Mukang hindi na magbabago ang isip ni daddy, ayaw nya talaga. Tinitiis ko na wag makita si Saimon, tinitiis kong wag sya kausapin at ginagawa ko ang sarili ko maging busy mawala lang sya sa isip ko pero kahit anong gawin ko ay nasasaktan ako. Natapos akong kumain at sakto naman may pumasok sa kusina. Nakita ko si Saimon na malamig na nakatitig sa'kin at pinunasan ko ang sarili ko. Pumunta ako sa lababo para hugasan ang aking mga kamay at saka lumapit sa kanya. "Tara na." Nauna akong naglakad sa kanya palabas ng kusina hanggang palabas ng bahay. Binuksan ko ang pinto ng kotse nya at mabilis din sya pumasok sa driver seat. "What's happening?" "Daddy knows about us pero di s'ya sigurado." sagot ko habang kinakabit ang seatbelt ko. Mabilis nyang pinaadar ang kanyang sasakyan palabas ng g