Chapter 3

3135 Words
Love is weakens people but it also their strength. How can i have that love if i have this. How can i have a normal life? Seeing them happily with their friends are priceless. I want that kind of happiness. I want to have friends but how? I only want is a normal life like them. Gaining friends, party with them, hang out with them but how? Isang malamig na bagay ang naramdaman ko pababa sa leeg ko. Alam ko na naman ano ang nang yari. Huminga ako ng malalim at yumuko. Mahigpit ang yakap ko sa iPad ko at rinig na rinig ang mga tawanan ng mga tao. "Iwww. Ang lagkit n'yan. Lalangawin 'yan." Hiyang hiya ako sa sarili ko. Araw araw na lang ako pinagtatawanan. Araw araw na lang ako ginagago. Wala kahit isang gustong tumulong sa akin tulad ng mga napapanood ko sa drama. "Ano? May sasabihin ka ba?" mabilis nito nito sinabunutan para umangat ang muka ko. Sanay na ako sa ganito, kaso hiyang hiya pa rin ako. Ang hirap maging ako, ang hirap maging ganito. Tumatawa sila sa akin at muling binuhusan ako ng mineral water kaya napaupo ako. Lalo silang nagtawanan. "Sarap naman nang pagkain mo. Who made this?" Mabilis nilang kinuha 'yun at tinaapon sa lapag. "Oops. Sorry." Tumulo ang luha ko. Hinigpitan nila ang sabunot sa akin hanggang tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang magsalita, bakit hindi ako makapagsalita nang diretso. Bakit ganito sila? "May klase na. Mamaya na 'yan." pabalibag ang bitaw n'ya sa akin at muntik na tumama ang ulo ko sa batong mesa. Huminga ako nang malalim at tahimik na umiiyak. Walang tutulong sa akin dahil wala dito ang pinsan ko. Wala kahit isang taong tutulong sa akin. Bumaba ako at kinuha ang baunan ko. Mom made this for me, pero nasayang lang. Tinapon ko ang laman nito sa basura at saka inayos sa paper bag. Tumayo na ako, nakayukong naglalakad paalis doon habang naririnig ko ang mga tunog ng camera. Agad akong pumunta sa locker ko. I have extra Uniform here, laging may extra dahil ayokong umuwi na ganito ang ayos ako. I don't want them to get worried. Nahinto nga ang senior student? Pero may pumalit naman. Ka-batch ko pa. I missed her so much. I can't face her. She almost had miscarriage because of me. At alam ko din na ayaw ako nitong makita. "Ms. Nievez? What's happening to you?" nahihiya akong tumingin sa isang teacher. Hindi ko pwede sabihin kung ano nangyari sa akin dahil baka pag-initan na naman ako kahit lagi naman mainit. Iba kasi pag nagsumbong ako, ang sakit na nila manakit. Mabilis ako umiling dito at ngumiti. "Are you sure? Sabihin mo lang sa akin ang totoo." umiling na lang ako dahil ayokong malaman pa nila ang nangyayari sa akin. Kung nandito lang si Imogen, kung hindi ko lang sa kan'ya ginawa ang bagay na 'yun. I know, she hates me so much for what i did to her. I almost killed her child dahil sa galit ko, sa panloloko n'ya sa kapatid ko. Sinuklay ko ang buhok ko at saka inayos ang itsura ko bago pumasok sa loob ng room. Ando'n sila, nakangisi sa akin at para bang tuwang tuwa sila sa itsura ko. Tahimik lang ako umupo sa dulo at saka inayos ang iPad ko. Pang-ilan iPad ko na ba'to? "Okay, class. Wala ba nagpasa sa in'yo nang project? Si Trias lang ba talaga?" napatingin ako sa teacher ko na ngayon ay puno nang disappointment ang mukha. Iniwas kong tumingin sa grupo nang mga babaeng 'yun dahil alam kong masama ang tingin nila sa akin. Sa buhay kong 'to? Walang gustong tumulong sa akin. Sa University nito? I am just nobody. Lumipat ako dito dahil ayokong lagi napapaaway ang mga pinsan ko at ang kapatid ko. Ako ang lagi ang dahilan na gulong nangyayari sa kanila. I am the youngest in Nievez, kaya talagang nag-aalala sa akin sa lahat ng oras. Lagi nila ako chinecheck, tinatanong kung ano ang masakit sa akin. Kung may umaaway ba sa akin pero puro kasinungalingan lang ang sinasagot ko sa kanila para lang wag silang mag-aalala. Life is really unfair. I am Nievez, i am beautiful but... mahalaga ba talaga sa tao na perpekto ka? Hindi ba pwede tanggapin nila ako kasi eto ako? Kahit na hindi diretso ang salita ko? Bakit kailangan nila ako apihin ng ganito? "G-Gano'n t-talaga m-ma'am." Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa pagbiniro nang isa na kinakasakit ng dibdib ko. "That's not a good joke, class." yumuko ako at saka huminga nang malalim. I should not cry inside our class. Nakakahiya kung iiyak ako at kailangan ko tatagan sa lahat ng pagkakataon. Hindi pwede na laging ganito. Natapos ang klase ay naupo agad ako sa bench para hintayin ang driver namin. Tahimik lang akong nakatingin sa iPad ko habang hinihintay ang message sa akin ni Mommy sa Messenger. "Grabe! Kailangan natin talunin ang Star University! Nakakahiya naman kung matatalo tayo! napatingin ako sa maiingay na kalalakihan na nakasuot ng isang asul na tee-shirt at isang jersey short. May pangalan sila sa likod at numero. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. "Magagaling kasi ang mga Nievez---" "Mas magaling ako do'n." sabi nang isang lalaking hindi ko na inabalang tignan. May naupo sa malapot sa akin. Tumingin ako sa kanila pero busy silang lahat. Tumunog ang messenger ko kaya napatingin sila sa pwesto ko. Agad ako nag-iwas ng tingin sa kanila at saka nag-reply kay Mommy. "Your brother will fetch you, honey. Stay there." "Okay, Mom." Mabilis ko pinatay ang iPad ko saka tumingin sa malayo. Nakakainggit ang iilan dahil may kasama silang kaibigan. Nag-hihintayan silang lahat para sabay umuwi pero ako? Nandito ako. Mag-isa at wala man makausap. Wala man gustong makipagkaibigan sa akin. Ganito pala talaga kahirap ang walang kaibigan. Sa Blue University ay ako ang favorite nilang laruan. Laruan na pwedeng asarin kahit anong oras, pwedeng saktan kasi walang magbabawal. "Hoy!" napatingin ako sa kababaihan na nando'n. Sila Crisha at ang mga kaibigan n'ya. "Sino hinihintay mo dito? Sumisilay ka sa varsity player 'no?" kumunot ang noo ko. "Hindi ka type nang mga 'yan. Hindi ka nga makapagsalita nang buo 'e." yumuko ako dahil sa hiya ko. Umiiling ako sa kanila para iparating na hindi ko sila sinisilayan kasi wala naman akong interest sa kanila. "Crisha, type ata pinsan mo." umantras ako sa kanila at saka tumayo. Agad kong binuksan ang iPad ko. "Nauna akong umupo dito at wala akong interest sa kanila." Agad mo sa kanila pinakita 'yun. Lumapit sa amin ang Varsity player at tinignan ako. Ginulo nang isang lalaki ang buhok nito at saka pinisil ang pisnge. "Nang-aaway ka na naman. Hindi nga kami tinitignan n'yan 'e." sabi nito at bumusangot ang muka nito. Maya maya ay may huminto na sasakyan sa gilid ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Kuya Kiefer na nakakunot ang noo. Mabilis pumunta sa akin 'to at saka kinuha ang gamit ko. "What is happening? Are they bullying you?" mabilis akong umiling dito at ngumiti. "Siguraduhin mo lang walang umaaway sa'yo dito, Trias." tumango ako sa kan'ya at ngumiti nang matamis. He kissed my cheeks. Hinawakan ko ang braso nito. Pinagbuksan pa n'ya ako nang pinto. Ramdam ko ang titig nila sa aking lahat. Hindi ko na sila tinapunan ng tingin. Inayos ko ang seatbelt ko. My brother's car is fully tinted. I glanced that man, he's handsome and hot. Pero alam ko naman na hanggang tingin lang ako sa kan'ya. He's name Prince Hero Montefalco, i got crush on him when my first day here. Pero alam kong hanggang tingin lang ako sa kan'ya at walang papatol sa tulad ko. He's famous and captain of Blue's Basketball team. Magaling s'ya maglaro, tinitilian ng lahat. Kulang na lang ay sambahin s'ya nang kababaihan. "Why are you staring that man?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ku "Trias, lumipat ka na sa Star University. I hate seeing you crushing other guy. You are just eighteen! Kaka-eighteen mo lang!" napayuko ako at saka tumingin sa window. "Hindi ko gusto ang mga babaeng 'yun. Sabihin mo sa akin kung may ginagawa sila sa'yo. Hindi pwedeng gan'yan ka, Trias. Ayokong nasasaktan ka! Noong huling punta namin dito ay 'yung tumawag si Imog--- nevermind!" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. "Trias, nakikinig kanba sa akin?" "K-Kuya!" nauutal na tawag ko dito. "Tinatanong kita! Hindi ko gusto na magkakagusto k---" "K-KUYA!" pilit na sigaw ko sa kan'ya para mapahinto s'ya sa pagsasalita. Binuksan ko ang iPad ko at saka nagsimula na magsulat dito gamit ang daliri ko. "Paano sila magkakagusto sa akin?" pinakita ko sa kan'ya 'yun. "Bakit hindi? Napakaganda mong bata, Trias---" Agad ko muli nagsulat. "I have Stutter disorder. Kaya malabo." pinakita ko sa kan'ya 'yun at nakita ko ang paglambot ng kan'yang mga mata. "Bunso, hindi naman lahat ng lalaki ay gano'n. Magsalita ka ng diretso o hindi? May magmamahal sa'yo. But the right man, baby, Okay?" dahan dahan akong tumango dito. "Wag ka makikinig sasasabihin ng iba? Kasi sa amin? Prinsesa ka." ngumiti ako nang sagad dito. "See? Ngiti mo pa lang. Sarap na tignan." "T-Thank y-you." ginulo nito ang buhok ko at pumunta kami sa Star University. Sa Angel Lira's Milktea shop n'ya pinarada ang sasakyan n'ya. Bigla akong kinabahan dahil do'n. "Tara sa loob---" mabilis ako umiling dito. "Hey, Her daughter is fine---" umiling ako dito. Alam n'yang takot pa rin ako. Ayokong pumasok sa loob dahil natatakot ako. Sa lugar na 'to, muntik ko na ako makapatay na inosenteng bata. Kung saan tinulak ko si Ate Imogen sa galit, sa galit na niloko n'ya ang kapatid ko. "Okay, ako na lang papasok, okay? Ano bang gusto mong flavor?" hindi ako sumagot dito. "Okay, ako na mamimili. Please lang, okay? Ngumiti ka na. Gusto mo bang umuwi tayo nang gan'yan? Makikita ni Mommy malungkot mong mukha." Ngumiti ako kay Kuya Kiefer kaya naman natawa s'ya nang mahina. Hinaplos nito ang pisnge ko at saka napabuntong hininga. Lumabas na s'ya nang sasakyan. Habang ako naman ay tahimik lang na nandito sa loob ng sasakyan. Tumitingin ako sa paligid, may iilang estudyante ako nang Star University na nakikita at ang iba ay Blue University. Talagang puntahan ang Angel Lira's Milk tea shop. May iilang FEU din dito. Lahat sila may kaibigan, nagtatawanan habany ako? Mag-isa. Walang kaibigan, walang kasama sa bawat araw. Sobra akong naiinggit at hindi ko alam kung kailan ako magiging masaya nang gan'yan? Kung paano ako makipagtawanan, makipag-hang out after class. Group study, 'yung paano namin sabihin sa isa't isa tungkol sa crush namin. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nang sasakyan. Inayos ko ang mahabang buhok ko na pa-wavy. Napangiti ako sa ganda nang panahong ngayon. May napapatingin sa aking kalalakihan. Gan'yan lang sa una, pero pagnalaman na kung ano mayro'n sa akin? Lalayo na sila. Para bang may nakakadiri akong sakit dahil lang sa hindi ako makapagsalita na diretso. May nakikita din akong nagtutulakan. Kaya naman umayos ako nang tayo. Pinanood ko ang Kuya mula sa labas na umo-order ng pagkain namin. "Hey, andito ka pala?" halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Prince Hero Montefalco na kasama ang iilang kaibigan. Agad ako napaantras. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, natatakot ako na ewan. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kan'yang tingin sa akin. "Hey, are you scared?" Hindi ako sumagot. "Trias! Baby girl!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Ate Sam. Agad akong tumakbo papunta doon at saka hinalikan nito ang pisnge ko. May kasama silang babae na hindi ko kilala. "Oh by the way, this is Selena! Assistant ko saka Scholar s'ya nang Alvarez!" ngumiti ako dito at saka ko lang napansin wala ang iPad ko. "Oh? Sino 'yun?" she pointed those men behind my back. Umiling ako kay Ate Sam para sabihin na wala lang 'yun. "Wee?" hinawakan ko ang braso nito dahil kinakabahan ako. "Ate Sam?" napatingin kami kay Kuya Kiefer na may dalang milktea. Agad nito inabot sa akin ang isa. Sa kan'ya naman ang isa. "Uuwi na kayo? Sabay na ako! Wala sasakyan ko 'e!" "Sure!" Napatingin si Kuya kay Prince at mukang nagtataka bakit nandito ang mga 'to. Pinagbuksan kami ni Kuya nang pinto nang kotse. Pinapasok n'ya ako at eto mismo nagkabit ng seatbelt ko. "Sino kayo? Bakit kayo nandito?" I heard Ate Sam voice. "Are you bullying my Princess?" napatingin ako doon. Alam ko naman hindi nila ako makikita. "We are not. I am just asking her... i mean---" "Wag na wag kayo lalapit sa kapatid ko." malamig na sabi ni Kuya Kiefer dito kaya hindi natuloy ang sasabihin ni Prince. Malamig ang tingin nito kay Kuya at para bang hindi s'ya natatakot. "Wala kaming ginagawang masama sa kapatid mo---" "Kahit na. I just don't want you near at her." napayuko ako. Prinoprotektahan lang naman ako ni Kuya. Alam ko, kaya gan'yan s'ya. Saka matatapos naman na ang Sem na 'to, kaya ayos lang. Sunod ay summer na, ang favorite na buwan ko sa buong taon. Kung saan kasama ko ang pamilya ko at malayo sa mapanghusga na tao. Second year na ako sa susunod na pasukan. Habang sila naman ay Fourth year na. Graduating. Masaya silang gra-graduate lahat. Binaba ko ang window sa tabi ko. "K-Kuya..." lakas loob na tawag ko dito kaya napatingin sila sa akin. Sumenyas ako dito na umalis na kami kaya naman tumango sila. Nagtama pa ang tingin namin ni Prince Hero pero agad ako umiwas ng tingin dito. Alam naman nila kung ano mayro'n sa akin sana hindi na ako mahiya. Alam naman sa buong University ang mayro'n sa akin. Bakit kailagan ko pa mahiya? Pumasok na sila Kuya Kiefer at Ate Sam habang ako ay iniinom ang tea ko. Tahimik lang kaming lahat na nasa byahe. Imbis na makaramdam ako nang kilig tulad ng ibang kababaihan dahil kinausap ako nang crush ko? Wala akong naramdaman kung hindi hiya at takot. Hindi ko magawang makapagsalita nang diretso. Kaya paano? Kung sana normal lang ako, nakakapagsalita nang diretso? Haharapin ko s'ya. Buong buo, maganda, maganda katawan ko, maputi, matangos ilong at asul ang mga mata. "Ayokong makikita na lumalapit ka sa mga taong 'yun." tumingin ako sa kapatid ko at saka tumango. "Gwapo 'yung isa, Trias. Wala ka bang crush do'n---" "ATE!" Natawa kami pareho ni Ate Sam dahil doon. Kuya is really protective when it comes to me. Nakakatuwa lang dahil may kapatid at mga pinsan akong handang magtanggol sa akin kahit ano mangyari. "Hindi s'ya pwedeng magka-crush. Masyado pang bata ang kapatid ko." napailing lang ako dito bilang sagot ko. Kung alam lang nito na crush ko talaga ang isang lalaki doon. Baka nagwala na ang kapatid ko. Gusto ko sana manood ng basketball kaso nahihiya ako, alam ko naman na aasarin lang ako sa Gym. Kaya pinipili ko na lang umiwas sa maaring mangyari sa akin. Kung hindi ako bubuhusan ng tubig or juice? Papatirin ako. Itutulak ako na para bang hindi sinasad'ya. Tatawanan ako, pagtri-tripan ako at iba pa. Ang dami nila pwedeng gawin sa akin at alam ko malalakas loob nila dahil wala akong kakampi. Hindi rin ako pala sumbong sa parents ko, kahit alam ko naman na may magagawa sila. Ayoko sila bigyan ng problema. "Ang Prinsesa! Nandito na!" napangiti ako sa sinigaw ni Kuya Kiefer. Agad kami sinalubong ni Mommy at saka hinalikan sa pisnge. Gano'n din si Daddy na anak boxer lang at mukhang kauuwi lang galing sa toxic ng dutyz Lumapit ako dito at saka hinalikan s'ya sa labi. Yes, at the age of eighteen i am still a baby. I am a daddy's girl. Napadilat si Daddy at agad hinalikan ako sa noo. "Ang ganda nang bunso ko." i chuckled. Pinakita ko sa kan'ya ang milktea ko at agad n'yang kinuha 'yun saka ininom. Niyakap ko si Daddy mula sa gilid at tinignan ko si Mommy na tahimik na pinanonood kami. "How's your school? May nang-aaway ba?" agad ako umiling kay Mommy bilang sagot ko. "Mabuti naman. Dahil hindi ko na papalampasin pa ang mga gustong umaway sa'yo." Lumapit ako dito at saka niyakap s'ya sa leeg. "T-Thank y-you." nauutal na sabi ko. "Anak, sabihin mo lang ha? Gagawan natin ng paraan 'yan. Makakapagsalita ka din ng diretso." Tumango ako dito. "O-Okay l-lang, M-Mommy." nauutal na sabi ko. "You sure?" tumango muli ako dito. Napatingin kami kay Daddy dahil sa paghilik nito. Napahawak ako sa dibdib ko, yes. Bukod sa hindi ako makapagsalita na diretso ay mayro'n din ako problema sa puso. Tulad ni Mommy noon, humihina ang puso n'ya. Hindi ko sinasabi kay Mommy ang nararamdaman ko. 'Yun lang ang hindi alam ng karamihan. Kung hindi ang pamilya ko lang. "Oh? Uminom ka na nang gamot." "T-Tapos n-na p-po." sagot ko dito. Hinawakan ni Mommy ang dibdib ko. Hindi pa ako pwedeng operahan, kaya naman alaga ako sa gamot. Sa bawat araw ay marami akong iniinom na gamot. Para lang i-maintain ang puso ko. Sabi ni Daddy ay hindi naman malala ang puso ko. Bawal sa akin ang stressed, emotional stressed. Kaya gano'n na din siguro na gusto na nila ilipat ako sa Star University para may bantay ako. "Hindi naman sumasakit ang puso mo?" "H-Hindi p-po, M-Mommy." sagot ko dito at saka nilihis nito ang buhok kong nakaharang sa muka ko. Pagtapos ng pag-uusap namin ay umakyat ako nang kwarto ko sa Second Floor. Mabilis ko hinubad ang suot ko at saka kumuha nang pambahay. Nilabas ko ang gagawin ko, ang mga homework ko. Maya maya ay biglang nag-vibrate ang iPad ko. Kinuha ko 'yun at saka binuksan. Nakita ko ang iilang tag sa akin ng Schoolmates ko. Alam ko agad. Clinick ko 'to, doon nakita ko ang sarili ko na naglalakad habang basang basa. Yakap yakap ko ang iPad ko. Mayro'n din akong video na binuhusan ako ng juice at ang pagsabunot sa akin kanina sa Cafeteria. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang pagluha ko. "Oh gosh! Sorry!" Sunod sunod ang luha ko. Ako na lang lagi laman ng Blue Community Page at wala akong magawa para lumaban. Hindi pwede sa isang linggo walang video na lalabas na sinasaktan ako. Nanginginig kong ni-report 'yun. Ang iba ay nawawala dahil sa pag-report ko. Natatakot ako na baka may makakita nito relative namin. Natatakot ako dahil baka mapaano si Mommy. May nakita akong nag-comment do'n. Prince Hero Montefalco: I will report this page to our Dean. Take this down now! Leiyo Antonio: This is bullying, Trias can sue all students who are in this video. Also the Admin of this page. Sila ang kanina nasa Harap ng Angel Lira's. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Hindi pala s'ya tulad ng iba na mapanghusga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD