawan ko ang dulo ay nanlaki ang mata ko ang tumumba ang pinatatamaan ko.
"WOOOOOOOOOOOAAAAAAAAAAH!"
Malakas pumalak pak ang kasama ni Saimon Lee dahil sa ginawa ko. Napatalon talon ako sabay palakpak ng malakas dahil sa ginawa ko.
"Ang galing ko!" malakas na sigaw ko.
Mabilis inabot sa akin ni Saimon ang isang pulang teddy bear. Maraming napapatingin sa akin dahil sa pag ka panalo ko. Kinuha ni Saimon ang kanyang phone at saka tinapat sa akin. Mabilis kong niyakap ang life size teddy bear na hawak ko at saka ngumiti habang nakapikit.
"Ang ganda."
Mabilis akong tumalikod at tumakbong papuntang parking lot. Nilabas ko ang susi ng kotse ni Saimon at pindot 'yon. Binuksan ko ang backseat at saka nilagay don ang napapalunan ko.
Mabilis kong tinakbo ang shop namin at kumaway ako kela Shemi.
"Hooy, tara dito!"
Mabilis akong lumapit sa kanila. "May mga lalake kasing gusto mag pa picture sa'yo! Kanina pa kita hinahanap."
"Asan?" tinuro nya ang isang grupong lalake na naka kulay asul na uniform and i think sa blue University ito nag aaral. Tumayo sila ng namataan ako at mabilis silang pumunta sa pwesto ko.
"Pwedeng mag papicture?"
"Oo naman!"
Mabilis akong pumasok sa Booth namin at tumabi sya. Ngumiti ako sa camera, isa isa silang nag papicture sa akin at ang akala ko ay tapos na pero may isang pilang lalake at babae don na gustong mag papicture sa akin. Kaya ang ending ay nangawit ako kakangiti.
Umalis na ko don at tumingin tingin ulit hanggang sa madaanan ko muli ang store nila Davin. Lumapit ako don at tumingin sila sa akin.
"Gusto mo hotdog ko?"
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Davin. "You want die, Davin?" napatingin ako kay Saimon.
Tulad ng kanina ay binuhat ako nito palayo kela Davin. "Nawala ka agad sa tabi ko." naiinis na sabi nya.
"Nanalo ako kela Saimon Lee. Nakuha ko ang life size teddy bear!" masayang sabi ko sa kanya. "Ang laki laki!"
"Tsss..."
Bigla itong nag lakad at iniwan ako. Napakamot ako ng ulo at hinabol ko sya, hinawakan ko ang kanyang kamay at napatingin s'ya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero agad sya nag iwas ng tingin. Humarap ako sa harapan nya at inalis ko ang pag hawak sa kanyang kamay. Inikot ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at saka tumingkad ako para bigyan s'ya ng isang halik.
Kinagat nya ang kanyang ilalim na labi at saka bumusangot. "Pumayag kang mag papicture sa maraming lalake don."
Tumingkad muli ako para halikan sya sa labi. "Picture lang 'yon. Ikaw nga nahahalikan mo ko e." sagot ko sa kanya. "Saka di kita ipag papalit sa kanya."
Unti unti similay ang kanyang ngiti at mabilis nyang hinuli ang mag kabilang bewang ko para mas lalong mapalapit sa kanya.
Kahit papano nagagalaw kaming dalawa ng maayos sa University, walang nakakarating kay daddy sa mga pinag gagawa namin ni Saimon sa Public place. Malaya kaming dalawang lumalabas at napapakita ko sa lahat kung gaano ko sya kamahal. Hindi ko alam kung ano nang yayare sakin pero lalo akong nahuhulog kay Saimon, nakakatakot ang bawat hakbang pero alam kong may hangganan. At natatakot ako dumating sa punto na 'yon. Gusto ko makasama sya araw araw kahit bawal, gusto ko sya mahalin kahit labag sa rule ni Daddy ganon ko s'ya kamahal.
Nag pasya kaming dalawa na kumain sa labas. Isang Filipino Restaurant nya ko dinala, sya ang umorder para saming dalawa.
Tahimik lang kaming kumakain habang mag katabi. Hawak hawak nya pa ang aking cellphone, chineck nya ang messages, messenger, ig, twitter, viber lahat ng maaring icheck. Dalawang beses sa isang linggo nya madalas gawin 'yon sa cellphone ko na hindi ko naman pinag babawalan.
Wala naman akong dapat ikatakot dahil wala akong tinatago.
Binigay nya sa akin ang cellphone nya na agad kong tinanggap. Isang Unknown number ang nakita ko don. Mabilis kong sinagot 'yon.
"Hello, Saimon! Remember me? Nakuha ko number mo sa friend isa kong friend! Are you free later? Let's catch up."
"Who's this?" i asked.
"Hmm.. Who are you?"
"The girlfriend." malamig na sagot ko.
"U-Uhh. I-I thought he's single. Dahil sa batanga----"
"It's Angel Lira Mendez. What do you need?" putol ko agad sa kanya.
"A-Angel! How are you?"
"Fine." malamig na sagot ko.
Tumingin ako kay Saimon an busy sa pag kain. Tumingin s'ya sa akin at saka ako huminga ng malalim. "Angel, kayo talaga?"
"Yeah. May mali?"
"W-Wala naman. S-Sige bye."
Mabilis nyang pinatay ang tawag at ako naman ay binlocked ang number nito. Pinindot ko ang gallery at isa isa kong tinignan ang mga picture namin na kanina lang ang kuha. Hindi ko maiwasan mapangiti, inisa isa ko 'to at lahat magaganda.
Binigay ko sa kanya ang cellphone nya at nag simula na ulit kaming kumain.
Nang matapos kaming dalawa ay nag pasya kaming bumalik sa University. Tumingin ako sa Shop naman na ngayon ay bilang nalang ang tao. Kumaway sila sa akin at kumaway din ako. Hawak kamay kami nag lakad ni Saimon patungo sa Gym kung san hindi pa namin napupuntahan. At balita ko na nandon din ang Wedding booth.
"Wait, beautiful. Iihi lang ako ah?"
Napatingin ako sa kanya. "O-Okay." mabilis n'ya kong hinalikan sa labi at kumaway sa kanya.
Inikot ko ang mga mata ko at saka nag hanap na pwedeng pag ka abalahan habang hinihintay ko si Saimon. Humikab ako sandali at saka lumapit sa isang fruitshake. Bumili ako ng Green mango shake at umupo ako sa upuan na pag aari ng booth nila. Ininom ko don 'yon at saka ko binuksan ang cellphone ko.
Humikab ulit ako ulit at nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Nag simula ulit akong uminom ng mango shake hanggang sa may humawak sa akin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nila, mga naka maskara sila.
"A-Ano to?"
"Sumunod ka na lang!" kumunot ang noo ko.
Napatingin sakin ang mga estudyante dahil sa nang yare. Pinososan nila ako at saka nilagyan ng takip ang aking mga mata. Napabuntong hininga ako at sumunod nalang sa kanilang lahat, tungkol lang naman ito sa mga booth wala akong dapat ipag aalala. Maya maya at bigla nilang inalis ang takip sa mata ko at inikot ko ang mata ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko na nasa harapan ko ay Wedding Booth at nag hihintay si Saimon sa dulo. Ngumiti sya sa akin at biglang nag tilian ang mga estudyanteng nanonood sa amin. Hinila ako ng dalawang babae papasok sa isang pulang kurina at saka ko lang napansin na dressing room ito. Hinubad ko ang suot kong tshirt at saka sinuot nila sa akin ang isang puting dress na hanggang talampakan.
"Kinikilig ako!" sigaw ng dalawang babaeng kasama ko.
Inayusan nila ako at kahit buhok ko ay inayos nila. Nilagyan nila ako ng belo at saka ako hinatak palabas. Nag simula akong umapak sa red carpet at may lumapit sa akin para mag abot ng isang bulaklak na puti. Biglang nag init ang sulok ng mata ko ng makita ko si Saimon na nakatitig sa akin.
Sa unang tapak ko ay agad may kumanta ng beautiful in white.
"S-Saimon..."
Hindi ko alam kung bakit ako naluluha ganitong klaseng booth. Nag hihintay lang naman si Saimon sa dulo habang may isang ka schoolmate namin na nag papanggap na pare at may nanonood sa amin at pumapalak at isabay mo pa ang pag kanta ng isang babaeng di namin kilala!
Tumulo ang luha ko habang patuloy ako sa pag lalakad papunta don. Hindi inaalis ni Saimon ang tingin sa akin, ngumiti ako sa kanya. Parang totoong totoo ang lahat.
Lahat tanggap ang relasyon namin pwera lang kay Daddy, bata pa lang kami sinasabi na nya ang bawal sa amin at sa akin s'ya unang umaasa na ako ang susunod pero di nya alam, ako ang unang susuway. Dahil sa pag hanga ko sa pag mamahalan nila ni Mommy at ginusto ko na din ang ganong takbo ng istorya ng buhay ko tulad ng sa kanila pero sobrang imposible non.
Huminga ako ng malalim ng makarating ako sa pwesto nya. Inikot ko ang kamay ko sa kanyang braso at pinigilan ko ang pag tulo ng luha ko.
Humarap kami sa Ka schoolmate na nag sisilbing pare.
"Will you, Saimon, take this woman to be your wedded wife?"
"I will."
Napangiti ako sa mabilis na pag sagot ni Saimon. Tumingin sya sa akin na may ngiti sa labi at saka humarap ako sa pare.
"Will you, Angel, take this man to be your wedded husband?"
"I will."
Mabilis kaming humarap sa isa't isa. Nilagay ko sa palad nya ang kamay mga kamay at parehong nag salita.
" I, Saimon Funtabella , take you Angel Lira Mendez."
" I, Angel Lira Mendez, take you Saimon Funtabella"
"to be my Husband"
"To be my wife."
"to have and to hold"
" from this day forward,"
" for better or for worse,"
"for richer, for poorer,"
"in sickness and in health,"
" to love and to cherish; "
"from this day forward until death do us part." sabay namin sabi ng huling linya.
Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Tinaas nya ang kanyang ulo para pigilan ang kanyang luha. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa habang masaya. Hindi man totoong kasal 'to pero ramdam namin ang pag mamahalan namin sa isa't isa.
"May I have the rings, please?" Napatingin kami pareho kay father.
Biglang sumulpot si Davin na may dalang dalawang singsing ang binigay sa amin 'yon pareho. Isang plain silver lang ang sing sing na 'yon na akala mo talaga ay pang kasal.
" I give you this ring, as a daily reminder of my love for you." mabilis sinuot sa akin ni Saimon ang kanyang sing sing na hawak at hinalikan ang kamay ko.
" I give you this ring, as a daily reminder of my love for you." Sinuot ko din ang sing sing na hawak ko at tumingin sa kanya.
"You may now kiss the bride."
Tinaas nya ang belong puti at saka tumingin sakin. Pinunasan nya ang luha kong patuloy na tumutulo. "I love you, Beautiful."
"I love you too."
Biglang may tumama saming flash ng camera pero hindi namin pinansin 'yon. Nag lapat ang labi namin sabay ng isang malakas na hiyawan. Mabilis kong niyakap si Saimon ng mahigpit at mabilis din kami humiwalay.
Hawak hawak ni Davin ang cellphone ni Saimon at ngumiti kami don. Panay ang halik ni Saimon sa pisnge at tumingin ako sa kanya.
Ang sayang nararamdaman ko ay walang kasing pantay. Kahit papano ay natupad ang pangarap ko, natupad ang pangarap kong maikasal sa lalakeng mahal ko... dahil alam ko sa huli? Hindi 'to magiging totoo. Kahit kailan ay hindi magiging totoo ang kasal na hinihiling ko.
"Mahal na mahal kita." he whispered.
"Mahal na mahal din kita, Saimon."
~