ROLE 20: Telebabad

1473 Words
ROLE 20: Telebabad From pissed off to feeling bad. Yan ang bumabagabag kay Maj buong gabi. Hindi siya makatulog dahil sa sinabi niya kay Emer na kinagalit nito sa kaniya. Gusto lang naman niya malaman ang tungkol kay Anthony. Una pa lang niya nakita ang lalaking yun binibigyan na siya nang masamang tingin. Tapos noong nagkamay sila halos baliin na nito ang buto ni Maj sa kamay. Nagkahinala na siya noon na may mali. Hindi naman magkakaganoon ang isang lalake sa boyfriend ng kaibigan niyang babae unless parang kapatid na niya ang turing o may gusto ito rito. Napaisip pa ng malalim si Maj. Bago siya dumating sa sine, umiiyak si Emer tapos nagpaalam itong mag CR noong umalis si Anthony. Inabot din si Emer ng ilang minuto. Napaisip din siya na walang maraming tao sa banyo pag kalagitnaan ng palabas. Kung tama ang hinala niya, nag-usap yung dalawa. Mas naging solid pa ang pagtataka niya ng bigla na lang nagwala si Anthony at sinagot ni Emer na kinalungkot ng itsura ng lalake. "Kung si Anthony at si Emer... Pano si Clary?" Napapasalita pa siya mag-isa. "Urgh!" Tinabunan niya ang unan ang ulo niya para makatulog. "Wala ka na paki kung anong meron sa kanila." Pinilit niyang pumikit at makatulog pero paulit-ulit sa kaniya ang reaksyon ni Emer. Galit ito sa kaniya. Makailang oras na pabalingbaling siya sa higaan, nadesisyon na siyang bumangon. Alas singko na rin kasi ng umaga. Hindi siya sigurado kung nakatulog ba siya. Ang sigurado niya lang, bangag na bangang siya. Humarap na lang siya sa desktop niya para magpalipas oras. Binuksan niya ang f*******: niya. Kaunti lang ang notification kasi bihira lang naman siya mag-sss. Hindi niya hilig ang mag post ng tungkol sa mga latest happenings niya sa buhay. Una niyang tiningnan ang dalawang friend request. Puro sa mga bagong trainee ng MJ. Wala siyang message kaya yung notification na niya ang tiningnan niya. Kyra Sandico accepted you as a friend. Yun ang nakakuha ng atensyon niya. Napangiti siya ng maalala noong i-add niya si Kyra dati. Tiningnan niya ang profile nito at kaagad na nakita ang latest post picture nito na kasama ang inaanak ni Maj na si Alice at ang matalik nakaibigang niyang si Nico. Mukhang masayang masaya ang mga ito. Naisipan niyang tawagan si Nico. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-usap. Yung huli ay nanghihingi siya ng tulong kung anong magandang ibigay sa isang babae para patawarin siya. "Hello?" Parang kakagising lang nito. "Nico, si Maj 'to." "Do you know what time is it here in California? One in the moring. One! I'm tired. I work for twenty hours. I need sleep. This got to be important." Narinig ni Maj ang lintanya ng kaibigan nito na busy sa kaniyang pag-aaral at intern sa Hollywood. "Uhm, ang totoo niyan, gusto lang kitang kamustahin." "Kung si Kyra ang tumatawag sa akin matutuwa pa ako." Ungol nito. Hiwalay sila ngayon dahil sa nasa California state ang school at trabaho ni Nico samantalang nasa Seattle, Washington naman ang trabaho ni Kyra bilang CEO ng isang maritime trading company na pag-aari ng mga Sandico. "Alright! Matulog ka na." "Wait, wag na. Gising na ako. Anong gusto mo pag-usapan. Dude, para tayong magsyotang nagtatawagan sa gabi." Natawa si Maj. "Dude, five na ng umaga dito." "Well, it feels the same. So talk. What do you want from me? You want to talk lovey dovey?" "Tigilan mo ako, Nico. Ikaw ang magkwento kung kamusta na ang Hollywood." Kwento naman ng kwento si Nico tungkol sa mga experience niya habang nagmu-multi-tasking si Maj na makinig at nagse-search sa internet ng f*******: account ni Emer. Basta na lang tinaype niya ng hindi nag-iisip ang pangalan ni Emer. Walang lumabas na Emer Bernalez o kaya Emer London Bernalez pero maraming Bernalez ang lumalabas. EL Bernz Sinubukan niya yun i-click. Doon lumabas yung picture ni Emer. f*******: account na yun ni Emer. "...si Mama?" Tanong ni Nico. "Nakausap ko si Tita Helen. Ayos naman daw siya." Sagot niya habang tinitingnan ang mga wall post ni Emer. Buti na lang at hindi naka-private. There's a rainbow always after the rain, a sun after long night and a spring after cold winter. There's hope for those who look forward for AFTER. Yun ang latest post niya. May mga selfie picture na nakalagay: Off to work; soon to be a Star; Forever luck. Tapos yung isa parang pupunta siya sa club party sa suot niya. Naka-black dress na kitang kita ang cleavage niya na may caption: I'll prove you that I'm worth it. "Worth para kay Anthony?" Tumingin tingin pa siya ng picture. Walang couple picture bukod sa mga friendly picture kasama yung ibang mga lalaki. Marami puro group at karaniwan nandoon si Clary at tatlo pang babae. Wala siyang post ng family ang kasama pero may post na-- "Nakikinig ka pa ba Maj? Seryoso, kung tatawag ka at hindi makikinig ilalapag ko na." "Nakikinig ako. Oo, tatawagan ko si Alice para hindi niya makalimutan ang ninong niya." Huminga ng malalim si Nico. "Thanks, man. Pero, may problema ka ba? Wag mong sasabihing wala. May kutob na akong meron kang problema." "Wala naman... Fvk!" Na-distract siya ng makakita ng nude sketch ni Emer. Nakalagay pa sa caption na: Thanks Melvin for believing that my body could be a model. I'll be naked in front of you anytime you want. "Hoy, Maj, nababaliw ka na ba? Minumura mo na ako?" "N-no.. Uhm.." "Magsasalita ka ng maayos o ano?" "It's about a girl." "Did I heard that right? We're talking about a girl right now? Man, is this for real? And a girl? You mean, you like teenager?" "Ang dami mong tanong. Kung hindi mo noon gusto si Kyra baka nagkwento rin ako tungkol sa babae." Napapailing si Maj habang nakatitig pa rin sa sketch. Nahindik naman siya sa ginagawa niyang pagtitig kaya nilipat na lang niya sa ibang picture. Naka-school uniform si Emer. "Tss.. Pero sinong 'girl' ito?" "She's not a teenager like what you're thinking. And I don't like her as in like her." "Wow! Para tayong mga babaeng nagkukwentuhan ng tungkol sa mga crush nila." "It was your idea." "But you called me and I know you have a problem but a 'girl'.." "Okay, hindi siya girl. Twenty-three years old technically she's a 'girl' but I'll call her a 'lady' for you para hindi mo na pag-isipang child abuse ako." "So sino siya?" "My girlfriend." "GIRLFRIEND?" "Wag kang OA dyan." "Girlfriend? Seryoso? Ilang araw lang ako nawala may girlfriend ka na? Dahil ba inagaw ko sayo si Kyra kaya naging player ka na?" "Minsan hindi ko alam kung anong ginawa ni Kyra sa kaibigan ko para maging ganito ka-OA." Sarkastikong sabi ni Maj sa kaibigan sa kabilang linya. "Dude, kilala kita. Gusto mo ng seryosohan. Sabi mo pa nga sa akin noon, you're not looking for a someone for a shot period of time but for a lifetime. Gusto mo ng asawa! So, itong girlfriend mo bang ito pang habangbuhay na? Sandali, kaya ka ba may tinatanong na kung anong magandang peace offering sa babae pag nag-away kayo kasi nag-away kayo ng babae mo?" "Ang dami mong sinabi. Alin ba doon ang sasagutin ko?" "Lahat." Huminga siya ng malalim. "Hindi ito panghabang buhay. Naging kami lang dahil.. Parang in relationship with benefit." "You're fvking here?" "No!" Sumasakit ang ulo niya sa kaibigan. Dati naman kasi hindi na niya kailangang ikwento ang pangyayari sa buhay niya dahil madalas naman silang magkasama pero ngayong nasa kabilang dako ng mundo iyong si Nico, mukhang mahihirapan siyang magkwento. "Not that." Sinimulan na niyang i-explain ang meron sa kanila ni Emer. Simula noong audition hanggang sa ngayon. May mga opinion at tanong si Nico habang nagkukwento si Maj. "I though I figured her out but then she'll do outragious thing and I just don't.." Ilang segundo rin bago nakasagot si Nico. "She's smart, sexy and beautiful than Kyra?" Hindi makapaniwala si Maj sa tanong ng kaibigan. Si Emer ang pinag-uusapan nila pero hindi nawawala lagi si Kyra sa mga sinasabi ni Nico. "No offense, but yes." "Than go for her!" "Huh?" Nagtataka si Maj sa sinabi ng kaibigan. "Inaasahan kong sasagot ka, as a gentleman and as a good friend, na si Kyra ang mas matalino, sexy at maganda pero sinabi mo pa rin na yang girlfriend mo na hindi ko pa nakikilala ang mas lamang. Tinamaan ka na dude." "Gusto ko siya pero hindi ako tinamaan." "Indenial stage. Ayus lang yan." "Ewan ko sayo. Mas lalo lang akong naguluhan ng kausapin kita." "Tapos ka nang magbigay ng advise sa akin. Panahon ko na para ikaw naman ang bigyan ko. Wag mo nang papakawalan yang lady mo. Bye!" Aangal pa sana si Maj kaso lang binabaan na siya nito. Napatitig na lang siya sa DP ni Emer at napabulong "Wag kang pakakawalan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD