ROLE 4: The Chismosa
"You better come with your girlfriend."
Nahihilamos na ni Maj ang kamay sa mukha dahil sa inis. Hindi niya inaakalang iisipin ng buong angkan niya na may girlfriend na nga siya base sa balita ng kaniyang ina sa mga kamag-anak nila. Gayon pa man ay bahagya siyang nakahinga ng maayos dahil sa nakalimutan na nila ang issue na bakla siya.
Kumalat kasi noong ang accidental kiss niya sa lalaking nag ngangalang Daniel Harrison at dahil doon ay napagbintangan na siyang kasapi sa pederasyon ng mga lalaking malalambot. Idagdag pa na wala pa itong naiiuwi at naipapakilala sa mga angkan niya na nobya.
May naging girlfriend naman siya pero hindi worth it para ipakilala sa pamilya niya. Dumating din itong si Kyra ngunit bago pa siya makaporma ay binakuran na kaagad ng matalik niyang kaibigan.
"Maj, narinig mo ba ang sinabi ko? Maniniwala lang kaming tunay kang lalake kung dadalhin mo ang girlfriend mo sa kasal ko." Paglilinaw uli ng kausap niya sa telepono.
"Opo, Ate."
"Good. Ibababa ko na telephone. Bye!"
Hindi pa siya nakakapagpahinga ng may bumukas ng pintuan ng office niya. Hindi man lang ito kumatok ngunit base sa nakikita niya ngayon, hindi na siya umaasa pa ng magandang asal sa babaeng kaharap niya.
"Anong ginagawa mo dito, Emer?" Naiinis niyang tanong. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa babae dahil hinayaan lang nitong ma-misunderstood ng mama at tita niya na totoong girlfriend siya. Ngayon tuloy ay pinipeste siya ng halos lahat na papuntahin ang girlfriend niya sa kasal.
"Gusto ko lang linawin ang contract ko." Sagot ni Emer sa kaniya.
Sa lahat na ata na babaeng nakilala niya, ito ang pinakamayabang at desperada. Magkasalungat man ang dalawang adjective na ginamit niya pero swak na swak yun sa personalidad ni Emer.
"Wala pa tayong nagpag-uusapang contract."
"Don't we have?"
"Definitely, Ms Emer Bernalez. Our decision is final, you're not accepted here ib MJ Entertainment." Harsh man pero wala na siyang ibang maisip para maitaboy ang dalaga.
"Pagkatapos kong tulungan ka sa mama mo at tita mo, ganito lang ang igaganti mo sa akin? Mr Maj Chevez, please accept me here."
"Why are you so desperate to be here, anyway? I can't see a star quality and passion in you. I take credit for you determination but being in this showbiz world is way beyond your hardwork."
Matagal bago nakasagot si Emer. Para pa itong goldfish na buka-sara ang bibig. "Hindi mo maiintindihan pag sinabi ko sayo."
"Then I won't let you--"
"Alright! I told my friends that I'm working here. Hindi ko naman sinasadya pero yun na lang ang unang lumabas sa bibig ko. Sorry, I'm hopeless and jobless. Pride na lang ang natititra sa akin para mabuhay sa mundong ito."
Hindi maintindihan ni Maj ang litanya ng babae. Parang magkakontra ang pride at ang desperasyon pero pagdating kay Emer ay tila baga magkasing kahulugan ito.
"You're such a liar." Sabi ni Maj.
"And a b***h too. I know, call me anything you want just let me stay in your company."
"Pride huh?" Sakastikong sabi ni Maj.
"Anong gusto mong gawin ko? Sabihin kong hindi mo talaga ako girlfriend at gay ka talaga?"
Napanganga si Maj sa sinabi ni Emer. Hindi siya makapaniwala. "Are you blackmailing me?"
"You left me with no choice Mr Maj Chavez. Kailangan mo ako kaya hindi mo ako pwedeng tanggalin dito." Sabay walk out ni Emer.
Napahilot na lang ng ulo si Manager Maj dahil sa dami ng problema niya sa company. Idagdag pa ang problema ni Nico Ciriaco, ang pinaka sikat na artista sa kaniyang company.
Naalis ang pag-iisip niya sa problemang pang pamilya ng biglang dumating si Nico. Alam niyang kakagaling lang nito sa taping at wala pang pahinga.
"Nico, para ka nang zombie." Sinubukang magpatawa ni Maj sa kaibigan para naman mapintahan ng saya ang mukha nito. Ngumiti nga si Nico pero hindi umabot sa mga mata ang kasiyahan. Kaagad ding nawala ang ngiti nito.
Napabuntong hininga na lang si Maj kay Nico. "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Makailang ulit na tanong niya sa kaibigan. Simula kasi ng sabihin ni Nico ang plano nito, hindi pa rin siya makapaniwala.
"Alam mo namang matagal ko nang gusto mag-aral ng pagiging derektor." Sagot ni Nico.
Pinagusapan pa nila ang pagpunta ni Nico sa ibang bansa bago dumating ang girlfriend ni Nico na si Ashley. Natulala na lang siya ng magtalo ang dalawa. Si Nico gustong umalis samantalang si Ashley ayaw.
"I have enough Nico! You want me because I have y-your child. Other than that.. Nothing. Hindi mo man lang ba ako minahal kahit kaunti lang, Nico?"
Tahimik lang si Nico pero umiling ang ulo nito.
"Oo nga pala. Si Kyra lang pala ang mahal mo." Natawa si Ashely. "Funny because the love of your life is about to get married."
"Anong sabi mo?" Doon na nagsalita si Nico. Lumapit ito kay Ashley at hinawakan sa braso.
"She's marrying Daniel tomorrow! Damn it!"
Si Nico naman ang nagulat sa narinig. Nagulat din si Maj sa narinig. Ang ka-accidental kiss niya at ang babaeng gusto niya ikakasal na? Para saan pa ang pagpapaubaya niya kay Nico kung hindi naman pala ito mapupunta sa kaibigan niya?
"Maj," Tawag ni Nico si Maj pero nakatitig pa rin si Nico kay Ashley. "Sabihin mo nga kung anong mali sa akin?"
Napatanga si Maj sa tanong ng kaibigan.
"Sabihin mo kung anong ginawa kong mali?!"
Nabigla siya sa pagsigaw ni Nico. Bihira lang magtaas ng boses ang kaibigan.
"Ahm.." Tumingin sa kaniya yung dalawa kaya inayos niya ang sagot niya. "You told me you like Kyra, that you don't care what will happen to your career. You know I like Kyra too but you still pursed her. Then your life turns around; Ashley is pregnant, Kyra's real identity, Kyra's wedding.. And you're not doing anything to fight for her."
"Maj, what are--" Magrereklamo sana si Ashley kaso lang nagpatuloy si Maj magsalita.
"Tama na ang pagmumukmok at pagtatampo. Kung mahal mo talaga siya, ipaglaban mo."
"Thanks, man." Ngayon nasilayan na muli ni Maj ang ngiti ng kaibigan. "Book me a flight." Nagmamadali itong tumakbo papalabas.
"Nico, where are you going? Come back here!" Nagsisigaw si Ashley pero hindi naman niya mahabol si Nico kaya si Maj naman ang binalingan niya.
"You ruined everything!"
"Wow! Ako pa ang nasisi ngayon. Ikaw rin itong isang magulo Ash. Kung may mali sayo, yun ay wala ka nang ibang inisip kundi career at magpakasal kay Nico."
"That's not true!"
"Kung mahal mo siya hindi ka magdadalawang isip sumama para tumira sa US."
Natahimik si Ashley pero kitang kitang nagiinit na itp sa sobrang galit. Tila baga mapapaanak na ito doon mismo sa opisina ni Maj.
"Mahal ko siya! Kaya nga kahit hindi ako sigurado kung sinong ama--" Sabay takip ni Ashley sa bibig nito.
"What? Hindi ka sigurado kung sinong ama?" Nanlilit ang mata ni Maj. Lumapit na siya sa kausap niya para masigurado ang lahat.
"I m-mean, I'm sure! I'm not sure! I ahh.."
"There is a possibility that Nico is not the father of that?" Itinuro niya ang tiyan ni Ashley.
"No!"
"Wow! I need to tell this to him."
"No!" Saka ito lumabas para sundan si Nico.
Napailing siya sa mga nalaman. Akalain mong may ganito palang eksena?
"Emer lumabas ka na dyan." Napansin ni Maj si Emer na hindi talaga umalis. Nakikinig lang ito.
"Sorry, I got interested. Heck! I can't help it! The hottest couple in town and that.."
"You better not tell this to anyone."
Umakto namang sinizipper ni Emer ang bibig.
Eto namang si Maj, nagpabalik-balik at iniisip kung sino ang ama ng pinagdadalang tao ni Ashley kung hindi si Nico?
"Siguro yung nakasabay ko noong isang araw yung tatay ng baby."
Natigil si Maj at lumapit kay Emer. "What? Who?"
"Noong isang araw na pumunta ako dito para pilitin ka, may nakasabay akong lalaki. Hinahanap niya si Ashley. As I remember his name starts with D. David? Don? Daniel?"
Nagulat naman si Maj sa narinig. "Do you mean, Daniel Harrision?"
"Oh, yes! Oo! Hinahanap niya si-- Saan ka pupunta?"
"Thanks, but I want you to go home. I'll be busy." Nalaman niya na kung sino ang tunay na ama. Walang duda. Hindi naman pupunta dito si Daniel Harrison kung ikakasal na ito hindi ba? At paano din nalaman ni Ashley kung hindi niya narinig derekta mula kay Kyra o kay Daniel.
"Pano yung contract?"
"Don't ever come back if I were you."