Chapter 1

1047 Words
Ito ang gusto ko sa kanila. Sa tuwing bine-baby nila ako ay binibilhan nila ako maraming pagkain. Ang lambing nila, ang mga bagay na hindi ko hinihingi ay binibigay nila sa akin. Kahit na tumingin lang ako sa isang bagay ay akala nila gusto ko. Hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Hindi ko naramdaman na wala sila sa tabi ko. Dahil sa araw-araw? I am their baby, the cutest kid. “Sabihin mo sa akin kung ano pa gusto mo ha?” “O-Opo,” nakangiting sabi ko. Kaya naman natapos ang klase ay agad kaming umalis pero si Ate Andreianna ay naghihintay na sa pinto. Agad ako nitong hinila na para bang aagawin ako ni Ate Sam. Natawa ako rito dahil sa ginawa nito. Kumakain ako habang naglalakad kami paalis doon. “Hintayin n’yo ako pauwi ha!” sigaw ni Ate Sam pero hindi naman namin nilingon. “Ang cute naman n’yan, Andreianna! Kaninong kapatid ‘yan?” Someone asked. Pumasok kami sa room at syempre? Nasa dulo na naman. Hindi ko alam bakit lahat kami gusto lagi nasa dulo ng row. “Andreianna, sino s’ya?” “Kiefer’s sister,” sagot ni Ate Andreianna at may lumapit pa sa akin para pisilin ang pisnge ko na kinagulat ko. Agad akong sumiksik kay Ate Andreianna dahil doon. Pinaalis n’ya ang mga lumalapit sa amin at saka tumingin sa akin ‘to. “You okay?” “I-I a-am…” sagot ko at tumitig sa akin. Nakikita ko kung paano makipag kaibigan si Ate Andreianna. Nakikita ko kung paano s'ya makipagtawanan sa mga ‘to. Nanonood lang ako sa kan’ya habang ginagawa n’ya ‘yon. May iilan pang kumakaway sa kan’ya habang papalayo sa kan’ya. Ang dami n’yang kaibigan at ‘yon ang gusto ko. Gusto ko makipagkaibigan din, gusto ko rin tumawa tulad ni Ate Andreianna. Gusto ko rin makasama ang mga kaibigan ko. Pero wala akong kaibigan. “Oh come one! Ikaw na lang. Sabay- sabay kami uuwi magpipinsan,” sagot n’ya sa kaibigan n’yang babae. “Gano’n ba? Sige!” Nagpaalam ‘to sa kan’ya at saka naglakad na kami paalis doon. Pumunta agad kami sa kabilang building kung nasaan ang kapatid ko. Napanguso ako dahil maraming babaeng nakalapit dito at hinahaplos ang kanyang braso. Nakatitig lang ako rito habang tumatawa. Bumubulong pa sa isang babae. “Ewan ko ba sa kapatid mo bakit ang babaero!” naiinis na sabi ni Ate Andreianna dahil mukhang hindi talaga gusto ang ginagawa ni Kuya Kiefer. “KIEFERSON!” sigaw ni Ate Andreianna kaya napatayo ‘to nang maayos. “Alis! Alis!” sigaw n’ya sa mga babae at agad lumapit sa akin. Nakangiti ‘tong lumapit sa akin at saka hinalikan ang pisnge ko. “Don’t kiss her! Malay ko ba kung pinaghalik mo na naman ‘yan sa mga babae mo?!” Natawa lang si Kuya Kiefer sa sinabi ni Ate Andreianna. “Hindi ‘no? Hindi ko hahalikan ang prisensa kung gano’n lang,” napangiti ako at niyakap ‘to. Agad nito hinalikan ang ulo ko at umalis na rin si Ate Andreianna dahil may huling klase pa ‘to. Agad naman ako inakbayan ni Kuya Kiefer at saka niyakap ang kanyang baywang papunta sa room. “Ang ganda naman ng kapatid mo, Kiefer!” “Ah? Of course! Ako kamukha n’yan!” pagmamalaki pa nito sa mga bumabati sa kan’ya. Hindi ko magawang ngumiti sa kanila o ano. Wala rin naman lumapit sa amin at mabuti na lang ay gano’n. Sa buong klase ay nakita ko kung paano maging active ang kapatid ko. Sinusulat ang ibang notes, minsan naman ay sumasagot. After ng class ay may lumapit na sa kanyang mga kalalakihan para tanungin s’ya tungkol sa practice. “Hindi muna. Kasama ko ang prinsesa ko,” napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ni Kuya Kiefer. “Isama mo!” agad umiling ‘to. Dumadami na ang mga tao kaya naman agad akong sumisiksik sa kapatid ko. Natatakot ako na baka may makakilala sa akin at baka malaman nila na hindi ako marunong magsalita ng diresto. Dahil mukhang napapansin na ako ni Kuya Kiefer ay nagpaalam na ‘to. Niyakap ako nito habang papalakad kami paalis doon. Nakahinga ako maluwag nang makarating kami sa parking lot. Agad akong pumasok sa loob ng kotse n’ya. Dumating na rin sila Ate Sam and Ate Andreianna para sumabay sa amin. Kaya sa pagdating namin sa bahay ay sa kusina kami dumiretso. “Ang baby ko,” agad hinalikan ni Mommy ang pisnge ko. “M-Miss y-you…” nakangiting sabi ko. “Aww! Miss na miss din kita. Tara kumain ka?” agad akong tumango rito. Pinaghanda ako nito ng pagkain. Sumabay din sa akin ang kapatid ko na para bang gutom gutom. Dumating ang daddy at hinalikan ako sa labi at sumunod naman ay kay mommy lumapit. Uminom ako ng gamot saka umakyat sa taas. Gusto ko sana kausapin si mommy tungkol sa pag-aaral ko pero mukhang busy sila ni daddy. Kaya naman umupo na lang ako sa tabi nito. Dumating na rin ang ibang pinsan kong lalaki at isa-isa pa lumapit sa akin para halikan ang pisnge ko. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata nila habang nag-uusap tungkol sa mga kaibigan nila. Napayuko ako dahil sa sobrang inggit ko. Inggit na inggit ako dahil hindi ako naging masaya na gano’n para sa kaibigan. Dahil waa naman akong kaibigan, wala ako kahit isang kaibigan. Hindi ko nakausap si mommy ng gabing ‘yon dahil nag-bonding sila ni daddy. Ayoko naman maging istorbo sa kanila kaya hinayaan ko na lang. Kinabukasan ay pinamigay ang grades namin. Tumingin ako sa grades ko. Binati ako ng mga teacher ko dahil sa mataas ang nakuha ko. Ngumiti lang ako sa kanila. “Ang galing mo naman?” napatingin ako sa isang babaeng hindi makapaglakad ng maayos. “Hindi kita nakikitang nagsasalita pero ang taas ng grades mo,” kinagat ko ang ilalim ng labi ko saka tumingin muli sa grades ko. “Ganda mo ‘no? Hindi ko alam ano mali sa ‘yo at bakit nandito ka?” hindi ako sumagot sa kan’ya. Hindi ko alam paano s’ya sasagutin. “Hindi ka pipe. Kasi I heard your voice when our teacher talked to you…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD