SIMULA
"Ako na kasi dyan, Kuya Zach!"
Pinag mamasdan ko ang kapatid ko na nakikipag agawan kay Zach Montenegro na pinsan namin. Pinag tatawanan naman sya ni Zero at kuya Zoren dahil talaga pikon sya. Tumingin ako sa libro ko at nag basa nalang ulit.
"ATE AYA!"
Tumingin ako dito at ngumiti, ang ganda ng kulay ng mata nya. Kulay chocolate habang ako naman ay kulay Asul, ako lang naiiba saming mag kakapatid. Ang bunso naman ay nasa highschool pala habang si Ayen naman ay nasa First year college palang.
Kami ni Zero ay Third year, he taking Business coarse at ako naman ay isang fashion designer na. Ako lang ang walang hilig sa business at sa di ko malaman na dahilan kakaiba ako sa pamilya na to. Hindi naman ako pinapagalitan ni Mommy dahil dun. She loves me so much and she never doubt about my passion.
"Kuya Zoren, Why are you here?"
Umupo sya sa tabi ko at umiling lang. Tumingin ako kay Zero na kanina pa pala nakatingin sakin. Ngumiti din ako sa kanya at pinakita ko ang bigay na libro nyang pinapabasa samin.
"AYA LEI MONTENEGRO! PLEASE HELP ME THIS!"
Wala sa sarili kong natawa ako at tumayo. Pinalo ko ang kamay ni Zach dahil sa ginagawa nya at mabilis naman nyang binitawan ang panyo na kanina pa nilang pinag aagawan. "Ang damot damot talaga ng kapatid mo Ate Aya!"
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para iabot dito pero mabilis naman kinuha ni Zero yun at sa kanya pinunasan. Katatapos lang kasi ng Practice nila ng basketball kaya ayan, Walang baon si Zach.
"Akin yan Zero!" inis na sabi ni Zach.
"Eto iyo." Binigay ni Zero ang isang bimpo na dala nya.
"Bakit di nalang yung akin ang binigay mo kay Zach?" i asked. "Pareho lang naman yun." dugtong ko pa.
"Tama, pareho nga naman. Kaya wag ka na mag reklamo." I rolled my eyes to him
Pumunta sya sa likod para yakapin ako tulad ng ginagawa nya nung bata pa kami. Lagi sya sakin nag lalambing na para bang mommy nya ko. Sakin sya sobrang protective kaya walang lumalapit saking lalake dahil nakabakod sya sakin. Kaya hanggang ngayon, Wala pa kong boyfriend.
"Hoy! Kuya Zoren! I'm asking you huh? Why are you here?" tanong ko ulit dito.
"Malapit na birthday nya." Zero whispered.
Naamoy ko ang mabango nyang hininga. "Ohh! Kailan ba yun? I need to buy a gift for him!" mabilis na sagot ko kay Zero.
Bumitaw ito sakin at kumunot ang noo nya. "No. You don't have to." i rolled my eyes and i saw my friends na kumakaway sakin.
"My friends are here, so bye!"
I kissed his cheeks at sunod kay Kuya Zoren. "Don't kissed him nexttime!" rinig ko pang sabi nya pero di ko pinansin.
Umupo ko sa tabi ni Aning na tumatawa. "ARTE MO KASI FRIEND!"
"What is it?" i asked.
"Well, Crush ni Aning ang pinsan mong si Zero!" Nagulat ako at tumawa ng mahina dahil don.
"That's not true, Pres!"
"I don't like him for you, Aning. You deserve someone better." i rolled my eyes. "He's playboy baka mawarak ka lang." dugtong ko pa at napasimangot ito.
"Zach much better, mag kasing edad lang kayo. Kaso una kang gra graduate. He's 2nd year college."
Hindi naman playboy ang si Zach, actually, he's busy to protect Ayen. Sobrang bakod na bakod kami dito.
Mag kapatid ang daddy namin at daddt nila Zach kaya pareho kami ng lastname. And we're so very close to them, halos dun na nga tumira si Zero sa kwarto ko at ayaw na ayaw umuuwi sa kanila. Wala naman akong magagawa at kahit sila mommy dito. Pero pag si daddy na nagagalit wala na syang magagawa, Pero minsa nag papanggap ito ng tulog para hindi pauwiin ni dady.
"You're very close to Zero and his siblings." I nodded to Aning. "Kaya di ka nag kaka boyfriend kasi over protective si Zero sayo, Yung nag babalak palang e. Napapaantras na."
Ngumiti nalang ako at saka ulit binasa ang libro na binigay ni Zero sakin. Tumingin ako sa pwesto nila at nakita kong nakatitig to sakin.Isang titig na kakaiba pero di ko binigyan ng malisya dahil mag pinsan kami.
Nang uwian namin ay mabilis agad ako pinuntahan ni Zero para ihatid samin. Yun naman lagi nyang ginagawa sakin at kahit tumakas sya sa pratice ay wala syang pakielam dahil ako ang uunahin nya. I'm not his priority, he had a girlfriend then, flings na ang sumunod.
"Thank you, Zero." I kissed him on cheeks.
Pumasok na ko sa gate namin at tumuloy sa loob, Bumungad agad sakin ang kapatid kong may dalang speaker at naka jersey short and Tshirt . "Ayoko ng maging 4rth year ate, Puro sayaw!" irap nito.
Natawa ako dahil dun. He's not gay, Sadyang nahiligan nya lang pag may ayaw syang isang bagay. Pumasok na ko ng tuluyan sa loob at hinanap ng mata ko si mommy. Narinig ko ang boses nya sa kusina na agad kong pinuntahan.
"I'm home, Mom."
Tumingin sya sakin at hinalikan ako sa noo. "Mag palit ka na at mag meryenda."
"Opo." Magalang na sabi ko.
Umakyat ako sa taas at mabilis na pumasok sa kwarto kong kulay Blue ang pinto tulad ng kulay ng mata ko. Binaba ko ang bagpack ko sa gilid ng study table ko at ang sapatos ko naman ay nilagay ko sa likod ng pinto ko. Pumunta ako sa Cabinet kong blue at kumuha ng Short na black at kulay green na tshirt na may naka Print na never give up.
Pinusod ko ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso ako sa kusina kung san hinahanda ni mommy ang maraming meryenda.
"Mommy ako na."
Umalis to don at pinanood ako sa pag aayos at pag timpla ng Juice. Pati ang cookies na binake nya at cupcake. Kinuha ni Yaya sa tabi ko ang pitsel na may orange juice at dinala ko naman ang tray na may cookies at cupcake. "Mommy, You're tired. Rest na po." Ngumiti sya sakin.
"Ganda at nag bait ng anak ako." Napangiti ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisnge.
"Go na mommy, lagot nanaman kami ni daddy nito." Natawa sya sakin.
Sabay kami nag lakad palabas ng kusina, Pumunta sya sa hagdan ako naman ay palalabas. Pumunta agad ako sa garden kung san nag pra pratice ang kapatid ko kasama ang kaklase nya.
Napatingin ang mga kaklase sakin ni Aaron at ngumiti ako. Binaba ko sa tabi ng speaker ang binake ni mommy at umupo don. Tinignan ko sila at muka silang nahihiya sakin.
"Ate, Wala pa ba si Ayen?"
"She has a practice too." sagot ko dito.
"Where's kuya Zero?"
"I'm here young man."
Narinig ko ang bulungan ng mga babaeng ka group ng kapatid ko, Naririnig ko kung paano nila pag usapan ang ka gwapuhan ni Zero. Pumunta to sakin at hinalikan ako sa pisnge. "Ang bilis mo." mahinang sabi ko at ngumiti sakin.
"Mula kaninang One kami nag pra practice kaya maaga kami pinauwi." Napatango ako at tumayo. Binigay ko sa kanya ang kamay ko para tumayo dun at hinawakan nya ang bewang ko. Nag lakad kami papasok sa loob at dumiretso kami sa Kusina at kumuha ng meryendan namin.
"Where's tita Ailyn?"
"Kwarto. She's tired." sagot ko dito.
"Sayang ang sarap pa naman ng cupcake nya." Bigla ko syang binato ng cookies dahil dun. "Syempre mas masarap ang gawa mo."
"Ewan ko sayo." i joked.
"Hoy, joke lang." i rolled my eyes at dinikit nya ang katawan nya sakin.
Hinubad nya ang tshirt nya at niyakap ako mula sa gilid at naramdaman ko ang isang kuryenteng di ko inaasahan. Humiwalay sya sakin at tumingin ito sakin. "Naramdaman mo?" Mabilis na tanong nya.
"Ang alin?" inosenteng sabi ko pero umiling sya.
Sinubuan ko sya ng cupcake, at uminom ng maraming orange juice.
Nang nabusog kami ay napag pasyahan namin na pumunta sa sala para manood ng Tv. Mag katabi kami sa isang mahabang sofa habang naka hilig ang ulo nya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pag hinga nya don na nag bibigay sakin ng milyong milyong kuryente sa katawan.
"Samahan mo kong bumili ng regalo kay Kuya Zoren ah?" Tumingin ako sa kanya at nag tama ang ilong naming dalawa.
"Wag ka na mag regalo, ako na bahala sa regalo nating dalawa." Napanguso ako at tumingin ulit sa harapan at pinag patuloy ang panonood.
Nakadalawang palabas kami ng pumasok sila Aaron kasama ang kaklase nya, Kinuha nila ang bag nila at nag paalam samin na uuwi. Nang tumingin ako kay Zero ay nakapikit na to at malalim ang pag hinga. Nakita ko din na papadilim na mula sa labas kaya naman pinalo ko ang pisnge nito.
"Hmmmm."
"Zero, Pumanik ka na sa kwarto ko kung inaantok ka na."
Unti unti dumilat ang mata nya at tumango. Hinalikan pa ko sa pisnge bago tumayo at umakyat sa taas. Pinag patuloy ko ang panonood ko at ng bandang ala syete at dumating na si Daddy at tumayo ako. Hinalikan ko sya sa pisnge at umakyat sya sa kwarto.
Mga sampong minuto bago sila bumaba ni mama at sakto naman ang pag uwi ni Ayen. Sunod ng pumasok si Aaron na pawis na pawis. "Mag palit na kayong dalawa, para makakain na."
Sumunod ako kay mommy at daddy na papunta sa kusina at umupo sa mahabang mesa."Asan si Zero? Wala ata sya." sabay nitong tanong.
"Asa room ko. Tulog dahil pagod na pagod sa pratice." sagot ko sa kanila.
Inayos na ni mommy ang hapag at bumaba na ang dalawa. "Gisingin mo si Zero at pababain mo. Kailangan kumain." Napatango ako sa sinabi ni mommy.
Nang lumabas ako ng kusina ay pumasok ang dalawa. Mabilis akong umakyat at pumasok agad sa kwarto ko. Lumapit ako kay Zero at mahinang sinampal para magising.
"Zero, Let's go! You need to eat."
"Sweet heart, I'm so sleepy." Hinila nya ko at mabilis nya niyakap.
"Magagalit nga si daddy." sagot ko dito.
Inamoy amoy nito ang batok ko habang ang kamay nya naman ay nakapalupot sa tyan ko. "Sweethear, five minutes."
Hindi na ko gumalaw at hinayaan sya. "Ate, sabi ni daddy bumaba na daw kayo."
Mabilis tumayo si Zero dahil don. Tumayo na din ako at hinila sya papalabas ng kwarto at hinila pababa ng hagdan. Hanggang sa mapunta kami sa kusina at nag salita si Daddy.
"Kumain na tayo."
Nauna akong umupo sa tabi Ayen at sa tabi ko naman umupo si Zero.
Nag simula na ko mag sandok at ramdaman ko ang paninitig ni daddy saming dalawa ni Zero. tumingin ako sa kanya at mabilis syang umiwas. Hindi ko na pinansin ang muling tingin nito at tinapos ko nalang ang pag kain ko.
"Ikaw ba Zero ay dito na balak tumira?" natawa ako sa sinabi ni daddy.
"Tito, Dito na ko nasanay. Pag uuwi ako luto agad ni tita ang pumapasok sa utak." Napanguso ako sa kasinungalingan nya.
"Napaka bolero mo, manang mana ka sa ama mo." sagot ni mommy dito habang natatawa.
"Ikaw ba Aya ay walang balak na mag boyfriend? 3rd year college ka na tapos wala ka bang dinadala na lalake dito." sasagot na sana ako pero agad akong inunahan ni ZEro.
"Tito, She's not ready. Saka mas inuuna nya pangarap nya."
No, that's not true!
Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya sakin. I rolled my eyes to him at nag salita. "No dad! He's over protective! Lahat hinaharang nya." pag susumbong ko at nakita ko ang kunot na noo.
"Normal lang, dahil favorite pinsan kita."
Don umayos ang muka ni dady. Parang may kakaiba.
~