"Hi, dad." Bati ni Hailey. Siya ang huling bumati at yumakap sa daddy Niya. Sina Nigel at Pierce ay nauna ng bumati na kasalukuyang dinadala sa loob ng sala ang mga gamit nila pati na ang gitarang ginamit sa paligsahan. "Nasaan si mommy?" Tanong pa ni Hailey. "Nasa palengke. Gusto niyang magluto ng mga paborito niyo. Dahil andito kayong tatlo, plano niyang magdiwang para inyong panalo." "Dad, simpleng paligsahan lang po iyon." Saad ni Nigel. "Kahit na... accomplishments niyo parin iyon. Lalo na ikaw Hailey, hindi mo nababanggit sa amin na hilig mo pala ang pagkanta. Pero proud ako sayo anak.. sa inyo." "Salamat, dad." Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na sila sa loob ng bahay. Dumako naman si Hailey sa kwarto niya upang mailagay ang mga gamit. Ganoon narin ang kuya niya at si Pie