ROLE 21: Drunkard Wag siyang pakakawalan? Hindi siya sigurado dyan. Wala nga siyang nararamdamang mas malalim pa kay Emer. Sabihin na nating masaya kasama pero makulit, may pagka-flirt, ma-pride at mayabang. Halos puro negative na katangian ang alam niya sa babae; mga katangian na hindi niya hinahanap sa isang babae. Pero dahil din sa mga katangian na yun, gusto niyang mas makilala pa si Emer. Bakit siya ganun? Gusto niyang alamin. Friend. Yun ang turing niya kay Emer. Wala siyang masyadong maraming kaibigan at tangging si Nico lang talaga ang pinakamalapit sa kaniya. Alam niya ang bawat ditalye ng buhay ni Nico. Ngayong may bago siyang kaibigan, marahil ay gusto rin niya na makilala ito ng lubusan. Tama, yun ang nararamdaman niya para kay Emer kaya nagu-guilty siyang inaway ito. Pinun