Chapter 15

1554 Words
"Dzai Lei, sigurado ka ba na nandoon ang kuya mo?" "Oo. Nagtext na ako sa kanya sabi ko pupunta ako at may ipakilala akong mga kaibigan ko." "Ay! Excited na talaga ako. Hindi ba Isnabero ang kuya mo? Nandoon din ba ang iba? Sina Pierce?" Napatigil si Hailey ng marinig ang pangalan ng asawa. May kung anong lungkot sa puso niya. "Siguro nandoon. Hindi ko sure kasi si kuya lang tinext ko." "Okay.. sana nandoon silang lahat." "Wala pa rin ba si Sophie? Akala ko sasa-" "Sorry! sorry! Dito na ako. Medyo madrama kasi ang mga babae sa CR." "Nakipag-away ka nanaman noh?" Tanong ni Alwina. "Hindi noh.. Sinagot ko lang kung anong sinabi sa akin. Anyway, yaan mo na yun.. tayo na!" Sabay hila ni Sophie sa magkabilaang braso nina Hailey at Alwina. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigan habang papunta ng Senior Building. "Ay oo nga pala guys, baka mauna ako sa inyo bumalik kasi magpapractice kami ni Jax." "Kayo lang?" Tanong ni Sophie. "Oo. May naisip kasi kami na pwedeng idagdag. Alam mo naman sa Lunes na yung Acquintance Party. Ilang araw na lang." "Gudluck sa inyo ha? Support kami sa inyo." Sabi naman ni Alwina. "Kahit sa iba naman ang mga mata mo.." Kontrang sabi ni Sophie. "Hahaha! Konti lang." "Teka Lei, maiba tayo. Hindi ba nanliligaw sayo si Jax?" Tanong ni Sophie Nanlaki ang mga mata ni Hailey sa narinig. "What?? Of course not. Bakit mo naman naisip yan?" "Ay manhid ka ba dzai?" "Anong manhid. Kayo ha? Baka mamaya marinig kayo ni Jax." "Hailey Cortez... Hindi mo ba napapansin ang mga kilos ni Jax? May gusto sayo yun dzai." "Oo nga! Napansin ko din yung sweetness niya noong nagmall tayo tapos noong inawat ka niya noonh andon tayo sa bahay ni Wyatt. Atsaka iba ang care lagi sayo, iba ang mood niya kapag nandiyan ka." Dugtong naman ni Sophie. "Baka ganoon lang talaga siya sa mga kaibigan, huwag niyo siyang pangunahan." "Ah basta ako pupusta ako na may gusto sayo yon." Sabi pa ulit ni Alwina. "Huwag na nga natin pag-usapan yan. Magkaibigan lang kami ni Jax. Walang ligawang nagaganap. Okay?" Samantala, paakyat na sila ng hagdan patungong second floor ng biglang nagtama ang mga paningin nina Hailey at Pierce. Nakaupo sa may taas na bahagi ng hagdan si Pierce kasama ang mga kaklase niyang mga lalaki at mayroon din mga babae. Sina Hailey naman ay paakyat. Nagkagulatan silang pareho. Lalong naman nagselos si Hailey ng tumabi ang isang babae at may sinabi kay Pierce kaya agad siyang bumawi ng tingin at patuloy na nakikipagkwentuhan upang itago ang kirot na nararamdaman. Hindi na niya napansin ang lungkot sa mga mata ni Pierce habang tinitingnan siya paakyat. Hanggang dumaan na sina Hailey na hindi binati ang asawa niya. Tila hindi sila magkakilala. Napatiimbagang na lamang si Pierce. Hindi naman napansin nina Sophie at Alwina si Pierce sapagkat may isang babae ulit na biglang tumabi dito. "Ayun na yung room ni kuya." "Teka dzai, mabango paba ako. Okay paba ang make up ko?" "Alwina ang OA mo. Hindi naman artista ang kuya ko." Natatawang komento ni Hailey. Agad napansin ni Michael si Hailey. "Oy teka parang si Hailey yon ah." Wika ni Michael sabay lapit sa pinto. "Hindi ikaw ang sadya niyan bro. Tumabi ka." Sabi naman ni Nigel sa kanya na naglalakad patungo ng pinto. "Grabe ka bro. Kakamustahin ko lang naman." "Hi kuya." Nakangiting bati ni Hailey. Ramdam niyang may nakamasid sa kanya. "Hi Hailey! Napakaganda mo naman. Lalo kang guma--." Bati naman ni Michael. "Hi." Natatawang sabi ni Hailey. Hindi niya mapigilang tumawa dahil sa ginawa ng kuya niya kay Michael. "Yung plates mo dun hindi pa tapos." Saad ni Nigel kay Michael. "Kuya.. tara dito." Sabay hila naman ni Hailey sa braso ng kapatid. "Kuya, ipapakilala ko sana si Sophie at Alwina. Fan niyo sila. Nalaman nila na kuya kita. Kaya andito kami." "Hi beautiful ladies.." Nakangiting bati ni Nigel sa dalawa. "Hiiiii.. Ang guwapo mo lalo sa malapitan." Bulalas ni Sophie. "Haha! Salamat. Teka sabi ng kapatid ko gusto niyo rin makilala ang iba. Wait tatawagin ko." "Wala na ba kayong klase kuya?" "Wala na. May tinatapos na lang kaming plates." "Hindi ba kami nakakaabala?" Tanong ni Alwina. "Hindi naman. Wait lang ah." Maya-maya ay lumapit na si Jordan, sumunod si Borg at si Pierce. "Sali ako diyan!" Sabi ni Michael. "Haha!" Natatawa si Hailey ng makitang muntik ng mapatid si Michael sa pagmamadaling makalapit. "Hi Hailey. Kamusta?" Masayang bati ni Borg. "Okay lang naman." Sagot ni Hailey na iniiwasang tumingin kay Pierce na katabi lang ni Borg at nakatitig sa kanya. "Anong meron dito?" Tanong ni Pierce ang tingin ay kay Hailey. Agad naman nagsalita si Nigel. "Mga bro, si Sophie nga pala.. at si Alwina. Gusto nila tayong makilala. Pakilala kayo isa't isa. Be nice. Huwagpuro kalokan." Sabi ni Nigel sa mga kaibigan. Habang busy ang iba sa pagpapakilala napansin naman ni Hailey si Austin na kasalukuyang may kausap na guro. Ilang saglit pa ay napatingin sa gawi niya si Austin at nagulat ng makita siya sabay ngumiti sa kanya. Nakita din ito ni Pierce sapagkat nakatuon ang pansin niya sa asawa. "Ah kuya mauna na ako. Sophie, Alwina iwan ko na kayo ah. May pupuntahan pa kasi ako Sinamahan ko lang sila saglit. Kuya ha? Ikaw na ang bahala sa mga kaibigan ko." Si Pierce naman ay pinagmamasdan si Hailey. "Hailey.." Tawag ni Pierce ng dumaan ito. Subalit hindi parin siya kinausap nito na tila ba walang naririnig. "Galit ba sayo ang kapatid ko?" "Ewan ko." Sagot ni Pierce habang nakasunod parin ng tingin kay Hailey. Si Nigel naman ay nakipagkwentuhan na kanila Sophie at Alwina. Kitang-kita naman ni Pierce ang paglapit ni Hailey kay Austin at kung paano tumingin si Austin kay Hailey habang masayang nag uusap. Lalong nagngingitngit sa panibugho si Pierce ng mamukhaan niya si Austin. Naalala nito ang ginawang pag akbay sa asawa. Naglalakad na sa corridor sina Hailey at Austin patungong locker ng biglang pumagitna sa kanila si Pierce. Muntik ng tumama sa pader si Austin sa lakas ng impact ng ginawa ni Pierce. Sinadyang gawin iyon ni Pierce. "Yow! Dude.. May problema ka ba?!" Inis na sabi ni Austin. Si Hailey naman ay nagulat din sa ginawa ni Pierce. Hindi niya inaasahan na sumunod pala ito. "Ikaw may problema ka ba?!" "Eh gago ka pala. Ang laki ng daanan, sa gitna kapa namin dadaan??" "Anong gusto mong---" "Teka, Teka! Huwag nga kayong mag-away!" "Kilala mo ba to Hailey?" Tanong ni Austin. Napatingin naman si Pierce sa kanya at halata parin sa mga mata nito ang galit. "Ha? Ah OO kaibigan din siya ng kuya ko. Pasensiya na sa ginawa niya." "Kaibigan?" Tanging nasabi ni Pierce na nakakuyom ang mga kamao. "Okay ka lang ba Austin?" Lumapit si Hailey kay Austin at hindi pinansin si Pierce na siya naman ikinabugho lalo nito. "Yeah." Sagot ni Austin na masama parin ang tingin kay Pierce . "Pasensiya ka na talaga. Huwag mo na lamang siyang pansinin. Let's go." Sabay hawak ni Hailey sa braso ni Austin. "Hindi ka sasama sa kanya Hailey." Sabi naman ni Pierce bago pa makaisang hakbang ang dalawa. ""Ano ba talaga ang problema mo pre?!" Pikon na si Austin at naitulak niya si Pierce. Gumanti naman si Pierce dahilan upang mapansin sila ng mga studyante at nakatingin na sa kanila. Natataranta naman si Hailey. "Stop. Please! Nasa school kayo. Austin please.!" Humarang na sa gitna nila si Hailey. "Hindi ka sasama sa kanya." Madiing sabi ni Pierce. "Wala kang pakialam sa gusto ni Hailey. Kaibigan ka lang niya!" Kinwelyuhan ni Pierce si Austin at pumalag naman si Austin. Dumarami na ang nakatingin sa kanila. "Pierce.. Austin.. please! Nakakahiya! Baka makarating sa admin. Please stop!" Hindi siya pinakinggan ng dalawa. "Fine. Hindi na ako sasama kay Austin. Austin, pasensiya ka na talaga." Nalilito naman si Austin. "Boyfriend mo ba to?" Tanong ni Austin. "Hindi. He's not my boy--" Hindi na naituloy ni Hailey ang sasabihin ng hinila na siya ni Pierce palayo. "Bitawan moko!" "Pierce ano ba?!" Nakarating sila sa sasakyan. "Get in." Maotoridad na utos ni Pierce. "Ayoko!" "Hailey, Get in." "Pierce, ang sabi ko ayoko!" "Don't make me force you!" "Ayoko!" Akma naman na aalis si Hailey subalit nahawakan na siya ni Pierce sa baywang at isinakay sa kotse. "Saan mo ako dadalhin? Pierce hindi pa tapos ang klase ko." Nag-aalala si Hailey dahil lunch break lang nila ngayon. Tuluyan ng lumabas ng parking area ang kotse na sinasakyan nina Hailey. Habang papalayo ay bumibilis ang patakbo ni Pierce sa sasakyan. "Pierce, slow down the car." Tila hindi siya naririnig ni Pierce. Lalo naman natatakot si Hailey. At tuluyan ng naiyak dahil sa napakabilis na patakbo nito na muntik pa nila mabunggo ang paparating na motor. "Pierce! Ano ba?!" Saka natauhan si Pierce. "Hailey... Okay ka lang ba?" Nanginginig pa rin na umiiyak si Hailey sa takot. Agad naman itinabi ni Pierce ang sasakyan. "Hailey.." "Don't touch me!" "I'm sorry.." Akmang hahawakan ulit si Hailey. Kita ni Pierce kung gaano natakot ang asawa sa ginawa niya at pinagsisihan niya ito. "I'm so sorry. I didn't mean to scare you." Sambit ni Pierce habang yakap-yakap pa rin niya ang asawa. "Bitawan mo'ko!" "I'm sorry.." "Palabasin mo 'ko!" "No." Pumipiksi si Hailey ng niyayakap parin siya ni Pierce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD