Chapter 16

1580 Words
Matapos ang ilang sandali ay tahimik na niyayakap ni Pierce ang asawa. ".Waking up without you was hard and seeing you with somebody else had my sanity gone. Nakakagalit. Parang ganoon na lang kadali sayo na iwasan ako. Na para bang any moment may aagaw na sayo at iiwan mo ako." "Ang selfish mo!. Alam mo ba yon? Ayaw mong nakikita akong may kasamang iba pero paano naman ako? Asawa mo ako at sa tingin mo masaya akong nakikita kang nakikipagharutan sa mga kaibigan mong babae?. Tinanong mo ba ako kung okay lang sa akin ang mga ginagawa mo? Akala mo ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyon na to? Ikaw pa nga ang nagsabi na we can sort this out together. Nakalimutan mo na ba? Pinipilit ko Pierce. Pinipilit kong balewalain lahat ng nararamdaman kong kirot sa tuwing naiisip ko na may babae kang kasama. Vinivisualize ko lagi ang sarili ko na ikaw lang at wala ng iba. Pero hindi pala ganoon kadali yon. Dahil ikaw mismo ang nagbibigay sa akin ng rason para pagdudahan ka." "Hailey, hindi kita niloloko. Ang ginawa ko lang ay magsinungaling lagi sa kuya mo nang sa ganoon hindi siya maghinala dahil nangako ako sa'yo na aantayin kita kung kailan mo gustong ipaalam sa kanila ang lahat." "At kasama ng pagsisinungaling na yon ang pambababae mo?!" "Hindi! Bakit mo ba iniisip na niloloko kita?!" "Hindi ako bulag Pierce at marunong akong magbasa. Yong mga comments nila na may nirereto sila sayo? Ikaw naman tuwang tuwa sa nga sinasabi nila." "Teka! Kelan ako tuwang tuwa? Yung mga sinasabi nila, hindi ko pinapatulan yun. At wala akong balak gawin yun.!" "Ihatid mo na ako sa school. May klase pa ako." Pag-iiba ng usapan ni Hailey. Masama pa rin ang loob niya. "Hailey, mag-usap pa tayo.." "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Sinabi mo na ang point mo at sinabi ko narin ang sa akin." "But you're not okay, we're not okay." "Tama ka! We're not okay. Kahit anong gawing paliwanag mo kung iba naman ang nakikita ko at makikita ko. Useless lang ang mga sasabihin mo pa!" "Ang buong akala ko malaki ang tiwala mo sa akin. Nagkamali ako.." Nasaktan si Hailey sa narinig. "Wag mong gamitin ang tiwala Pierce. Dahil kahit ikaw mismo wala non. Wala kang tiwala sa akin. Sa tingin mo ba sa ginawa mo kanina, wala lang yon? Yun ba ang may tiwala? Paano kung makarating kay kuya ang ginawa niyo ni Austin? Kaya mo bang lusutan kapag nagsimula na si kuya magduda? Paano kapag nakarating kanila mommy?" "Hindi ka dapat sumasama sa kanya." "That's bullshit Pierce! Kaibigan ko yung tao. Hindi ako nakipaglandian na gaya ng ginagawa mo sa mga babae na yon!" "Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka na hindi kita niloloko?." "Wala!" "Hailey, huwag na tayong mag-away please.." Pagsusumamo ni Pierce. "Bumalik na tayo sa school." Pag-iiba ni Hailey. "Mag-usap muna tayo." "Please lang Pierce paandarin mo na ang kotse. Ihatid mo na ako sa school. Kung ayaw mo, maghahanap ako ng masasakyan!" Subalit biglang tumunog ang cellphone ni Hailey na dahilan upang matigil ang pag-uusap nila. Si Nigel ang tumatawag. Nagdadalawang isip si Hailey na sagutin. "Bakit? Sino yan?" Nakakunot ang kilay na tanong ni Pierce. "Si kuya." Akmang kakausapin ni Hailey si Nigel ng biglang inagaw ni Pierce ang cellphone at siya ang sumagot. "Pierce!!" Nasambit ni Hailey sa ginawa ng asawa. "Hello." "Pierce to bro. Kasama ko siya Nigel." "May pinag-usapan lang kami." "Oo. Galit sa akin." "Sige. Sasabihin ko." "Bye." Napansin din ni Pierce ang ilang mga missed calls mula kay Austin. Hindi nanaman niya nagustuhan ang nakita niya. Kaya naman binura niya ang number ni Austin. "Anong ginagawa mo?" "Wala." Sagot naman ni Pierce sabay ibinalik ang cellphone ni Hailey. Kinabukasan ay maagang nagising si Hailey dahil uuwi sila ng Bulacan. Sakto naman ang tawag ng kuya ni Hailey kanina na on the way na ito sapagkat nakabihis narin siya. Hindi muna siya sa condo umuwi at hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at texts galing kay Pierce. Huling text ni Pierce sa kanya ay sinabi nito na nasa biyahe na ito pauwi ng Ilocos. Maaga din ito umalis upang makaiwas sa traffic. Ilang sandali pa ang lumipas at nakatanggap siya ng text mula sa kapatid. Nigel: Dito na ako Sis. Hailey: Okay. Palabas na. "Gel, alis na ako. Ilock ko na lang ng pinto ah." Paalam ni Hailey. "Sige. Ingat kayo." Sagot naman ni Angelica na naghahanda na rin at may pasok siya ng Sabado. "Okay. Salamat. Ingat din sa pagpasok." Lumabas na ng bahay si Hailey at tumungo sa nakaparadang motor. Iniabot naman ni Nigel ang dala niyang extrang helmet sa kapatid ng makalapit ito sa kanya. "Kuya, huwag mo masyadong bilisan ang pagpapatakbo ha?" "Oo. Baka makurot mo na naman ako eh." "Hahaha! Basta alalay lang." Naalala parin kasi ni Hailey na muntik ng maaksidente ang nakamotor kahapon dahil sa pagpapatakbo ni Pierce "Yumakap ka ng mabuti." "Opo." "Okay ka na ba diyan? Aalis na tayo." "Yeah. Let's go." Pinaandar na ni Nigel ang motor niya. Ilang minuto pa ang nakalipas at nasa may kahabaan na sila ng express way. Dumaan din sila ng palengke upang bumili ng paboritong seafoods ng mommy at daddy nila, ang Hipon at Alimango. Dumaan din sila ng Goldilocks at Red Ribbon. Paborito ng mommy nila ang Chocolate Mousse ng Goldilocks at sa daddy naman nila ang Black Forest ng Red Ribbon. Makalipas ang isang oras at apatnapu't limang minuto ay nakarating na sila ng Bulacan. Madilim dilim pa ng dumating sila. Mabuti na lamang at maagang gumigising ang kasambahay nila na si Manang Dory. Matagal na itong naninilbihan sa kanila. Simula noong bata pa si Hailey ay naninilbihan na ito bilang tagaluto. Mayroon silang isa pang kasambahay noon subalit umuwi na ng Leyte upang mag-asawa. Tinawagan ni Nigel si Manang Dory upang ipaalam na nasa labas na sila. Ilang sandali pa ay lumabas na ito. "Hi Manang Dory." Masayang bati ni Hailey. "Hello Hailey. Mabuti at nakasama ka. Matutuwa ng husto ang mommy at daddy mo kapag nakita ka." "Hehe. Oo nga po." "Tulog pa ba sila Manang?" Tanong ni Nigel. "Ay oo. Mga Alas siyete pa marahil si babangon." "Tamang-tama! Pwede pa natin silang isurprise." Saad ni Nigel kay Hailey. "Ahm Manang patulong po. Lulutuan po sana namin sila ng paborito nila kaya lang hindi namin alam paano mo tinitimplahan ang ginataang Alimango." Napapakamot na sabi ni Nigel. "Naku itong batang ito. Ako na ang bahala riyan." "Ako na lang po ang bahala sa hipon Manang. I know how to cook this na po." Sabi naman ni Hailey habang inaalis sa supot ang mga hipon. At hinugasan sa lababo. "Kuya pahanda na lang ng mga rekado na nasa isang plastik." "Okay. Itabi ko na muna tong mga to sa ref" Sagot ni Nigel na bitbit ang mga cake at ipinasok sa loob ng ref. Makalipas ang isang oras ay naluto na ni Hailey ang hipon. Ginawa niyang buttered shrip ang isang kilo at ang natirang kilo pa ay itinabi muna sa ref. Si Manang Dory naman ay malapit ng matapos sa pagluluto ng alimango. "Guys, mukha gising na sila. Naririnig ko ang boses ni daddy kinakausap niya si mommy." Mahinang sambit ni Nigel sa kanila. Naisangag na rin ang natirang kanin at mayroon ng tsocolateng nakahanda sa hapag-kainan. "Manang, ang bango naman niyan.. Natatakam na akong kumain." Nagsasalita ang daddy ni Hailey habang papalapit sa hapag-kainan. Ang mommy nila ay nasa likuran lang nakasunod. "Surprise!!!!" Bating panggulat nina Hailey at Nigel habang si Manang Dory ay naaaliw na pinagmasdan sila. "Mga anak!!" Masayang sambit ng mga magulang nina Nigel at Hailey. "Hi daddy. Hi mom!" Yumakap si Hailey sa mga magulang at sumunod naman si Nigel. "Sali ako." "Anong oras kayo dumating? Akala ko sa susunod na linggo pa ang uwi niyo." Masayang wika ng daddy nila. "Wala naman po gaanong ginagawa sa school ngayon kaya sabi ni kuya na uuwi kami." "May pasalubong kami.. Kaya lamang ay niluluto pa ni Manang Dory ang paboritong ginatang alimango niyo po." Sabi naman ni Nigel. "Luto na ito. O siya maupo na kayo diyan at paghainan ko muna kayo upang makapagsalo salo naman kayo." "Niluto din po namin ang buttered shrimp na gustong gusto mo mommy." "Salamat mga anak. Kahit wala yan basta nakikita namin kayo ay okay na kami. Sobrang miss na namin kayo. Ito ngang daddy niyo eh nanaginip sa labis napangungulila sa inyo lalo ka na Hailey. Ilang buwan ka ng hindi umuuwi." Pagalit na wika ng mommy nila pero nakangiti naman. "Sorry po. Medyo busy po sa part time job." "May part time job ka?" Gulat na tanong ng kuya niya. Maging ang mga magulang niya ay nagulat din. "Opo. Hindi naman siya mabigat. Saka twice a week lang kaya kering keri." "Kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ng daddy niya. "Medyo may katagalan na po. Baka kasi patitigilin niyo ako sa trabaho. Sorry po." "Anong trabaho iyon?" "Pwede po mamaya na natin pag-uusapan yon? Heto, tikman mo muna to daddy, ako nagluto niyan." Masaya si Hailey na makita ang mga magulang niya subalit may halong lungkot dahil naglilihim siya sa kanila. Matapos nilang kumain ay pumunta sina Hailey sa sala upang magkwentuhan at sasabihin na ni Hailey ang tungkol sa part time job niya. Inilabas naman Nigel ang cake at sumunod sa kanila sa sala upang batiin ng Wedding Anniversary ang mommy at daddy nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD