ONE
"TRIAS!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako dahil sa may dalang pagkain ang kapatid ko para sa akin.
Agad akong lumapit dito at saka umupo sa harapan nito.
Lumapit din ang ibang pinsan ko para makisalo sa amin. Tuwang tuwa ako dahil doon, kahit wala akong kaibigan ay nandito ang mga pinsan ko.
"EXCITED NA AKO SA PAPASUKAN NATIN!" Sigaw ni Kuya Kiefer habang nakangisi.
Well, he's first year college while me is Junior high. Sa isang Disabilities Education Act ako nag-aaral. Sa lugar kung saan kasama ko ang mga may kapansanan na tulad ko.
Noong gradeschool ako ay nag-aral ako sa Blue University at doon marami akong nakilala pero lahat sila ay inulan ako nang tukso dahil sa hindi diretso ang salita ko.
Pinagtatawanan ako, ginagaya ang salita ko. Hindi ko maiwasan masaktan dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Hindi ko kaya makipag-communicate sa mga teacher ko sa harapan nila. Natatakot akong tuksuhin nila at mapahiya ako.
Na-trauma ako sa nangyari kaya walang choice sila mommy kung hindi ilipat ako sa ibang School kung saan bagay ako.
"M-Mom... I-I d-don't w-want h-here." Totoong sabi ko habang nasa loob na kami. Hindi ko gusto rito, hindi ko magugustuhan dito.
"Trias, baby..."
"M-Mom, p-please," pagmamakaawa ako.
I am not freaking grade school na umiiyak dahil iiwan ng mommy para sa pag-aaral. Naiiyak ako kasi? Hindi ko matanggap na rito ako nababagay. Na dito dapat ako dahil sa kapansanan ko.
Junior high na ako pero para pa rin akong bata dahil sa takot ko.
"Pinag-usapan na natin 'to, right?" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko.
Alam na alam ko bakit nandito ako. Dahil kung susubukan ko makipagsabayan? Alam ko ano mangyayari sa akin. Alam na alam ko kung saan dapat ako dahil hindi ako normal. I have Stuttering Disorder. Pa-utal-utal ang pagsasalita.
Ilang gabi ako umiyak para hindi ako ipasok sa Disabilities Education. Gusto ko ng normal na buhay pero kung gusto ko no'n ay kailangan ko pumasok dito para matuto ako.
May therapy dito at iba pa. Dahil sa hindi ako komportable sa mga taong nandito ay lagi ako nag-iisa. Hinahanap ko presensya ng mga pinsan ko at kapatid ko.
"Trias..." my teacher called me. "You have a good grades. Pero kailangan mong maging active sa klase natin."
Napalunok ako.
Hindi ako nagsasalita sa klase. Kakausapin ako ng teacher ko sa isang kwarto na kami lang para maging komportable ako. Nakausap nila sila mommy tungkol sa kalagayan ko. Kung paano na hindi ako komportable sa maraming tao dahil sa pinagdaanan ko.
"I know you are not comfortable because of what happened to you. But here? You are special, you are top priority, your disability is important here. Walang manunukso sa 'yo..."
Umiling ako sa kan'ya. Ayokong magtiwala kahit kanino. Ayoko kahit sino.
"Trias... malayo ka sa tukso ngayon. Importante ka rito. Wag ka matakot."
Tumango ako at umiwas ako nang tingin sa kan'ya.
Dumating ang sundo ko. Wala akong klase sa hapon kaya naman isasama ako ng kapatid ko sa university nila. Agad ako nito inakbayan kaya napangiti ako.
"Excited ka na ba?"
"O-Opo!" Nakangiting sabi ko
Kaya naman hinalikan ako sa pisnge nito. Tuwang tuwa akong pumasok sa sasakyan n'ya. Mabilis n'ya pinaandar ang sasakyan n'ya papunta sa University.
"K-Kuya, m-marami b-bang e-estudyante?"
"Yes, baby. Kaya behave, okay? Wag kang lalayo sa akin," tumango ako rito bilang sagot ko.
Dahil ako ang pinakabata sa Nievez ay sinalubong ako ng mga pinsan ko sa gate. Iba ang uniform ko sa kanila. Si Kuya Kiefer, Ate Andreianna and Ate Sam! Tuwang tuwa si Ate Sam dahil sa nakita ako at may dala pa 'tong pagkain para sa akin.
"Tara! Sa akin ka na lang sumama--"
"Sa akin!" hinila ako ni Ate Andreianna.
Pinag-aagawan ako ng dalawa kaya naman napanguso ako. Hindi ko rin alam kung kanino ako sasama kaya tumingin ako kay Kuya Kiefer na pumipito lang.
Ganito ang dating ko sa pamilyang 'to. I am the youngest means? The baby of this family. Ako ang pinaka-importante sa pamilya namin.
Tumingin muli ako sa kapatid ko para humingi nang tulong pero wala. Tinalikuran ako nito at agad akong hinila ng dalawa.
Ate Sam has a little brother, she wants a little sister pero ayaw na ni Tita Sacary at gano’n din si Ate Andreianna kaya ganito na lang nila ako na I-baby. Hinahayaan ko sila na ayusan ako, ibili ng gamit. Ako ang baby nila kahit may mga kapatid naman silang lalaki, mas matanda nga lang sa akin ng dalawang taon.
“A-Ate…” tawag ko sa kanila.
Bumitaw sila sa akin pareho. “S-Sasama a-ako k-kay A-Ate S-Sam, t-tapos s-sunod s-sa’ yo,” turo kay Ate Andreianna kaya nakasimangot sa akin ‘to. “P-Please?”
“Fine!”
Masayang masaya si Ate Sam na dinadala ako sa building nila. May bumabati sa amin at tinatanong kung sino ako. May iba na nakakakilala sa akin, may iba na nagha-hi pero hindi ako komportable. Hindi… dahil alam ko naman once na magsalita ako ay tutuksuhin lang nila ako. Gano’n silang klaseng tao.
Maganda ako, sasabihan nila ako magagandang salita. Kung gaano ako ka-cute at kaganda, kung gaano ako kaputi o ano pa. Pero once na marinig nila ang utal na pananalita ko? Pagtatawanan ako. Sasabihin na sayang ako.
I am trying my best here. Nahihirapan ako mag-adjust sa Disabilities Education. Nahihirapan ako pero sinusubukan ko. Sinusubukan ko kasi gusto lumipat sa university na ‘to at magkaroon ng normal na buhay. Nag-a-adjust ako pero nahihirapan ako.
Hindi ko magawang maging active sa klase. Hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila. In their School? May mga mute, deaf or what. Pero nasa iisang klase sila at ako? Nilipat ako sa isang klase na mga hindi makalakad o ano. Lahat sila ay active doon, diretso sa pananalita.
Kaya ko magsalita pero ano? Utal-utal? Ano? Paano ako makikipagsabayan sa mga taong ‘yon. Kahit sabihin nila pantay-pantay kami? Hindi ko makita saan parte.
Ang unfair, bakit sa amin binigay ‘to? Bakit ganito kami? Bakit hindi kami magkaroon ng normal na buhay. Dahil kung susubukan namin makipagsabayan? Magiging sentro lang kami nang tukso.
“Here, kainin mo ‘yan ha!?” masayang sabi ni Ate Sam sa akin.
Kung ano-ano nilapag sa harapan ko habang s’ya naman ay inaayos ang notes n’ya. Dahil sa magsisimula na ang klase nila ay ako naman ay nagsimula na kumain. Tuwang tuwa ako na kumakain habang nakikinig din ang klase nila.