Hindi kami nag-usap ni daddy ng buong gabing 'yon, hindi ko alam kung iniiwasan ako o ano. Pero alam ko, alam kong may alam na s'ya at ngayon nagsisimula na ang takot ko. Tinawagan ko si Saimon na hindi na tuloy bukas dahil sa sinabi ko. Kailangan muna namin umiwas sa isa't-isa na hindi naman nya gagawin. Kaya naman imbis na pumasok ako ay nagpasya na lang akong sumama kay Mommy sa Maria Angel's Shop n'ya. Tumulong ako sa pagkuha ng mga order at isa din ako sa mga nag-serve. Ginawa kong busy ang sarili ko at pinatay ang cellphone ko para hindi matawagan ni Saimon. Hindi ko sinabi kung nasan ako at hindi ko sinabi kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko sinabi kay Mommy ang mga nararamdaman ko dahil baka gumawa sya ng aksyon na mas lalong malaman ni daddy. Si Lana naman ang nag-alaga kay Saige