Sa pag dilat ng aking mga mata ay sabay ng pag tulo ng luha ko dahil sa lungkot. Mabilisan kong pinunasan ang luha ko sabay bukas ng pinto ng kwarto kung san ako natulog. Tumingin ako kay Saimon at ngumiti, dahan dahan akong umupo at tinaas ko ang kumot sa aking hubad na katawan.
"Let's eat."
"Hindi ba tayo sasabay kela mama?" i asked him.
"Tapos na sila."
Mabilis akong tumango sa kanya. Nilagay nya sa paanan ko ang pag kain at saka inabot sa akin ang isang malaking tshirt. Mabilis kong sinuot 'yon at saka sya umupo sa tabi ko.
Dalawang araw simula nang yare ang kasal kasalan na naganap. Suot suot ko ang aking sing sing na sya ang nag bigay pero hinuhubad din pag kaharap si Daddy. Sa takot na makita ni daddy ang sing sing sa kamay ko ay madalas hindi ko na ito sinusuot at dahilan din ng pag aaway namin kahapon.
Binuka ko ang aking bibig para sa paparating na pag kain na nasa kutsara. Tumitig ako sa kanyang muka na seryoso. Hindi ko alam kung okay na ba kami o hindi. Nag paalam ako kay daddy para suyuin sya pero nauwi lang kami pareho sa isang pang sisiping.
Ang pag mamahal ko kay Saimon ay nakakalunod at nakakatakot na baka hindi na ko makaahon . Alam kong lahat ng meron sa amin ay mag kakaroon ng hangganan lalo na't para kay daddy ay mali ang pag mamahalan namin. Kahit maraming nasa likod namin ay natatakot parin akong pumili. Natatakot akong masaktan ang isa sa kanilang dalawa, pakiramdam ko masaktan lang si Saimon ay nawalan na ko ng gana sa buhay ko. Tulad nalang ang kahapon, ang kanyang galit na muka ang bumungad sa akin ng makarating ako dito. Naiiyak ako sa takot dahil sa ginawa ko.
Mabilis nyang niligpit ang pinag kainan naming dalawa. "Maligo ka na." malamig na utos nya sa akin.
Mabilis akong tumango at saka inalis ang kumot na nakatakip sa akin. Tumayo ako at mabilis na hinubad ang tshirt nya at saka pumunta ako sa kanyang banyo. Pumasok ako don at binuksan ko ang Shower. Malamig ang tubig na tumatama sa katawan ko, sabay ng pag buhos ng luha ko.
Huminga ako ng malalim at pinag patuloy ang pag ligo.
Makitang magalit si Saimon ng dahil sa akin ay nakakasikip ng dibdib, umiyak sya sa kahit anong dahilan ay parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung gaano kalalim pero alam kong malabong makaahon. Tapusin ko man ay hindi ko magawa dahil ako lang din ang masasaktan.
"Saimon, please."
"What? Umuwi ka na. Hubarin mo na lang ang sing sing kung ayaw mo." malamig na utos nya.
"Nakalimutan ko lang naman talaga... N-Natatakot ako makita ni daddy!" pag dadahilan ko sa kanya.
"Bakit di na lang natin sabihin sa kanya ang totoo, Angel, huh?! Hindi ko makita kung anong mali sa relasyon natin na 'to kahit mahal naman natin ang isa't isa! Sige nga, Angel? Ano yung mali? Hindi tayo mag kadugo! Yung rule ba Angel? Yung pinangako mo ba? Ano ba 'yan? Sabihin mo nga sa akin!"
Tuloy tuloy tumulo ang luha ko at umantras ng kaunti. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at pati ang mga ugat n'ya ay lumalabas. Huminga ako ng malalim at saka umiwas sa kanya ng tingin.
"Mahal mo ba ko?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya. "B-Bakit mo ko tinatanong ng ganyan?"
"Sagutin mo ang tanong ko." malamig na sabi nya.
"Hindi ako papayag sa relasyon na 'to kung hindi kita mahal, hindi ako mag i stay sa'yo kung hindi kita mahal, hindi ako tatakas kela daddy at mag sisinungaling ng ganito kung hindi kita mahal, Saimon!" sigaw ko. "B-Binigay ko sa'yo, lahat lahat, S-Saimon! K-Kahit kalaban ko ang daddy ko sa putanginang relasyon na 'to, Saimon!" pinunasan ko ang luha ko at saka tumayo ng diretso. "Kung hindi ka pala nag titiwala sa pag mamahal ko? Edi sana mag hiwalay na lang tayo ngayon. Tapusin na natin 'to."
"A-Angel, s-sorry..."
Mabilis ko syang dinaanan at binuksan ang pinto ng kwarto n'ya. Sa pag bukas ko non ay nakita ko sila Simon pero nilagpasan ko lang sila at bumaba ng hagdan.
Huminga ako ng malalim at saktong nakita ko si Angelo. "Why are you here?"
"Pinapasundo ka ni Daddy. May lakad daw tayo ngayon."
"Edi tara na."
Mabilis akong nag lakad palabas at sumunod s'ya. Nakita ko ang kotse namin at mabilis akong tumakbo papasok don. Nilock ko agad ang pinto sa loob at nakita ko ang pag takbo ni Saimon papunta sa pwesto ko. Pumasok na si Angelo sa tabi ko habang mag isa sa harapan si Manong.
"Bilisan nyo manong."
"Pero ma'----"
"BILISAN MO!"
"ATE!"
Pinunasan ko ang luhang panibagong tumulo sa mga mata ko. Mabilis lumapit si Saimon sa bintana kung nasan ako pero umandar ang sasakyan. Hindi ko sya tinignan at inayos ko na ang sarili ko. Inabot sa akin ni Angelo ang isang box ng tissue at gamit 'yon ay pinunasan ko ang luha ko.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni daddy. Mabilis kong sinagot 'yon.
"Angel, nasundo ka na ba? Aalis tayo, we're going korea." napangiti ako sa sinabi ni daddy. "Diba gusto mo don? Gusto mo kamo subukan at baka sakaling makita mo ang Idol mo si Lee jong suk? I made promise, right? So eto na. Nakahanda na gamit mo."
"D-Daddy..."
Damn! Guilt hits me hard. Paano ko nagagawang saktan ang daddy ko na panay ang pag mamahal ang binibigay sa akin? Paano ko nagagawang mag sinungaling dito para lang kay Saimon? Pinigilan kong mapahikbi.
"Are you crying?" natawa sya sa kabiling linya. "My first princess is crying."
"D-Daddy, i love you."
"I love you too. Bilisan mo na ah?"
Binaba ko ang cellphone ko at sunod naman na nag ring ito ay pangalan na ni Saimon ang nakita ko pero mabilis kong pinatay 'yon.
"May problema na naman kayo?"
Hindi ko pinansin si Angelo sa tabi ko. Pinunasan ko ang luha ko at saka pinikit ang aking mga mata.
Nang makarating kami sa bahay ay nilagay ko agad ang aking ngiti sa labi. Kahit sobrang sakit na nararamdaman ko dahil sa nang yare sa amin ni Saimon ay ngumiti pa rin ako. Kahit nadudurog na ko at nagawa ko pa rin ngumiti.
"DADDY! TOTOO BA 'YON?" Masayang sabi ko.
"Yes, five days tayo dun."
Tumingin ako kay Lana na naka suot na ng dress na katulad sa akin. Mabilis kong niyakap ng mahigpit si daddy at sinubsob ko ang aking muka sa kanyang dibdib. Narinig ko ang mahihinang tawa nya at mabilis nyang hinagod ang aking ulo at hinalikan ang aking buhok.
"Okay, gumayak ka na. We will wait you here." mabilis akong tumango sa kanya at humalik sa kanyang pisnge.
Ang akala ko magiging masaya ako pag nasa Korea ako, ang akala ko makakalimutan ko kahit papano si Saimon but... without Saimon in my life like a hell. Hindi ako makatulog sa gabi, hindi ako makakain ng maayos. Nandito kami para mag saya pero ano? Hindi ko magawa. Dapat sinasanay ko ang sarili ko sa ganitong ayos, yung walang Saimon sa buhay ko pero bakit hindi ko makaya?
I saw someone's post, nakatag sya don at may picture sya sa babaeng 'yon. He was smiling na para walang nang yare. Ang bilis naman, ang bilis naman nya maka move on habang ako nasasaktan dahil wala sya sa tabi ko.
"Apat araw na tayo dito pero hindi kita nakitang ngumiti? May problema ba?" napatingin ako kay Daddy.
"P-Po? Wala po!" mabilis na sagot ko pero agad nya ko inakbayan.
"Akala ko pa naman magiging masaya ka dito. Hindi naman pala."
"Daddy, masaya po ako." nakangiting sabi ko.
"Edi tara sa Private Maple Tree and Mt. Naejang?" nakangiti aya n'ya sa akin. "Tutal pang apat na araw na at bukas limang araw na 'diba? Bukas din uwi na tayo. Hindi ka man nakapag enjoy."
"D-Daddy..." nakangiting tawag ko.
"Hmmm.. Ayan na naman ang muka mo."
Mabilis kong hinilig ang ulo ko sa balikat nya at pinikit ang mga mata ko. "Ano ba problema?"
"D-Daddy, bakit po ba di pwedeng mag mahal sa family ng Alvarez? I mean bawal mag mahal sa circle natin?"
"Bakit? May gusto ka ba sa anak ni Rj? Ni David? Ni Saimon? Ni Gabriel?" napatingin sya sa akin.
Isang seryosong tingin ang binigay sa akin ni daddy at mabilis ako napaiwas ng tingin. "W-Wala po. N-Nag tataka lang po ako."
"Pamilya natin sila, hanggang doon lang dapat." isang malamig na sagot nya.
Sumama ako sa Private Maple trip at sumakay kami sa cable car at masaya namin tinignan ang baba habang nasa bintana kami. Panay ang kuha ni Daddy sa amin ng litrato at kung ano ano post namin mag kakapatid. Bukod sa Private Maple Trip ay pumunta din kami ng Mt. Naejang na hindi nalalayo sa lugar na 'yon. Si Lana habang hawak hawak ang iphone 5s nya habang nag seselfie na mag isa. Ako din ay ganon ang ginawa ko, namumula ang pisnge ang labi ko sa sobrang lamig pero nakangiti a rin ako.
May lumapit sa aking dalawang korean na lalake. "Hi, where are you from?"
"Philippines." maikling sagot ko.
"Can we take a selfie?"
"Sure!"
Mabilis syang pumwesto sa tabi ko, sunod naman ay ang isa. "You seems familiar."
"Me? . " sagot ko sa kanilang dalawa.
"No, i mean Saimon Lee. You know him?" nagulat ako sa tanong nila at dahan dahan na napatango.
"I knew it!"
Nag tawanan silang mag kaibigan at ngumiti lang ako sa kanila. Tumingin ako kay Lana na buhat buhat na ni daddy habang nakatapat sa kanila ang cellphone nya.
"Ate, let's go there!"
"Oh wait!" mabilis ako tumingin sa dalawang lalake sa harapan ko. "Excuse me."
Mabilis akong tumakbo kay Lander at nakita kong naka video call n'ya si Sakenah habang naka nguso ito. Ngumiti ako sa kanya at nanlaki ang mata nya ng makita ako.
"Ate, You're so beautiful."
"T-Thank you."
"You're more beautiful than her." mabilis na sagot ni Lander at napairap ako.
"Ate Angel, how are you? Miss na kita! Pasalubong ko ah!"
"Sakenah, your books! Nag kalat!" lumakas ang pintig ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Saimon.
"Wait! Gagamitin ko pa kasi yan!" sigaw ni Sakenah dito. "Bye muna, Lander. May gagawin pa ko."
Mabilis namatay ang tawag at saka ako tumingin kay Lander. "Why don't you talk him? Narinig ko ang nang yare sa inyo."
"Ayoko na." malamig na sabi ko.
"Really, huh? Sana panindigan mo."
Mabilis ko syang binatukan. "Ate naman e!"
"Shut up! Manahimik ka dyan, susumbong kita kay daddy!" inis na sabi ko at saka tumalikod. Lumapit ako kay Mommy na busy ang pag kuha ng litrato kela daddy. Mabilis akong tumabi kay daddy at niyakap 'to. Sabay kaming ngumiti na tatlo nila Lana sa camera.