Ilang araw ang nakalipas at patuloy sa pag eensayo sina Hailey. Ganoon din ang grupo ni Pierce. Hindi madalas magkasabay umalis sina Hailey at Pierce dahil sa pagkakaiba ng oras ng pasok at ang oras ng ensayo. Hindi rin nila napag uusapan ang ang may kinalaman sa kanta na tutugtugin nila sa laban.
Hindi nakauwi kahapon si Pierce at doon sa isang apartment siya umuwi dahil napagkaisahan ng mga kaibigan niya na mag inuman sa tinitirhan niya. Tumawag si Pierce upang ipaalam. Subalit ngayong araw ulit ay hindi na naman makakauwi si Pierce at nasa kabilang apartment parin ito. Nakita naman ni Hailey sa post ng kuya niya na may pinagdiriwang na kaarawan at doon sa bahay ni Pierce idinaos. Marami silang nag iinuman. May mga babaeng kaklase nila at meron pang nakayakap kay Pierce.
Hindi mapigilan ni Hailey ang mainis. Kagagaling lang ni Hailey sa ensayo kaya hindi niya nasagot kanina ang tawag ni Pierce pero pinadalhan niya ito ng text. Alas singko na ng hapon at wala pa rin siyang natatanggap na reply o tawag mula sa asawa. Wala silang pasok ngayon at bukas ay Biyernes kaya doon siya sa boarding house matutulog dahil uuwi sila ng kuya niya sa Bulacan.
Kasalukuyang nagbobrowse ng mga pic si Hailey habang nakahiga. Naghahanap siya ng masusuot para sa Acquaintance Party nila. Sina Sophie ay pupunta ngayon sa mall upang maghanap ng mabibiling damit. Majority na sumagot sa survey ay gusto ang Masquerade Theme. Ang pinagkaiba ng school nila about sa Acquaintance Party ay tanging Third year at Fourth Year lang. Hindi kagaya ng ibang eskwelahan na ginawa iyon for all levels from first year to fourth year para magkakilanlan ang bawat isa at iwelcome ang mga freshman.
Tumunog naman ang cellphone ni Hailey at agad niya itong sinagot.
"Hello?"
"Dzai, kasama namin sina Jax ngayon. Tara sama ka samin para marami tayo." Sabi ni Alwina sa kabilang linya.
"Hailey antayin ka namin. Or sunduin ka namin."
Dinig naman ni Hailey ang boses ni Sophie.
"Teka, kasama mo si Jax?"
Nagtataka si Hailey sapagkat ang sabi ni Jax ay didiretso siya ng uwi kanina.
"Oo! Andito din sina Brad, Luke at Wyatt.. Lika na para sabay na tayo bumili ng isusuot natin."
"Okay sige. Antayin niyo ako. Magbibihis lang ako saglit. Text niyo sa akin kung saan kayo banda para magtaxi na ako papunta diyan."
"O sige. Antayin ka namin."
Agad naman nagshower saglit si Hailey at mabilisang bihis ang ginawa. Pagkatapos ay naglagay siya ng liptint at hinayaan nakalugay ang buhok.
After an hour at naglalakad na siya patungo sa kinaroroonan nina Sophie.
"Hailey!" Kaway na bati ni Sophie. Ngumiti naman si Hailey sa kanila.
"Salamat sa pag antay. Teka bakit andito kayo? Hindi ba sabi niyo uuwi na kayo?" Tanong ni Hailey sa kanila Jax.
"Hehe! Si Wyatt kasi naisip na dumaan muna dito sakto nakasalubong namin sina Sophie."
"Ah okay. So saan tayo?"
"Punta tayo sa third floor. Maraming mga damit na bago doon." Sagot ni Alwina
"Maghanap na rin tayo ng magandang mask." Sabi ni Sophie.
"Tayo na lang magdesign ng mask dzai. Kasi hindi pa natin alam yong damit na mapipili natin baka hindi babagay." Sabi naman ni Alwina.
"Okay! Sige."
Abala naman na nag uusap silang lahat habang namimili ng damit.
"dude, ito bagay ata sayo." Tawag naman ni Luke kay Brad.
"Naku. Hindi yan bagay sa kanya. Magmumukha yang tsonggo." Komento naman ni Sophie.
"Alam mo ikaw? May gusto ka yata sa akin no?!" Sagot ni Brad.
Nagkantiyawan naman ang lahat. Namumula na si Sophie.
"Hoy! Brando kahit pumuti pa ang uwak hindi kita magugustuhan noh! Asa ka pa!" Sabay irap ni Sophie sa kanya at nagwalk out.
"Oy teka saan ka pupunta?" Tawag ni Luke kay Sophie habang ang iba ay natatawa na lang.
"Wala akong nagustuhan lipat tayo sa kabila."
Makalipas ang isa at kalahating oras ay may kanya-kanya na silang bitbit na mga napili nila. Bumili na lang sila ng materials upang sila na lamang ang gagawa ng mask.
"Oh guys groupie tayo." Tawag ni Sophie.
Pagkatapos ay kumain muna sila sa isang fast food chain na nasa loob ng mall lang din.
Kanya kanyang table sila dahil limitado lang ang pwede sa isang table.
Sa kabilang lamesa ay sina Alwina, Wyatt at Luke at sa kabila naman ay sina Sophie, Brad, Jax at Hailey.
"Guys smile..."
Pagkatapos ay kanya kanyang selfie na ang ginawa nina Sophie.
"Lei, selfie tayo."Sabi naman ni Jax.
"Sure."
Sumunod naman si Brad na nakikipagselfie kay Lei hanggang nauwi naman ulit sa groupie.
"Hay, nakakapagod pero ang saya parang ayoko pa umuwi." Sabi ni Alwina na pumipilantik ang kamay habang bitbit ang paperbags ng mga pinamili niya.
"Inom tayo." Aya ni Wyatt
"Oy gusto ko yan." Sagot naman ni Jax
"G ako diyan." Pagsang-ayon ni Alwina.
"Oh sige tara. Saan ba?" Tanong ni Brad.
"Lei sama ka ah?" Sabi ni Jax na katabi lang ni Hailey habang ang iba ay abalang nag-uusap kung saan iinom.
"Hindi ko sure eh."
"Sige na. Sama ka. Akong bahala sayo. Hindi kita iiwan."
"Saan ba ang inuman?" Tanong ni Hailey.
"Guys sasama si Hailey saan tayo?"
"Sa amin na lang. Tatawagan ko si mommy na pupunta kayo para iprepare narin yung game room."
"Yon oh! Kanila Wyatt na tayo." Saad naman ni Luke.
Kinuha naman ni Jax ang bitbit ni Hailey.
"Thanks Jax."
"No problem."
"Guys, sinong sasabay sa kotse ni Wyatt?"
"Me!"
"Ako!"
Magkasabay na sagot ni Sophie at Alwina.
"Okay yung iba magtaxi nalang." Sabi naman ni Wyatt.
"Magtataxi nalang kami nina Hailey at Luke." Sabi naman ni Jax.
"Okay. Kita nalang tayo sa bahay."
"Teka parang kasya naman kami sa likod tatlo ni Hailey." Sabi ni Sophie.
"Okay lang Sophie. Magtaxi nalang kami." Sabi ni Hailey sa kanya.
"Okay sige. Ikaw bahala. Huwag kang umuwi ah? Hoy! Jax bantayan mo yan. Baka tatakas."
"Hindi yan. Sige na ingat kayo at sasakay narin kami ng taxi."
Nakarating na ang lahat sa bahay nina Wyatt. Talagang mayaman ang pamilya nito.
"Mom!"
"Ay sir, kakaalis lang ni madam. Pero okay na po ang game room."
"Salamat ate Lorna. Saan po pupunta si mommy?"
"Ay hindi nagsabi kung saan."
"Ah okay po."
Bumaling naman si Wyatt sa mga kaibigan niya.
"Guys nasa may right side yung game room. Mauna na kayo. Magbibihis lang ako."
"Okay."
Dalawang oras ang nakalipas at lalo pang nagkakasayahan ang grupo. Si Hailey naman ay hindi umiinom. Ang mga pulutan lamang ang pinagdidiskitahan. Pagkatapos matalo ni Alwina sa game ay umayaw na ito. Sina Brad na lang at Luke ang naglalaro sa game console.
Si Jax at Wyatt naman ay nag-uusap ng kung ano anong topic habang sina Sophie at Hailey ay may sariling topic din. Napapagitnaan silang dalawa nina Jax at Brad.
Lalong lumalalim ang gabi ng hindi namamalayan ng magkakaibigan.
"Guys, excuse lang may tawag ako." Paalam ni Hailey sa kanila habang lumabas ng room.
"Hello?"
"Nasaan ka?" Si Pierce. May kakaiba sa boses nito.
"I'm with my friends. Napatawag ka? Tapos na ba ang party niyo?"
"Hindi pa."
"I see. Uuwi ka ba ngayon?"
"Kapag nagsiuwian na tong mga to. Pero kapag dito to matulog baka hindi."
Natahimik si Hailey. Nalulungkot siya na naiinis lalo na ng maalala ang post ng kuya niya.
"Galit ka ba?" Tanong ni Pierce
(Pierce, halika na dito baby. Anong ginagawa mo diyan.)
Bago pa makapagsalita si Hailey ay narinig niya ang boses ng babae sa background then biglang nawala ang tunog na parang nakaMute.
"Baby?? Sino yun Pierce?"
Narinig ni Hailey ang buntong-hininga ni Pierce. Hindi nagustuhan ni Hailey ang narinig niya.
"Kaibigan namin. Lasing na kaya makulit."
"Kaibigan pero baby ang tawag sayo?!"
"Babe, wala yun. Ganon lang talaga yon."
"Wala lang? Pero gustong gusto mo naman na tinawag kang baby!"
"Babe please.. let's not make it a big deal."
"Fine! Do what you want! Gagawin ko rin ang gusto ko! Magsama kayo ng tumatawag sayo ng baby!"
Inis na nasabi ni Hailey at pinutol na niya ang tawag.
Ilang segundo lang ay tumatawag na ulit si Pierce. Dahil sa sobrang inis ni Hailey ay hindi niya sinasagot ang tawag nito.
Bumalik sa loob ng game room si Hailey na parang walang nagyari ngunit naramdaman ni Jax ang kawalan niya ng mood.
"Okay ka lang ba Lei?"
"Ha? Oo naman. Okay lang ako. Teka pa-try nga ako nito." Kinuha ni Hailey ang kopita na may lamang alak at tuloy tuloy na ininom.
Nagulat ang mga kaibigan ni Hailey sa ginawa niya. Iinom pa ulit sana si Hailey ng bigla na siyang inawat ni Jax.
"Tama na yan."
"Hala! Eh ang konte pa lang ng nainom ko."
"Alam namin na hindi ka umiinom kaya wag mong gawin."
"Pero feel ko uminom ngayon."
"Lei, enough."
Kinuha ni Jax ang kopita at iniabot kay Wyatt.
"Okay ka lang ba dzai?" Pag aalalang tanong ni Alwina. Si Sophie naman ay hawak ang brso niya na pinipigilan din siya.
"Oo naman. Okay lang ako." Patawa-tawang sabi ni Hailey.
"Sure ka?"
"Oo naman. Ano ba kayo don't mind me."
Nalaglag ang phone ni Hailey at pinulot iyon ni Alwina. Sakto naman na tumawag si Pierce at nabasa ni Alwina ang name nito sa tumatawag.
"Ay dzai si papa P tumatawag." Iniabot ni Alwina ang cellphone kay Hailey.
"Ha? Sinong papa P?" Takang tanong ni Hailey sabay kuha sa cellphone niya.
Nakita niya ang name ni Pierce. Pinatay niya ulit ang tawag nito.
Naku! Sana hindi sila magduda! Kabado si Hailey.
Noong nakaaraan ay nalusutan niya ang mga tanong nila. Tapos ito nanaman.
"Ah. Okay.. baka ang kuya ko yon. Magkasama kasi sila ni kuya ngayon. Hindi kasi alam na mandito ako. Hindi ko kasi sinagot ang ibang mga tawag ni kuya."
"Sino ba kuya mo Lei?" Tanong ni Jax.
"Si Nigel Cortez yung drummer ng Wildberries."
"What?! Kapatid mo si Nigel?" Gulat na tanong ni Sophie.
Lagi ko lang kasi sinasabi sa kanila na bestfriend ni Pierce ang kuya ko.
"Kaya pala mahilig ka rin sa music. It runs in the blood talaga." Sabi naman ni Brad.
"Lei, paano yan, lalabanan mo sila sa battle of the bands. Alam ba ng kuya mo na sumali ka?" Tanong ni Wyatt.
"Hindi ko pa nga nasabi sa kanya eh. Baka bukas sasabihin ko or sa susunod na araw pag uwi namin ng Bulacan."
"Dzai.. alam mo bang die hard fan ako ng kuya mo at ni Pierce? Baka naman ipakilala mo ako sa kanya."
"Hahaha! Ikaw ha!"
"Sige na oh.."
"Sige bukas kapag papasok si kuya puntahan natin sa room nila."
"Ay bet ko yaaaan. Magpapaganda ako bukas." Excited na wika ni Alwina.
"Hoy ako din baka pwede mo akong ipakilala don sa tisoy. Ang guwapo non sobra. Wala ngang itulak sa kanila lahat puro kabigin." Saad ni Sophie.
"Tsss.." React ni Brad sa sinabi ni Sophie.
"Hoy gwapo din naman kami ah!" Sabi naman ni Luke.
"Hahaha! Oo nga! Ang gwapo kaya nila Luke. Si Jax, Brad at Wyatt tingnan mo sila all in 1 na. Guwapo na talented pa." Sabi naman ni Hailey.
Kahit paano ay nababawasan ang sama ng loob ni Hailey dahil sa mga kaibigan niya na masayang kasama.