Chapter 7

1445 Words
As we walked inside the auditorium, Luke caught my attention. He's playing guitar while a student is singing on stage. He also notices us coming so hee smiles. Jax and Brad follow Luke back to agad akong napansin ni Luke sabay ngiti sa akin habang patuloy na nagigitara. Sumunod naman na lumingon sa gawi ko sina Jax at Brad at sumenyas na lumapit sa kanila. May kumakanta na sa may stage at si Luke ang nagigitara para sa kumakanta. Dito sila sa auditorium nagpapa-audition. Tamang tama rin naman kasi yung mga gamit nila ay nasa likuran lng banda sa may taas ng entablado. May nakikita akong drum at ibang mga gitara. Pati piano nakaset up din sa may likuran. "Hi!" Kumaway ako. Sumunod narin bumati si Jax at Brad. Si Austin naman sa may likuran banda ko lang. Wow! Talagang seryoso sila sa pagpapa audtition nila ah. Maya-maya pa ay natapos na rin kumanta ang isang studyante. "Thank you Patty.. Itetext nalang namin ang result tomorrow. Salamat ulit." Sabi ni Brad. Maya-maya ay may tinawag si Luke. Siguro yung next na mag au-audition. "Teka, bakit may dala kang gitara Lei? Kanino yan?" Tanong ni Jax nang makalapit kami sa kanila. "This is mine. Mag au-audition din sana ako kung okay lang." Nahihiya kong sabi sa kanila. Nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Si Austin naman nakangiti lang. "Marunong kang kuman--I mean kumakanta ka pala?" Tanong sa akin ni Jax at halata pa rin sa kanya ang pagkagulat. Napatingin ako kay Brad. Kita ko sa expression ng mukha niya na may naalala siya. "So ang tinutukoy mo sa akin kanina na kakilala mo ay ikaw pala yon?" Tanong ni Brad "Hehe! Sorry. Nahiya kasi ako sabihin kanina." "I'm sure na si Hailey na ang mapipili ninyo mga bro. 100% sure ako diyan." Ang sabi ni Austin sa kanila. "Haha! Grabe naman yung pagka-100% sure na yan Austin. Kinakabahan na tuloy ako." Sagot ko. "Well, let's hear what you've got Lei." Excited na sabi ni Brad. "Gusto mo ba kaming tumugtog para sa kakantahin mo Lei?" Tanong ni Jax. Napaisip ako. Mukhang hindi ko na pala magagamit ang gitara ko sa ngayon pwedeng si Luke na lang dahil pareho lang naman kami ng klase ng gitara na hawak. Si Luke naman ay nasa stage lang nag aantay ng sagot. Si Brad at Austin ay nakangiting naghihintay. "Uhm napansin ko kasi na may piano pala dito. Pwede ko bang gamitin na lang iyon at si Luke na lang ang magigitara for me? If okay lang Luke at kung alam mo yung kanta ni Adelle at Lady Gaga." "Tamang-tama! Mukhang nagback out ang isa. So no prob. Ako na magitara for you. Tell me what songs para isearch ko if hindi ko rin kabisado." Nakangiting sabi ni Luke. Tumango ako at pumunta na ng stage para sabihin sa kanya ang plan ko. "I'm gonna sing uhm.. it's actually kinda remix songs of Adelle and Lady Gaga." "Oh okay. May recorded audio kaba ng remix songs?" "Yes I have. Here." "Uh guys saglit ah give us a minute or two." Sabi ni Luke sa kanila Jax habang nag aantay. "Sige lang bro." "Pwede ko bang magamit yung piano?" Tanong ko naman sa kanila. "Yes. Go ahead Lei." Dumako na ako sa piano at kinokondisyon ko muna mga daliri ko. Plan ko lang talaga is magitara kasi akala ko walang back up. Binigay naman ni Luke sa kanila ni Jax ang recorded audio remix at pinakinggan naman nila. "Alright. I'm good na Lei. Let's start?" Wow! nakuha niya agad yun?" Naamaze ako kay Luke. "Yes." Sagot ko naman na nakangiti. Huminga muna ng malalim bago nag umpisa sa pagtipa ng gitara si Luke at ako naman sa piano bago kumanta. May microphone naman kaya inadjust ko nalang sa level ko yung height ng mic. Hindi ko alam kung anong nagyayari pero habang nasa ikalawang song palang kami ni Luke sa tugtog na Set Fire To The Rain ni Adelle ay nakikita ko ang pagdami ng mga studyante na pumapasok sa auditorium na nakatingin sa amin. Sina Jax at Brad naman ay nakanganga na nagkatinginan sa isa't isa bago tumakbo paakyat ng stage at pumunta sa kanya kanyang pwesto. Si Jax sa gitara at si Brad sa drum. Kahit takang-taka ako ay patuloy lang ako sa pagkanta at pagpiano. Yun pala ay tumugtog na rin sila. Napangiti ako. Maya-maya pa ay nakatingin at nakangiti na silang lahat sa akin pati sina Jax ng nasa kanta na ako ni Lady Gaga na I'll Never Love Again. Hanggang sa tinapos ko ito sa kanta ulit ni Adelle na When We Were Young dun sa last part: Let me photograph you in this light In case it is the last time That we might be exactly like we were Before we realized We were sad of getting old It made us restless Oh I'm so mad I'm getting old It makes me reckless It was just like a movie It was just like a song When we were young.. Lahat sila na nasa auditorium ay naghiyawan at nagpalakpakan. "I told you bro." Si Austin ang sumigaw. (Ang hindi alam ni Hailey ay si Austin ang may pakana noon. Ini-on niya ang speaker ng auditorium.) "Ahm, guys.. tapos na po ang concert. Thank you sa panonood.." Dinig kong biro ni Brad sa ibang mga studyante habang pinapalabas ng auditorium. "So?? I don't think you need to wait for tomorrow para pumili." Sabi ni Austin sa kanilang tatlo. "Austin let them decide. Anyway, guys thanks for giving me a chance to do the audition." "Well, honestly Lei, we are all startruck.!" Wika ni Luke Nakangisi naman na napapailing sa akin si Brad. "Ibang klase ka Lei. Pinahirapan mo pa kami." Pinahirapan? Tanong ko sa isip. "Yeah. Tama si Brad, Lei. Pinahirapan mo pa kaming magpaaudition. Ikaw naman pala ang inaantay amin." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Wow-- You mean??" Tanong ko kay Jax "Yes Lei. It's a Unanimous Decision. Ikaw ang napili namin. Tama si---?" "Austin, bro." Sagot ni Austin kay Jax na natatawa. "Ni Austin.. Tama siya na hindi na namin antayin ang bukas para sa decision." "Congrats!" Nakangiting bati ni Austin sabay kindat. "Welcome sa The Black Cards Lei." Excited na bati sa akin ni Brad at ganoon din si Luke. Meron pa silang kabanda maliban sa original na vocalist nila. Kaso isang beses ko palang nakita. Hindi nakarating ngayon dahil may biglaang lakad kasama ang pamilya niya. "Thank you guys. I'll do my best sa competition." Pangako ko sa kanila. "Ha? Hindi mo pa ba yun best?" Takang tanong sa akin ni Luke. "Hahaha! I mean.. mas gagalingan pa lalo kasi diba competition na yun, andun na yung pressure sa mga makakalaban at expectations ng mga judges." "That's the mindset we need!" Sambit ni Jax. Alas-otso y media na sa oras ng relo ko at sabay sabay na kaming naglalakad papuntang exit. "Hailey, saan ka ba nakatira ngayon. Hatid na kita." Offer ni Austin sa akin. "Oh no need Austin. Thank you though. May magsusundo na sa akin." Pagsisinungaling ko. Ayoko lang malaman niya ang tungkol sa amin ni Pierce baka makarating pa kay kuya. Mahirap na. "Sure ka? Pwede mo naman tawagan na may masasakyan ka pauwi." "No need. Really. Salamat narin." "Okay. Ikaw bahala. Uhm dito na ako." Paalam ni Austin. Iba kasi yung way ng exit gate at yung papunta sa may parking lot. "Sige. Ingat at salamat ulit sa pagsama sa audition." "Ikaw pa ba?. Kita nalang bukas." "Bye. Ingat ka." Patuloy na kaming tatlo nina Jax, Brad at Luke sa paglalakad palabas ng gate. "So guys, don't forget to add Hailey sa gc natin ah.? Anyway, mauna na ako." sabi ni Luke ng makalabas na kami ng gate. "Ako na ang bahala bro. Actually inaadd ko na siya ngayon." Sagot ni Jax Si Brad naman ay nagbukas na rin ng cellphone niya. "Thanks ulit Luke. Ingat." "Ikaw din Hailey. Kayo din guys. Bye." Nagtaxi na ako pauwe ng condo Kinamusta ko muna ang kaibigan ko sa boarding house. Iba yung school niya at nagkakakilala lang din kami sa isang common friend. Wala pa rin akong text o tawag na natatanggap mula kay Pierce. Nakakapagtaka.. Sa wakas nakarating din ng condo. At wala pa rin siya. Natutukso akong tawagan si kuya para itanong.. pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Pagkatapos kong magpahinga ay naligo ako. Pinagpawisan ako sa audition ko kanina. Akala ko hindi ko magawa ng tama ang remix na yun. Ilang saglit pa ay natapos na akong maligo at nakapagbihis na rin ng pantulog. Habang nagpapaantok ay isa isa ko ng tiningnan ang mga GCs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD