Nagising si Hailey sa tunog ng alarm ng cellphone. Mag eensayo sila ngayon para sa darating na laban. Ang usapan nila ay magkikita muna silang tatlo nina Jax at Brad at sabay na pupunta sa studio para mag-ensayo.
Akmang babangon si Hailey subalit mahigpit ang yakap ni Pierce sa kanya.
"Hmmm.. good morning." Bati ni Peirce sabay halik sa noo ni Hailey.
"Good morning." Nakangiting bati naman ni Hailey.
"hmmm.." Saad ni Pierce na yakap yakap ang asawa niya.
Umalis naman sa pagkakayakap si Hailey at akmang babangon.
"Pierce, babangon ako."
"Dito ka muna." At lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ni Pierce.
Alam ni Hailey na naglalambing ang asawa niya ngunit kailangan na niyang bumangon.
"Babe naman eh. May pupuntahan ako. Sinabi ko na sayo kagabi yun diba."
"Oo.."
"Then bitaw na. Para kang baby." Natatawang sabi ni Hailey
"Ayoko!"
"Babe hindi ako nagbibiro. Kailangan ko ng bumangon. Huwag ka ng pabebe."
"Gawa na tayo ng baby." Ang nasambit ni Pierce na ikinagulat ni Hailey.
"Ano???! Hahaha! Okay ka lang ba?"
Anong gawa ng baby pinagsasabi nito?! Nasabi sa isip ni Hailey.
Hinila naman siya ni Pierce palapit hanggang sa nakapatong na siya sa ibabaw nito na mahigpit parin ang yakap.
"Dito ka muna kasi.." Naglalambing na sabi ni Pierce
At naramdaman na lamang ni Hailey na biglang may tumigas sa bandang puson niya.
Napasinghap si Hailey.
"Ayan. Ginising mo si junjun."
"Tse!" Sabay irap.
"Konteng pilit pa nitong asawa ko at baka bibigay na ako ng tuluyan." Turan ni Hailey sa isip.
"Hahaha! Namumula ka nanaman."
"Stop teasing me.!"
"Paanong hindi mamumula eh lalo mo akong tinutukso. At iyong titig mo na nakakapanghina ng tuhod." Nasabi ni Hailey sa isip niya.
Lihim na napalunok si Hailey sapagkat lalong gumagwapo sa paningin niya ang asawa. Naramdaman niya rin na parang may pumitik sa bandang baba. Ilang saglit pa ay sinakop na ng kanyang asawa ang mga labi niya.
Tuluyan ng nagpatangay si Hailey.
Namalayan na lamang niya na nagpalit na pala sila ng pwesto at ang mga saplot nila ay tuluyan ng nawala.
"Pierce!" Napasinghap si Hailey ng sakupin ng bibig ni Pierce ang dibdib niya. Napapaungol siya sa ginagawa ng asawa. Alam ni Pierce kung paano siya paligayahin.
Napatigil saglit ang mag-asawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Hailey tanda ng may tumatawag.
"Babe, may tumatawag." Sabi ni Hailey subalit ipinagpatuloy lamang ni Pierce ang pagpapaligaya sa kanya habang kinukuha ang phone at pinindot ang silent mode.
"Hayaan mo yan." Ani ni Pierce at bumalik sa paghalik sa mga labi ni Hailey. Ilang saglit ay natangay na ulit si Hailey sa mga halik ni Pierce na nakakahumaling.
"Oh..."
"Babe.."
Nilalasap nila ang init ng kanilang mga katawan.
"Babe... mmmnn " ungol na sabi ni Hailey habang ang mga daliri ni Pierce ay abala sa paggawa ng mahika sa pribadong parte ng katawan niya.
Hanggang ipinasok na Pierce ang p*********i niya. Ang mga indayog ng kanila katawan at ang mga halik nilang nag aalab ang tuluyan nagpawala ng kanilang katinuan.
Makalipas ang ilang minuto ay bumibilis na ang mga kilos ni Pierce. Si Hailey naman ay malapit narin.
"babe.."
"aaahh.."
"mmmnn.."
At unti-unti humuhupa ang kanilang nararamdamang init ng katawan.
Umalis sa pagkakadagan si Pierce at humiga sa tabi ni Hailey na yakap parin ang asawa.
"I love you my lovely wife."
"I love you too."
Makalipas ang isang oras ay lakad takbo ang ginawa ni Hailey patungo sa loob ng mall. Hinatid siya ni Pierce pero hindi na siya pumayag magpahatid sa loob at baka makilala siya ni Jax at Brad.
"Guys... Sorry to keep you waiting." Humihingal na sabi ni Hailey ng makarating siya sa pwesto nila Jax.
"Okay lang. Teka umupo ka muna." Ang sabi ni Brad.
"Here. Inumin mo to. Para kang hinahabol ng aso sa hingal mo ah. Siguro tumatakbo ka papunta dito noh?"
Inilapag muna ni Hailey ang gitara bago kinuha ang mineral na nasa bote.
"Haha! Oo, baka kasi nag-aantay na kayo ng sobrang tagal."
"Hindi mo kailangan tumakbo. Nabasa namin ang message mo Lei Saka aantayin ka namin kahit gaano pa katagal. Ikaw pa ba? Malakas ka samin eh.." Sabi naman ni Brad.
Ngumingiti na lamang si Hailey at pagkatapos ay uminom ulit ng tubig.
"Pahinga ka muna saglit bago tayo umalis."
Tumango naman si Hailey bilang pagsang-ayon.
Matapos makapagpahinga si Hailey ay umalis na sila gamit ang kotseng dala ni Brad. Hiniram niya muna ang kotse ng daddy niya.
"Guys ito na yung songs na pagpipilian natin." Sabi ni Brad ng nasa studio na sila.
"Actually yung last na sinend ni Luke sa GC gusto ko rin yun."Sabi ni Jax.
"What can you say Lei?"
"Pwede natin pakinggan muna lahat. Then let's stick to your band's genre. Since you are a rock band let's try rock song na hindi madalas kinakanta sa mga pacontest. Dapat unang stanza palang ng kanta ay pasabog na. Pero syempre pakinggan muna natin then I'll sing each song and you guys would choose kung alin mas okay iperform sa laban." Mahabang litanya ko sa kanila.
"Tama ka! So unahin natin ito." Sabi ni Luke na pinakinggan naman muna nila at maya-maya ay sinasabayan na ni Hailey ang kanta.
Isang oras na mahigit ang nakalipas at may napili na sila na dalawang kanta.
Ang She's Gone ng bandang Steelheart at ang Poison by Alice Cooper. Kaya susubukan nila kung alin mas okay na ipanglaban.
Habang nagpapahinga nakatanggap si Hailey ng text mula sa kanyang asawa, sa kabanda niya na si Troy, kay Sophie at Alwina.
Pierce: Ksma qna c Nigel. I myt nt b able to pick u up later babe.
Nireplayan naman ni Hailey bago binasa ang mensahe ni Troy.
Troy, BlackScented: Hailey, busy ka ba? Pwede ka bang matawagan today?
Sabi na may problema to eh kagabi pa weird mga messages nito sa GC. Nasa isip ni Hailey.
Hindi na nireplayan ni Hailey sa halip siya na ang tumawag kay Troy. Dalawang ring at sinagot naman niya.
"Hey.." Bungad ni Hailey.
"Hi Hailey." Sagot ni Troy sa kabilang linya. Ramdam sa boses ni Troy ang sobrang lungkot.
"What's up Troy? May nangyari ba?"
"Si Tricia kasi.."
"Bakit anong nagyari?"
"Nakipaghiwalay sa akin. Please help me what to do. Ginawa ko naman lahat para hindi ako iwan."
"Sorry to hear that Troy. Did she say the reason?"
"May mahal siyang iba."
"What?! Nang ganon ganon lang??"
"Yeah.." Halata parin sa boses ni Troy ang sobrang lungkot.
"That sucks! Kelan siya nakipaghiwalay"
"Kahapon."
"Kaya pla parang weird mga messages sa GC."
Gusto ko sana niyang i-console si Troy pero sumenyas na si Luke na mag start na ulit mag ensayo.
"Uhm Troy can we talk later? Look! Try to think this.. You don't deserve to be cheated on but you deserve a loyal one. She's not worth it. Though it hurts at first but you'll get over it sooner or later."
"Thanks Hailey. I appreciate it and thanks for your call."
"Walang anuman yun. Ano ka ba that's what friends are for. Let's talk later okay? May gagawin lang ako."
"Okay.."
Bumalik na ulit sa pag eensayo sina Hailey.
Ang napili nila ay ang She's Gone ng banda StealHeart unanimous decision din nila. Dumating yung vocalist ng banda na si Edgar kanina para makilala si Hailey at ang She's Gone ang napili nilang lahat. Medyo oldies songs ang mga naisip nila.
"Guys, pakinggan niyo to." Sabi ni Hailey sa kanila.
Inumpisahan na Hailey ang ginawa niyang intro ng She's Gone bago yong mismong intro ng kanta gamit ang electric guitar niya.
Halos dalawang minuto ang tinagal ng intro.
"So? Okay ba siya isama sa intro?"
"Sheeeet... Paano mo naisip yan? That's perfect!" Puri ni Edgar.
"Oo agree ako diyan Gar." Pagsang-ayon naman ni Jax na halos hindi na niya maitago ang pagkagusto kay Hailey. Ganoon din si Brad.
"Haha! Ang totoo kasi niyan ginawang intro yan ng kabanda ko. Lahat kami inaral namin yan incase na hindi makapagperform ang isa sa'min eh pwedeng ako ang sasalo or isa sa amin."
"Wow!" Manghang turan nila na halos sabay-sabay pa. Gabre naman yang banda mo. Parang gusto namin makilala yan ah. Pakilala mo sa amin minsan.
"Oo ba! Some other time. So decided na ba na isama natin?"
"Oo naman at pwedeng ikaw na rin ang mag intro. Ayaw namin agawin ang gawa ng kabanda mo saka para may gulat factor palang diba sa umpisa." Pagsang-ayon ni Jax
"Saka ang astig kapag babae ang gumawa niyan kasi ang mga sumaling banda last year ay halos mga lalaki ang nagigitara. May babae silang kabanda pero vocalist nila." Saad naman ni Brad.
"So it's settled na. Tara! Excited nakong umpisahan." Pag-aya naman ni Luke na magsimula ulit ng ensayo.
"Okay!"
Habang kanya kanya silang punta sa mga pwesto nila ay nagtanong si Brad.
"I wonder kung ano pang alam mong mga instruments Lei? Nakaka-amaze. Not all women ay into instruments too."
"Oo nga. Ano pa ba ang kaya mong gamitin Lei? Bukod sa gitara at piano" Tanong ni Luke
"Aside sa mga klase ng gitara at piano, uhm keyboard, xylophone kasi nagmamajorette ako noong elementary atsaka violin."
"Total package ka na Lei. Swerte ng magiging boyfriend mo. You're amazing." Sabi ni Luke. Lalo namang nagkakagusto sina Jax at Brad kay Hailey.
Naumid naman ang dila ni Hailey sa narinig at ngumiti nalang.