Chapter 2

954 Words
Hindi ako sumagot rito. Huminga lang ako nng malalim saka tumingin muli sa grades ko. My mom would be happy if she saw this. Alam ko naman dahil proud na proud s’ya sa akin sa lahat ng gusto ko. “Hey, I am talking here…” Hindi ko alam kung sasagot ba ako or hindi. “Ganda mo ‘no? Ganda pa ng katawan mo. Ang puti mo pa…” she smiled at me. “Sabi nila Nievez ka? Ibig sabihin sobrang yaman n’yo?” hindi ako sumagot dito. “Sumagot ka naman!” kinagat ko ang ilalim ng labi ko. “Trias, come here…” Agad akong tumango dahil sa nakita ko na ang mommy ko. Agad akong tumayo at saka yumuko sa babaeng kinakausap ako. Kinuha ko ang bag ko saka dumiretso sa mommy ko. Binigay ko agad ang grades ko at napangiti s’ya sa nakita n’ya. “Mrs. Nievez, can we talk?” agad napatingin ang mommy ko sa teacher ko. Agad s’yang pumunta doon. Lumabas na ang mga ibang estudyante para makauwi. Tumingin ako sa ibang estudyante na inaalalayan ng mga magulang. Ang iba ay naka-wheel chair. Ang iba ay bulag kaya kailangan talagang I-guide. Tumingin ako kay mommmy. “She’s not really active… I mean, she’s smart pero? Hindi s’ya active sa class. Lagi s’yang nasa dulo, nag-iisa,” tumingin sa akin si mommy dahil doon. “I am just worried about her. Mukhang hindi n’ya gusto rito.” “Gano’n ba?” “I mean… mas maganda siguro kung kausapin n’yo s’ya, right? Alam kong mahirap pinagdadaanan n’ya… pero hindi pwede ganito.” Tumango si mommy dito at saka tumingin sa akin. Huminga ‘to nang malalim. “She’s smart pero? Mukhang na-trauma rin sa mga nangyayari. Hindi ata tama na sinubok n’yo agad s’ya ipasok sa isang school dahil sa condition n’ya…” kinagat ko ang ilalim ng labi ko. “Well, kakausapin ko s’ya,” sagot ni mommy dito. Hinayaan ko sila mag-usap kahit naririnig ko naman ang mga sinasabi nila. Tahimik lang ako hanggang sa matapos sila. Mommy went to me and held my hand. Agad kaming lumabas na dalawa, walang nagsasalita kahit isa sa aming dalawa. Hanggang sa makarating kami sa parking lot and dad was there, waiting us. Agad s’yang lumapit sa akin habang nakangiti. Hinalikan nito ang pisnge ko saka pinapasok sa backseat. Hindi pa sila pumasok sa loob dahil nag-uusap sila ni daddy, napatingin sa akin si daddy. Pumasok na sila after no’n. Wala pa rin nagsasalita hanggang sa makauwi kami ng bahay. Hindi ko alam bakit naiiyak ako. Nakarating kami sa mansion ay agad akong bumaba. Tumakbo ako paalis doon. “PRINCESS TRIAS!” sigaw ni daddy. Agad akong pumasok sa loob at umakyat sa taas. Agad akong pumasok sa kwarto ko at ni-lock ko ‘to. Tumulo ang luha ko at umupo sa kama. Niyakap ko ang tuhod ko dahil natatakot ako na baka pagalitan nila ako. “Trias, open this door. Let’s talk!” mahinahon ang boses ni daddy habang nasa kabilang pinto. “Come on, baby. We are not mad at you. We just want to talk you…” huminga ako nang malalim saka dahan-dahan akong bumaba ng kama. Naglakad ako papunta sa pinto. Agad kong binuksan ang pinto at saka tumingin sa akin. Pumasok silang dalawa at hinawakan ni mommy ang kamay ko. Napalunok ako habang nakatingin sa kan’ya. “We will hire a Health Professional Doctor for you, anak. You need it para makapagsalita ka ng maayos,” napatitig ako sa kanila. “I-I c-can’t---” “You can,” putol nito sa akin. “You can do it. Hindi kami rito kukuha. Maghahanap kami ng daddy mo sa ibang bansa para mapabilis ang lahat,” napatitig ako sa kanila. “M-Mom… a-ayoko s-sa D-Disabilities S-School,” kitang kita ko ang lungkot sa mga mata n’ya. “H-hind k-ko g-gusto d-doon…” “Anak, I know it’s hard. Pero kayanin mo, okay? Paano ka namin dadalin sa ibang school? Ano? Laman ka na naman ng tukso? Ikaw na naman ang sentro? ‘Yung trauma mo? Akala ko ba okay ka na? Kaya nga hindi ko na pinapapunta ang Doctor mo ha?” huminga ako nang malalim. “O-Okay a-ako,” totoong sabi ko. “P-Pero g-gusto k-ko n-normal n-na b-buhay. M-May k-kaibigan, m-may k-kasama s-sa l-lahat…” Tumulo ang luha nito habang nakatingin sa akin. “M-mommy, g-gusto k-ko n-no’n…. P-Pero p-paano?” Ngumiti sa akin si mommy saka tumango. “Okay, we will do our best to find a Health Professional Doctor for you. Hindi kami susuko para makalipat ka agad sa ibang School.” “K-Kaya k-ko b-ba??” “Of course! Walang Nievez na mahina!” nakangising sabi ni daddy sa akin. “Kaya tell me? May gumugulo pa ba sa ‘yo? Bakit hindi ka active sa class n’yo? You have a good grades, anak. But? Be active…” nakangiting sabi nito. “You can do it, right? For me?” “I-I d-don’t k-know…” “Still adjusting, baby? It’s okay. You can overcome all of this. Your brother and cousins are here for you. Don’t worry about it, okay? Ang gusto lang namin ng daddy mo ay maging matatag ka, okay?” tumango ako. “I-I l-love you, M-Mom…” "We love you more, baby." Niyakap ako nito. Nakangiti ako habang yakap-yakap si mommy. Nagpaalam muna ito na ikukuha ako ng tubig. Lumapit naman sa akin si daddy para punasan ang luha ko. "Be confident, anak. Hindi pwede ganito dahil kung mahina ka? Mas mauulanan ka ng tukso. Ang gusto lang ng mommy mo is? Mas maging matatag ka. Naiintindihan mo ba?" "D-dad, t-thank y-you," ngumiti sa akin 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD