Chapter 14

1248 Words
Madaling araw na ng matapos ang inuman. Si Hailey naman ay nakapikit ng nakasandal sa upuan. Si Alwina ay nakahiga na rin sa mahabang sofa at si Sophie ay nakasandal na sa balikat ni Brad na natutulog. "Dude, palipatin natin sila." Sabi ni Wyatt. Ginising ni Luke si Alwina, Ganoon din si Brad kay Sophie at tumungo naman sa kabilang kwarto. "Lei.." "Hmmm??" "Dito na muna kayo matulog may spare room sa tapat nito. Guestroom yon kaya pwede kayo at malaki naman yon kaya magkakasya kayo dun." Sabi ni Wyatt. "Anong oras na ba?" "Medyo madaling araw na." "Ha?! Hala! Teka.. Kailangan ko ng umuwi." Gulat na sambit ni Hailey. Napatingin siya sa cellphone niya at napansin niya ang 50 missed calls mula kay Pierce. Mayroong dalawa sa kuya niya. Hindi na muna pinansin ni Hailey ang mga unread messages at ang nasa isip niya ay kailangan niyang makauwi. Alas dos y media na mahigit sa oras ng cellphone niya. "Sorry guys but I really need to go home. Baka lalong magalit si kuya kapag nalaman na wala ako sa bahay." Pagdadahilan ni Hailey sa kanila. "Pero delikado umuwi ng madaling araw Lei. Pahinga muna kayo saglit then mga four pwede na kayo umuwi."Sagot ni Wyatt. "Oo nga Lei. Dito ka muna." Sabi naman ni Jax. "Andon na sila Alwina at Sophie. Tabi tabi kayo." "Sorry guys. Hindi talaga pwede. Magbobook naman ako ng Grab." "Hindi ka na ba papipigil? Medyo alanganin kasi baka may loko lokong driver. Gusto nga sana kita ihatid pero mukhang hindi ko kaya. Marami rami kasi ang nainom ko." Sabi ni Wyatt. "Ihatid na lang kita sa inyo Lei." Sabi naman ni Jax. "Naku. Okay lang talaga ako. Huwag kayo mag alala. Saka magpahinga na kayo. Ako naman ay hindi nalasing o nakainom ng marami kaya okay lang ako. I can handle myself." "Samahan ka na lang namin hanggang makasakay ka." Si Jax na halatang lasing na rin at halata sa namumula niyang mga mata. Maya-maya ay on the way na ang GRAB. Labing-limang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang grab na sasakyan ni Hailey. "Guys, pasabi na lang kanila Sophie at Alwina na nauna na ako ah." "Sige. Kami na magsabi. Ingat ka." "Ingat Lei." Sabi ni Luke. "Kuya pakihatid po ng walang galos ang prinsesa ng buhay ko." Sabi ni Jax sa driver. Nagulat si Hailey sa narinig ngunit isinawalang bahala na lamang niya iyon dahil nakainom si Jax. Nakarating naman si Hailey sa condo makalipas ang kalahating oras. Walang traffic kasi kapag ganitong mga oras. Naglinis siya ng katawan at nagtoothbrush pagdating ng condo. Papalabas na si Hailey mula sa banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. "What the f**k!!" Bulalas ni Hailey sa magkahalong gulat at takot ng may napansin siyang nakaupo sa dulong bahagi ng kama. Hindi napansin ni Hailey si Pierce dahil wala naman ito sa pwesto kanina. "Bakit ngayon ka lang?!" Naniningkit ang mga matang tanong ni Pierce na nakatingin sa kanya. Hindi sinagot ni Hailey si Pierce. Dinaanan niya ito at tumungo sa closet niya upang magbihis. "Hailey.." "Anong gusto mong isagot ko?" Napatiimbangang si Pierce. Hindi pinansin ang sinabi ni Hailey. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Sinong mga kasama mo?" Itinulak ni Hailey si Pierce palayo. "Wala kang pakialam kung sinong mga kasama ko." "Hailey!" "What?!!!" "Answer my questions..!" Nagtitimping utos ni Pierce. "I already told you. I was with my friends! Now, happy?!" Tumungo na si Hailey sa higaan at sumandal sa may uluhan ng kama habang binubuksan ang cellphone niya. Sumunod naman si Pierce. "About kanina, It's not what you think." Maya-maya ay mahinahong sabi ni Pierce. "Sinabi ko na sayo gawin mo ang gusto mo. Gagawin ko rin ang gusto ko. Hindi mo na kailangan magpaliwanag. You can hug, kiss or f**k every girl you want!" Turan ni Hailey na parang tinutusok ng milyon milyong karayom ang puso niya habang sinasabi niya iyon. Pinipigilan niya ang sarili na maiyak. "Anong pinagsasabi mo?! You know I can't do that! Ganon na ba ang tingin mo sa akin?" "At anong gusto mong isipin ko?!" "Cathleen is nothing. Hindi ko siya pinapansin. She's the one who keeps pushing herself pero never kong pinatulan. You know I have alot of girl friends. You should understand na ang iba ay ka-close ko. Pero lahat walang malisya. Your brother is the witness." "Don't use my brother, Pierce. Ni hindi nga din niya alam ang tungkol sa atin paano pa kaya ang akala niyang magbabarkada lang eh yun naman pala may kalokohan ng ginagawa." "Are you accusing me?" "Wala akong sinasabi." "You're jealous. I get it. But believe me I never cheated." Hindi na sumagot si Hailey. Masama pa rin ang loob niya. Alam niya na hindi magagandang salita ang masasabi niya kaya pinili na lamang niyang tumahimik. Maagang nagising at umalis ng condo si Hailey. Tulog pa si Pierce ng umalis siya. Dumiretso siya sa boarding house at doon na muna magpalipas ng oras at sama ng loob. "Hi." Bati ni Hailey kay Angelica. "Look who's here? Mabuti naalala mo pa ang papunta dito." "Hahaha! Sorry na. Medyo busy kasi lately." "Sabi mo eh.!" Agad naman tumungo sa kwarto si Hailey. May tatlong kwarto kasi sa isang boarding house. Dalawa ang CR. Isa sa second floor at ang isa ay sa baba. "Hailey, nagluto pala ako ng sinangag , tuyo at may tocino. Tara kain tayo.!" Kumatok si Angelica sa pintuan ni Hailey. Binuksan naman ni Hailey. "Medyo busog pa ako Gel. Salamat. Pakabusog ka." "Okay sige. Pero kumain ka nalang kapag nagutom ka ah. May tinira naman ako." "Okay. Salamat. Iidlip lang ako." Dahil dalawang oras lang ang tulog ni Hailey kaya agad naman itong nakatulog. Ala una na ng hapon ng magising ito. "Hi sleeping beauty." Bati ni Angelica na abala sa paglilinis ng kuko niya. "Hi." "Kumain ka na nagluto na ako. Kinain ko na kanina yung tira. Hindi na kita ginising at ang himbing ng tulog mo kasi." "Hehehe. Puyat kasi kagabi. Kasama ko mga kaklase ko kagabi. Dalawang oras lang ang tulog ko." "Kaya naman pala tulog mantika ka kanina." "Haha! Liligo lang ako at kakain pagkatapos. May klase pa kasi ako maya-maya." "Okay." Bago pumasok sa school si Hailey ay nag ayos muna siya upang hindi siya mahahalatang may problema. Sa eskwelahan.. "Hailey!" Kaway na tawag ni Austin sa gate ng school. "Hey! Kamusta?" "Heto namimiss ka.." Seryosong sagot naman ni Austin. "Aysus... Ikaw ha baka iba na iisipin ko niya." Napapangiti na lamang si Austin. "Teka! Bakit ka nga pala nasa labas. Nagcommute ka lang ba?" "Hindi. Gamit ko ang motor ko." "Ha? Eh anong ginagawa mo doon sa labas ng gate?" Takang tanong ni Hailey habang naglalakad na sila sa loob ng eskwelahan "Inaantay ka." Natatawa si Hailey. "Haha! Ako? Bakit naman?" "Wala lang.." Tipid na sagot ni Austin. "Nga pala may kapartner ka naba sa party?" Tanong ni Austin. "Partner? Kailangan ba non?" "Hindi naman. Baka wala kang kasabay pagpunta kasi noon kaya kung okay lang sunduin kita or ako escort mo pagpunta sa event hall." Naalala ni Hailey si Pierce. Iniisip niya na baka hindi magustuhan ni Pierce. "Hailey, diba nga nagagawa niya makipagharutan sa iba? Bakit ikaw hindi pwede?" Tanong ni Hailey sa sarili. "Uhm hindi ko pa kasi sure. Diba may battle of the bands na gaganapin din nun. So malamang kasama ko sina Jax non." "Oo nga pala." "Anyway, manood ka ah." "Oo naman ikaw pa ba?"Sagot naman ni Austin. "Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD