"Mommy." yakap kong bati kay mommy ng makasalubong ko siya sa may pintuan. "Hi, tita." yumakap rin si Pierce upang bumati. "Naglibot kayo sa Oval?" tanong sa amin. "Yes po, tita." sagot ni Pierce. "Atsaka my, ang dami na palang nagbago doon. Pero ang ganda tingnan. Lalong gumanda ngayon." sagot ko rin kay mommy. "Oo anak. Ang HOA kasi ay nakaisip na magdagdag ng panibagong atraksyon ng sa ganoon hindi na lalabas pa ang mga taga rito lalo na ang mga bata." "Sabagay..." "Oh, siya. Diyan muna kayo at magluluto muna kami ni manang Dory." "Sige po, my." Tumungo naman kami sa sala at nanonood ng palabas. "Babe..." Pabulong na tawag sa akin ni Pierce. Magkatabi lang naman kami ng upuan. "Yes?" "Let's go upstairs." "Baka hanapin tayo nila daddy." "Sabihin natin na sa taas lang tayo.