ROLE 5: Recruiter
Hindi pa rin naging madali ang lahat para kay Maj. Ngayon nasa Amerika si Nico ng mas maaga, mas dumami ang pinoproblema niya dahil kailangan niyang ayusin ang mga naiwan dito ni Nico. Mayroon mang ibang empleyadong umaasikaso nito ngunit hindi pa rin mawawala na bilang head ng company ay kailangan niyang alamin ang detalye ng pag-aayos ng gusot na iniwan ni Nico.
Malibina kay Nico, iniisip niya pa ang kalagayan ni Ashley. Muntikan na itong malaglagan dahil sa sobrang paggagalaiti nito dalawang araw na ang nakakalipas. Bukod pa sa kalusugan, dumating si Daniel kahapon at kinausap na si Ashley ng masinsinan. Hindi makapaniwala si Maj na si Daniel pala ang ama ng ipinagdadalang tao ni Ashley.
Napahilot siya ng ulo sa dalang gulo ni Nico at Ashley sa company niya. Ang dalawang pinakamahalagang star ng MJ Ent ay nasa matinding issue ngayon na hindi ikatahimik ng mga media na maski sa building ng company niya ay nanggugulo ang mga ito.
Patong patong na lahat ng problema niya at sumasabay pa itong pangungulit ng mga kamag-anak niya na dalhin ang non-existing girlfriend niya.
May kumatok sa pintuan na ikinagulat ni Maj. Dumungaw doon ang isa sa mga katrabaho niya at sikat na sikat na derektor na si Rolando Vegel. Nakangiti ito ng napakalapad.
"Maj, gusto ko lang sana kausapin ka tungkol sa bagong movie na ginagawa ko."
Tumango lang si Maj at pinaupo si Rolando sa upuan sa tapat niya. Nag-usap sila tungkol sa mga kailangan nitong mga aktor na gaganap sa pelikula niya. Isa itong action-historical movie. Dapat si Nico ang gaganap ng lead role ngunit tinanggihan na ito ni Nico kaya napunta ang role sa ibang artista sa kabilang entertainment company.
"Kulang pa ako ng mga casts. Gusto ko sanang kumuha dito sayo."
"Ano bang role ang bakante?"
"Major cast pero hindi protagonist. More on sidekicks."
"Anong klaseng artista ang kailangan mo?" Tanong ni Maj.
"Para kay Segunda na fiancee ng bida, gusto ko yung babaeng palaban, determinado pero makikita pa rin ang pagkadalagang Pilipina. Tapos si Gaston na spy ng kontabida. Kailangan ko rin ng mga extra para sa mga gwardya civil."
Tumango si Maj sa sinabi ni Rolando. May mga bago siyang talent ngayon na pwede niyang bigyan ng role. At mas babagay kay Dino* ang role na Gaston. Wala nga lang siyang maisip na babagay kay Segunda. Mukhang malaki ang role nito sa palabas kaya't kailangan niya pang tanungin ang mga instructor niya sa workshop kung sino ang pwedeng gumanap nito sa mga hawak niyang artista.
"Pansin ko lang Maj.." Nagsalita si Rolando na bahagyang nagbago ang boses. Naging mas mahinahon at marahan. "Mukhang lagi kang nakakunot ngayon. Hindi bagay sayo."
Napangiti na lang si Maj sa kaibigan. "Alam mo naman ang problemang iniwan ni Ashley at Nico sa akin."
Tumayo si Rolando at pumunta sa likuran ni Maj. Hindi naman alam ng manager ang gagawin nito ng biglang may humawak sa magkabilang sintido niya.
"Relax lang pag may time. Mahirap na tatanda ka kagad niyan."
Kinilabutan si Maj sa boses ni Rolando at sa ginagawa nitong paghilot sa ulo niya. Marahan, magaan at sensual.
Kinabahan si Maj. Iba ang kutob niya sa mga nangyayari lalo na ng bumaba sa balikat ang pagmamasahe nito.
"Sa tingin ko dapat ka ring magka-love life."
"D-derek, a-ayus lang ako." Pilit inaalis ni Maj ang kamay ni Rolando sa balikat niya ngunit mas bumababa pa ito sa dibdib niya at parang yumayakap na ito mula sa likod.
Iba na ang pag hawak nito. Masyado nang madiin at mahalay at ipinapasok na nito ang kamay niya sa loob ng polo ni Maj!
"A-anong ginagawa mo!" Napasigaw na si Maj pero hindi pa rin siya makakilos.
"Alam ko namang gusto mo rin ito--"
Natigil si Rolando ng marinig at makita ang gulat na gulat nitong assistant. Napabitawan pa nga nito ang hawak niyang folder. "S-sorry po!" At nagmamadali itong lumabas.
"Wait!" Tawag ni Maj. Tumayo na siya at nagmamadaling hinabol yung assistant. Ginawa niya lang ito para makatakas kay Rolando at magpaliwanang na rin sa assistant niya. "Jane!"
Tumigil ang assistant pero nakayuko pa rin ito. "Sorry Sir. Hindi ko naman po alam na ganun ang dadatnan ko at mas preferred mo pala ang lalaki." Inayos ng assistant niya ang butones ng blouse niya at hinila pababa ang palda niya.
"W-what? No, Jane! Pasalamat pa nga ako't dumating ka kung hindi baka kung ano ng gagawin noon.."
Ikinatuwa ng assitant ang narinig. Tumayo ito ng maayos. "Talag Sir?" Lumapit ito kay Maj at halos idikit na ang boobs sa katawan ng amo niya.
Umatras naman si Maj at napailing. Balak niya sanang palipatin ang assistant niya malapit sa office niya para kung sakaling bumalik si Rolando ay may aawat dito ngunit nag-iba ang isip ni Maj ng mapansing may pagnanasa rin ang assistan niya sa kaniya.
"Go back to your work. I guess I need to go home for today."
Napapabuntong hininga si Maj hanggang sa maka-uwi siya sa bahay niya. Hindi naman ito kalayuan sa bahay niya. Wala pang kalahating oras ay makakarating na siya sa subdivision kung nasaan makikita ang simple niyang bahay. Two-story house ito na may modern design. Hindi ito kalakihan pero sinigurado niyang may malawak siyang backyard para lagyan niya ng basketball court at swimming pool.
Bubukdan na sana niya ang pintuan ng may mapansing mali sa bahay niya. Halos nakabukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay niya. Bago pa man niya masusian ang pintuan ay kaagad bumukas ang pintuan. Sumalubong ang dalawang pares na kambal.
"Maj!" Salubong ni Isa. Niyakap siya nito.
"Ate Isa, kailan ka pa nakabali?"
"Kanina lang."
"Excited sa kasal ko." Sabat namn ni Twice, kakambal ni Isa at ang ikakasal next week. Sila lang naman ang kakambal na ate ni Maj. Magkamukha ang dalawa pero makikilala mo sila sa haba ng buhok at pano kumilos. Si Isa ang may mahaba at kulot na buhok, at makikitaan ng pagka-sosyalin nito. Samantalang si Twice naman na simple lang ang pananmit at laging nakatali ang buhok. Mahinhin din ito kumpara kay Isa.
"Anak," Lumapit ang Mama ni Maj at hinalikan ito sa pisngi.
"Anong ginagawa niyong lahat dito?" Pagtataka ni Maj. Nandito rin ang Tita Juls niya. Sa ngayon may apat siyang kasamang babae na halos magkakamukha.
"Malapit lang ang bahay mo sa airport kaya pinuntahan ka na namin. Kain tayo sa labas."
Kala ni Maj makakapagpahinga na siya. Hindi pala.
Buong gabing kinukulit siya ng pamilya nito tungkol kay Emer. Ilang beses niya na tinatanggi na girlfriend niya si Emer kaso lang walang naniniwala sa kaniya. Sino ba naman maniniwala kung madatnan kayo sa ganoong posisyon, diba?
Minumura ni Maj si Emer sa isipan niya. Hindi niya akalaing magiging pahirap sa buhay ang babaeng yun.
"Basta, bring her! Gagawin ko siyang bridesmaid kaya bawal tumanggi." Yan ang huling habilin ng kapatid niyang si Twice kay Maj.
Ngayon, kailangan na talaga niya si Emer.
<3
Nagpunta siya sa company niya para hanapin ang resume ni Emer. Hinalungkat niya sa Database Room ang resume nito para malaman ang contact number at address nito.
Nagtagumpay si Maj. Kaagad niyang tinawagan si Emer.
Isa, dalawa, tatlo, apat, limang ring pero walang sumasagot.
"Sht!" Wala siyang choice kundi puntahan ang lugar nito.
<3
Nakatira si Emer sa isang condominum. Hindi inaasahan iyon ni Maj. Kung ibabase sa personalidad ni Emer, maiisip mong nakatira ito sa isang dorm house na pangbabae.
Walang nakabantay sa reception area kaya nagpatuloy si Maj na umakyat sa elevator at pinindot ang 11 button. Pagkababa niya, napansin niyang nakakatakot ang hallway. Madilim at mukhang naluluma na ang pintura sa pader.
Umiling si Maj. Binabawi niya na ang iniisip niya kanina. Mukhang bagay ang lugar na ito sa kaniya. Sa labas kala mo pangmayaman ngunit ang loob ay parang hunted building.
Nakarating na siya sa tapat ng room 1101. Yun ang unit na nakalagay sa resume ni Emer. Kumatok siya ng makailang beses pero walang sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob. Bukas ito.
Sumilpim muna siya hanggang sa buksan niya ng malaki ang pinto. Madilim ang loob pero may naririnig siyang umaagos na tubig at kaluskos.
"Emer?" Tawag ni Maj. Walang sumagot pero may nakita siyang umiilaw na mata at nanlilisik!
Napaatras si Maj ng makita sa liwanag ang nakatingin sa kaniya. Umungol, tumahol ito at balak na sugurin siya.
Napasigaw si Maj sa takot. Isang wolf ang balak siyang lapain!