Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako ng may mabigat na bagay na nakapatong sa gilid ng baywang ko at yumapos sa katawan ko.
"Pierce?" Napatingala ako ng bahagya.
"Hi, babe."
Amoy ko ang naghahalong alak at ang mouthwash niya. Napansin kong nakabihis na rin ito ng pantulog.
Hindi ako sumagot pero humiga ako ng maayos at bumalik sa pagpikit habang yakap niya
Ilang saglit lang ay nagsalita si Pierce.
"I'm sorry."
Sorry?
"About what?" Tanong ko ng mahinahon.
"It's Nigel. We were supposed to be at his apartment but.." Bumuntong hininga siya ng malalim.
"but, what Pierce?"
"He suggested to go to Lazarus but of course tumanggi ako pero they all agreed. I supposed to go home. Pero pinwersa nila akong dalhin sa loob ng sasakyan ni Michael. Kinuha nadin nila ang susi ng sasakyan ko."
Lazarus? Kinakabahan na ako habang nagkukwento siya. Isa kasi yung kilalang KTV bar na may extra service.
"Ang sabi one time lang daw. Gusto nilang maexperience. Nigel asked a woman for me then they brought to a private room--"
Sumisikip na ang dibdib ko sa naririnig ko. Parang ayoko ng ituloy niya.
"Stop! Please.."
"Babe.."
"Is that why you were not answering my calls and texts?"
"No.. I tried to answer the first call but Nigel was about to answer it for me. He was about to grab my phone so I quickly disconnected and turned it off. Kapag nakita niya na number mo ang tumatawag baka magduda. Ayaw nilang may gagamit ng phone. Exclusively for boys daw lalo na sakin dahil matagal ng hindi na nila ako nakakasama.."
Hindi na ako sumagot. Ayoko ng malaman ang mga kasunod pang nangyari.
"I need to be honest to you that's why I'm telling you what exactly happened."
"Honest ka nga ba sa akin talaga Pierce?"
"Of course I am."
"I just don't get it. Pwede ka naman umalis noong andun ka na eh. You have alot of reasons na maisip kung ayaw mo talaga. Maybe, somehow there's part of you na gusto mo rin."
"No! Of course not! Babe, ayoko na about lang kanina ang magcause ng pag aawayan natin in the future kaya ngayon pa lang sinasabi ko na. Please just let me explain it to you."
"May nangyari ba sa inyo--" hindi ko na matuloy ang itatanong ko pa sana dahil tuluyan na akong pumiyok at umiyak.
Bigla akong niyakap ni Pierce.
"I swear to you. Wala babe. Nothing happened."
Nakahinga ako ng maluwang pero andito pa rin yung sakit sa puso ko.
"I'm sorry if I did not answer your calls or texts. I swear to God, I wanted to.. badly! But Nigel took my phone. I was just glad that I had it off before he took it because he would have answered your call."
"Matutulog na ako." Sabi ko sa kanya habang pinunasan ang mukha kong nabasa ng luha.
"Babe..."
"Please Pierce. Ayokong pag usapan muna yan. Natatakot ako na baka may hindi ako magustuhan sa mga maririnig ko pa sayo . Panghahawakan ko sa ngayon yang sinabi mong walang nangyari. I still have doubts and you can't erase that from me."
Tumalikod ako sa kanya at pinilit matulog kahit alam kong gising na gising na ang diwa ko.
Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Pierce mula sa likurang bahagi.
"Babe... I'm so sorry. It won't happen again. I promise."
Hindi ko siya sinagot at pinilit na matulog.
Nagising ako na tulog pa si Pierce. Yakap yakap pa rin niya ako. Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya at tahimik na inaayos ang mga gamit ko sa school. Nakalimutan kong iligpit kagabi. Naghanda muna ako ng almusal para sa amin. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Magkikita kami ngayon nila Jax para pag-uusapan ang praktis at ipakilala ako sa isa nilang kabanda.
Mahimbing pa rin ang tulog ni Pierce. Hindi ko alam kung nakatulog ba siya agad o hindi.
Nag iwan na lang ako ng sulat na may nakahanda ng almusal niya at may pupuntahan lang ako.
Makalipas ang isang oras ay nakatanggap ako ng tawag ni Pierce. Hindi ko na sinagot. Hindi ko pa siya kayang makausap ngayon. Inoff ko ang phone ko.
"Lei, halika may ipapakita ako sa'yo"Tawag sa akin ni Luke habang may ini-scroll sa cellphone niya.
Nakilala ko na ang isang kabanda nila na si Wyatt pero kanina ko lang siya nakausap ng matagal. Half-American, Half-Filipino pero lumaki dito sa Pilipinas.
"Ano yun?" Tanong ko kay Luke ng makalapit ako.
"Sa tingin ko okay din tong kantang to na isasama natin. Sa tingin mo kaya okay to?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Isa yan sa paborito kong kanta Luke, syempre okay sa akin. Let's ask the others kung okay sa kanila."
"Cool! Tara ask natin."
Isang oras at kalahati pa ang nakalipas ay natapos na kami magbrainstorming ng mga kanta para bukas umpisahan na namin ipraktis dahil mga ilang araw na lang ang nalalabi sa competition.
Bumalik muna ako ng condo dahil hindi ko naman dinala ang gamit ko sa school at maya maya pa rin naman ang pasok ko.
Naabutan ko si Pierce na nag-i-strumming gamit ang gitara ko.
Napansin niya ang pagdating ko.
"Babe!"
Agad niyang binitawan at inilapag sa upuan ang gitara sabay salubong sa akin.
"Where have you been?"
"May pinuntahan lang about school."
"Where's your phone? I called several times."
"I had it off. We're doing brainstorming and I can't focus if it keeps on ringing."
Bumuntong-hininga siya. Ramdam niya ang kawalang gana kong sagot sa kanya.
"Kumain ka na ba? I cooked."
"I'm full. Hindi pa ako gutom."
Dumiretso ako ng kwarto at humiga sa kama. May four hours pa naman ako bago ang klase ko.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa kabilang bahagi. Alam kong si Pierce yon.
"Babe, I know you don't want to talk to me at this time but please hear me out first. Hindi ko kaya na nagkakaganito tayo. Please.." Maya-mayang sabi ni Pierce sa akin. Napapikit ako ng mariin. Naiinis ako na hindi ko maiintindihan.
"Kung ayaw mo parin akong makausap or makita after ng paliwanag ko..." Dugtong niya at bumuntong-hininga..
"...I'm gonna give you the space you want. Hindi muna ako magpapakita sayo."
Sa tuwing may tampuhan kasi kami lagi umiiwas sa akin at hindi nagpapakita. Ginawa niya rin yan dati yon. Noong nasa apartment niya ako, uuwi lang kapag tulog ako.
Napaharap ako sa kanya.
"Ganyan na lang ba lagi Pierce? Iiwas ka, hindi magpapakita at idahilan mo na dahil ayaw kong makita kita? Is that how you solve the problem? Ano mo ba ako? Girlfriend na okay lang kahit hindi uwian??"
Natahimik siya.
"Ayoko lang na lalo mo akong kinaiisan dahil nakikita mo ako lagi."
"At sa tingin mo ba hindi ako maiinis at magagalit lalo sa gagawin mo??!" pagtaas ko ng boses na hindi ko na rin napigilan maiyak sa inis at galit.
"I'm sorry.. Please... babe. Pakinggan mo muna ako. Then I let you decide kung anong parusang gagawin mo sa akin. Tatanggapin ko." Pakiusap niya habang hawak ang kamay ko at ang isang kamay niya ay pinupunasan ang mga luha ko.
Tinitigan ko siya. Kita ko sa mga mata niya na nahihirapan din siya.
Tumango ako pagkatapos kong mag isip.
"Okay. Makikinig ako."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Pierce at sumeryoso.
"Michael gave me my car key ng nasa isang kwarto na kami ng babae then they left me there. But I'd never touched her. I swear! Bago din siya nakalapit ng tuluyan sa'kin ay sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang lokohin kita dahil mahal kita. I told her na pinwersa lang ako ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila at mayroon akong asawang nag aantay. Nag alala siya na baka kunin yung binayad sa kanya dahil walang nagyari, kaya I assured her na she can have it. Umalis ako pagkatapos at nagtaxi papunta dito. I was about to get my car but I remembered you. Ayaw mo akong nagda-drive ng nakainom unless I'm sober. Babe, walang nangyari sa amin. Ni hawak walang naganap. Kung anuman ang naiisip mong hindi maganda hindi totoo yon. Please maniwala ka."
He cupped my face at hinaplos haplos habang nakatingin sa akin.
After ko marinig ang mga sinabi niya ay doon pa lang nawala ang bigat na nararamdaman ko. Kung ano-ano na ang naiisip kong hindi maganda simula kagabi tungkol sa ginawa nila.
"Babe, please patawarin mo na ako."
Nakikita ko ang sincere sa mga mata ni Pierce.
Bumuntong-hininga ako bago sumagot.
"Alright. I forgive you."
Unti unting lumawak ang ngiti ni Pierce. Kita ko ang kasiyahan mula sa kanya.
"Thank you. Thank you, babe."
Napayakap na rin ako ng yumakap siya sa akin ng mahigpit.