Nang makapunta kami ng US ay inaya kami ni daddy na magpahinga. Pinili namin ni Angelo na pumunta ng hospital at si Anjoe at Lana naman ay sa Bahay. Kasama namin ang secretary ni Lolo papunta don. Wala ng lumalabas na luha sa mga bata ko dahil sa kaiiyak ko mula ng umalis ako. Panay ang pagpapatahan sa akin ni daddy, ni hindi ako nakatulog sa byahe dahil sa nararamdaman kong takot. Tinuro nya sa amin kung san ang kwarto ni Lolo. Suot suot ko pa rin ang Uniform kong Star University. Pumasok agad ako sa kwarto ng makarating kami. Nakita ko si Mommy na natutulog habang si Lolo naman ay gising habang hinihimas ang buhok ni Mommy. "L-Lolo." napatingin ito sa amin at mukang gulat. Pero biglang napalitan ang ngiti sa kanyang labi. "LOLO!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo sa kanya. Nagising si Mo