Chapter 17

1515 Words
Matapos ang isang oras ay masayang nagkwentuhan sina Hailey at Nigel kasama ang mga magulang nila. "Ibig mong sabhin kumakanta-kanta ka?" Manghang tanong ng kuya ni Hailey. "Oo. Bale yong schedule namin doon sa resto bar ay Biyernes at Linggo. Tig dadalawang oras. Kapag Linggo medyo marami raming tip kaming natatanggap. Nagrerequest yung customers ng tutugtugin namin tapos binibigyan nila kami ng mga tip. Which is kahit paano ay naitatabi ko." "Aba'y kung ganoon eh baka pwedeng iparinig mo sa amin ang talento mo anak." "Hahaha, wala ako sa mood kumanta mom.. Some other time na lang po." "Ganoon ba?" "Nga po pala, sumali ako sa paligsahan sa school ngayong darating na Lunes." "Sumali ka saan? Sa Battle of the Bands ba yan?" Nagulat na tanong ni Nigel. "Opo. Pero nag audition ako kasi nag hahanap yung isang grupo ng vocalist kaya nagtry ako. Hindi kasi pwede ang vocalist nila dahil operation daw ng parent niya sa Lunes. Conflict sa schedule. Swerte na nga lang at ako ang napili nila." "Teka anak, diba ikaw din nabanggit mo na may laban kayo nina Pierce sa darating na Lunes? Iyon ba ay katulad ng kay Hailey?" Tanong ni daddy June kay Nigel. "Yes, dad. Iisa lang yun." Lumukso ang puso ni Hailey ng marinig ang pangalan ng asawa. Naisip niya na marahil ay nasa biyahe pa rin ito. "Bakit hindi pala sumama sa inyo si Pierce? Hindi ba nangako siya na dadalaw ulit?" Tanong ng daddy nila. Nagulat naman si Hailey sa narinig dahil hindi niya alam na pumunta pala dito so Pierce. "Pumunta dito si Pierce??!" Gulat na tanong ni Hailey. "Oo anak. Wala ka noong pumunta sila ng kuya mo. Saglit lang din ilang oras lang at may kinuha lang na gagamitin sa tutugtugin nila." "Kelan? Hindi mo naman sinabi sa akin kuya." Nakatingin si Hailey sa kuya niya. "Noong isang linggo. Saka nagkikita naman kayo sa school ni Pierce kaya bakit kailangan ko pa sabihin na sumama siya?" "Eh--" Napatigil si Hailey. "May gusto ka parin ba kay Pierce hanggang ngayon Hailey?" Seryoso tanong ng daddy nila. "Dad.." "Anak, mabait si Pierce, mabuting bata at responsable pero alam mong hindi kayo pwede. Isang taon mahigit na lang at ikakasal ka na kay Clyde." Nasaktan si Hailey. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa daddy niya ay sarado ang puso nito. Marahil napansin ng mommy ang reaksyon niya kaya palihim na hinawakan siya nito sa mga kamay. "Dad, hindi ko mahal ang gusto mong ipakasal sa akin. Paano kung sasaktan lang ako nun?" Nag-iba na ang ihip ng hangin sa paligid at tila bumibigat ang pakiramadam ni Hailey. Ang kuya naman niya ay biglang sumali na sa usapan. "Teka sis, anong banda ang sinalihan mo?" Pagbabalik ni Nigel sa topic. Naaawa siya sa kapatid pero wala rin siyang magagawa. Bumuntong-hininga muna si Hailey bago sumagot. "The Black Cards, kuya." "Ah yung grupo nina Luke." "Opo. Magkakilala kayo?" "Magkakilala sa mukha at pangalan pero hindi kami nagkakausap. Magaling din sila. Noong nakaraan taon nakalaban din namin sila. Masasabi ko sila ang mahigpit namin nakatunggali." "Mukhang magaling talaga ang vocalist nila. Hindi ko pa kasi narinig iyon kumanta." Pinasigla ni Hailey ang boses upang itago ang sakit na nararamdaman. "Oo magaling din. Pero galingan mo sa laban ah." "Hahaha! Basta makapasok lang sa final 3 okay na kami doon." Samantala ang mga magulang nila ay nakikinig lang sa kanila. Hindi narin ipinilit ng daddy June nila ang usapang iyon dahil palihim itong kinurot ng mommy Pinky nila. "May premyo ba kapag nanalo?" Tanong ng mommy nila. "Sa pagkakaalam ko mommy meron pa rin kasi last year nanalo kami ng 15k tapos we divided it sa grupo." "Oy, malaki din yun ah." Sabi naman ulit ng mommy Pinky nila. "Galingan niyo mga anak. Pero ang mahalaga ay nag-enjoy kayo, naipakita niyo ang talento niyo kahit matalo kayo. Bonus na yung nanalo kayo." "Pero honey, iba pa rin kapag nanalo." Kontra naman ng daddy June nila at iwinaglit muna ang usapin ng kasal. "Sabagay sasali na lang din kaya hangarin niyo na ang manalo. Basta proud kami sa inyo. At Nigel, huwag mo rin kalimutan kunan ng video ang pagkanta ng kapatid mo ah. Ivideo niyo ang perfomance niyo para mapanood namin." "Yes, mommy." Nagpatuloy ang kwentuhan nila ng ilan pang mga minuto. Hapon na ng maisip ni Hailey magpahinga. Kaya nagpaalam siya sa mommy at daddy nila na umidip muna. Kasalukuyan siyang nasa sariling silid at nakahiga habang nagbabasa ng mga messages sa mga GC nila. May chat mula kay Pierce. Pierce: babe... Pierce: online ka pala Naseen kasi ni Hailey ang message nito. Naka-off kasi yung status niya sa messenger kaya hindi alam ng mga friends niya kung online siya o hindi maliban na lang kung iseseen yong message. Pierce: tatawag ako. Hailey: (Typing..) Hailey: (Typing..) Hindi alam ni Hailey kung anong sasabihin niya. Ayaw niyang makausap muna si Pierce. Lalo lang siya nalulungkot at nasasaktan. Naalala na naman niya ang sinabi ng daddy niya kanina. Pierce... Ayaw naman niyang lalong mag-alala ito sa kanya. Kahapon pa kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag nito o kahit text man lang. Pierce: :( Please babe.. Hailey: kng my ssbihin ka itype mo nlng Pierce: Gsto kng mrinig ang boses mo. Namimiss na kita. :( Naiiyak na si Hailey. Namimiss na rin kasi niya ito. Hindi na inantay ni Pierce ang sagot niya at tumawag na ito. Pinunasan naman agad ni Hailey ang mga luhang tumulo sa mga mata niya. Sinagot niya ang video call nito. "Babe." "Hi." Sagot naman ni Hailey "Busy ka ba?" "Hindi." "Anong ginagawa mo?" "Nakahiga." "Namimiss na kita." Namimiss na din kita.. Nasabi sa isip ni Hailey. "Nakarating ka na?" Pag-iiba ng tanong ni Hailey. "Oo. Kanina lang. Baka mamaya or bukas puntahan ko ang warehouse." "Okay." "Kailan kayo babalik ni Nigel?" "Hindi ko pa alam." "Hindi mo ba ako namimiss?" Hindi makapagsalita si Hailey. Ramdam niya sa boses ng asawa na nalulungkot ito. Sobrang miss na kita Pierce. Pero sa tuwing naiisip ko yung mga nakita ko at narinig ko. Nagagalit ako sayo. "Babe..." "Pierce, matutulog na'ko." "Mahal kita Hailey. Tandaan mo lagi yan. I waited years para maging akin ka at maging asawa kita. Hindi ako papayag na ganito na lang tayo." "Pierce, magpapahinga ako." Tumahimik si Pierce habang nakatingin sa kanya sa camera. "Okay. Kita na lang tayo pag uwi ko. I love you." Pinutol na ni Hailey ang tawag bago pa siya tuluyang bumigay. Nakatulog naman si Hailey kakaiyak. Nagising siya sa katok ni Manang Dory. "Manang? Sorry kagigising ko lang. May kailangan po kayo?" "Halatang kagigising mo nga lang at namumula pa ang mga mata mo iha. Nakapaghain na ako ikaw na lang ang inaantay." "Sige po. Maghihilamos lang ako saglit. Pakisabi po susunod ako." "Sige iha." Mabilisang kilos naman ang ginawa ni Hailey at naglagay siya ng konteng make up para hindi halatang umiyak siya at pagkatapos ay bumaba na siya at tumungo sa hapag-kainan. Masaya naman silang nagkukwentuhan habang kumakain. Kinabukasan ay nagsimba silang apat bago kumain sa labas. Nag-take out na lang sila para kay Manang Dory. Hindi narin kasi iba sa kanila si Manang Dory. Kapamilya na rin ang turing nila para dito. "O mag-ingat kayo mga anak. Mag-aral ng mabuti." "Salamat dad." "Nigel ingat sa pagda-drive ha? Baka makurot ka nanaman ng kapatid mo." Paalala ng mommy nila. Natawa naman si Hailey. "Yes mom. Alam ko na po yun." Malungkot na umalis si Hailey dahil hindi niya alam na baka matatagalan nanaman ang pagbabalik niya. Hindi na sila nagdala ng mga pagkain kahit anong pilit ng mommy nila. Dideretso pa si Hailey sa condo dahil andoon ang gamit niya para sa gig niya mamayang seven. Makalipas ang dalawang oras mahigit ay nakarating na si Hailey sa mall. Nagdahilan na laman siya na may bibilhan kaya sa may mall siya nagpababa. "Ingat ka kuya." "Ikaw din. Galingan mo sa laban ah!" "Opo. Tatalunin namin kayo." Pabirong sabi ni Hailey. "Tsss... sabihin mo yan kay Pierce at sa iba. At kahit kapatid pa kita hindi ako papayag na matalo kami ng ganoon-ganoon lang." "Hahaha! Oo na. Kayo na! Sige na.. Bye kuya.." Pagkaalis ng kuya niya ay umalis na rin siya at nag abang ng available na taxi. Hindi naman nagtagal ay nakasakay narin siya. Nakarating na si Hailey sa condo nila ni Pierce. Nagpahinga muna siya bago dali-daling naligo. May isang oras mahigit nalang siya kaya binilisan na niya ang kilos. Sinuot na niya ang boots niya na itinerno niya sa black na skirt niya at sa fitted croptop. She looks so hot. Naglagay na rin siya ng eyeliner dahil ang main na mga tugtugan nila ay more on rock ngayon. Buti na lang at sumang-ayon ang mga kabanda niya at ang manager nila dahil kailangan niya rin iyon upang lalong mahasa pa ang boses niya sa mga rock songs. Alam ng mga kabanda niya na sumali siya sa paligsahan ng school at nakasuporta sila sa kanya. Nakalimutan naman ni Hailey sa kakamadali ang cellphone niya na naiwan sa ibabaw ng vanity table niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD