Chapter 1

2148 Words
Jealous "Hindi ko aakalain na sobrang dali ng quiz once na mag review ka." "Kaya dapat ipag patuloy nyo yan, hindi yung puro kayo lalake." Aning rolled her eyes. "That's true, Aning! Puro ka kasi Zero! Kaya madalas score mo Zero." Natawa naman kaming dalawa ni Pres dahil don. Ngumuso si Aning samin pero bakas sa maputi nyang pisnge na namumula sya. "Pag naging kami ni Zero, Who you kayo sakin!" Umupo kaming tatlo sa apatan na upuan dito sa cafeteria. Nag tabi silang dalawa at nilabas ko ang notebook ko para sa susunod na subject. Habang nag kwe kwentuhan sila tungkol sa gwapo ay ako naman ay nag babasa. Mahilig mag pa suprise quiz ang prof naman sa susunod sa subject kaya kailangan mag handa. Meron pa naman kalahating oras para mag basa ng mag basa, ayokong ma zero tulad nila. And i never had zero in my whole life.  "Walang quiz mamaya, wag kang mag basa ng notes." napatingin ako kay Aning na nakanguso nanaman.  I admit she's pretty, bagay na bagay sa kanya ang uniform naming puting blouse at kulay black na fitted skirt. "Mahilig sa suprise ang prof natin. Kailangan ko."  sagot ko sa kanya at binalik ko ang tingin sa notebook ko.  "Zero!"  Napatingin ako sa babaeng tumawag ng pangalan ng pinsan ko. Ngumiti si Zero dito habang nasa likod nya ang mga ka team mate nya. Inikot nya ang tingin nya sa buong cafeteria hanggang sa tumama ang mata nya sakin. Lalong lumapat ang ngiti ng namataan ako at mabilis syang nag lakad patungo sakin. "AY PUTANGNA BES! SI ZERO YAN." Rinig kong sabi ni Aning. "Gago, wag kang maingay. Si Aya pupuntahan nyan." Mabilis akong hinalikan ni Zero sa noo ng makalapit sya sakin. Binigay nya sakin ang bimpong hawak nya at nag salita. "Wipe my sweat, Sweetheart." Sinarado ko ang notebook ko at syang ginawa ko ang pinapagawa nya. Mula sa noo hanggang sa leeg at punas ko. Pinatikod ko pa sya sakin para mapunasan mabuti ang likod nya. Humarap sya sakin at pinaasog nya ko sa gilid ko. Mabilis naman syang umupo sa tabi ko at nararamdaman ko parin na namamawis sya. "One nanaman ulit ang simula ng practice nyo? Tatlong araw na yan ah?" takang tanong ko. "Malapit na foundation, Sweetheart." sagot nya sakin at tumango ako. Dinaldal nila Aning at Pres ang pinsan ko habang patuloy parin ako ang sa pag babasa. Mamaya maya at pinulupot ni Zero ang kamay nya sa bewang ko habang nakikipag usap dito. Nilapit nya ang ulo nya sa balikat ko at nakaramdam nanaman ako ng bilyong bilyong boltahe ng kuryente.  "I'm thirsty." he whispered. Mabilis ko kinuha ang water ko na baon ko at binigay sa kanya. Mabilis naman nya kinuha sakin yun at ininom. Pinunasan ko ulit ang pawis nya sa noo habang iniinom nya ang tubig ko na baon ko. "Kumain ka na ba?" "Yup, baka magalit ka nanaman." Pinisil ko ang pisnge nya at narinig ko ang pag tikhim ng dalawa kong kaibigan. "May pasok na tayo." malambing na sabi ni Aning. Kaya naman tumingin ako sa relo ko na bigay ni Zero at nanlaki ang mata ko! "We're late!"  "Yeah."  Inayos ko ang gamit ko at tinulangan ako ni Zero sa gamit ko at tumayo sya. Inayos nya to at kinabit sa likod ko. "Bye! See you later!" i kissed him on cheeks at nag madali na ko nag lakad. Malapit na kami sa room namin pero agad nag salita si Aning. "Kung di ko lang alam na mag pinsan kayo, Iisipin kong mag jowa kayo." Napahinto ako at tumingin sa kanya.  "He's over protective." sagot ko kay Aning. Inaalis ko sa isipan ang sinasabi nila at nakikita nila, kahit sa sarili ko nag kakaroon ng malisya at ginagawa namin ni Zero at sana sa kanya wala, dahil hindi pwede. "Pero di naman sa lahat oras diba?" Pres' said. "Well, i don't know. Wala naman lumalapit saking lalake for taking me a date." "Because of Zero." sabay pa nilang sagot. Napabuntong hininga ako at naunang pumasok sa room, Umupo kami sa pinakagitna at sakto naman dumating na ang prof namin. Pero wala sa utak ko ang dinidiscuss ng prof ko kundi nandun sa kakaibang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Zero. Natapos ang klase namin na wala akong naiintindihan. Sa pag labas ko ng room ay agad nag vibrate ang bag ko na na ibig sabihin ay may nag text. Huminto muna ako saglit para kunin yun at nakita ko ang pangalan ni Zero dito. "Pumunta ka ng Gym. Watch me, please." Hindi ako nag reply at binalik ko to sa loob. Tumingin ako kay Aning at Press na nag lalakad na papunta sakin. "Asan sundo mo?  "Gym, Manonood ako ng pratice." sagot ko sa kanya. "Oh! Sige, Kita nalang tayo bukas ah." Tumango ako at nauna silang dalawa na nag lakad. Nag lakad na din ako papunta sa hagdan. Nang makarating ako sa Gym ay maraming napapatingin sakin, syempre. Isa akong montenegro na sikat dito sa Nueva Ecija, Sikat kami dahil malawak ang lupain na hawak ng magulang namin. Hinanap ng mata ko si Zero at nakita ko syang may kausap na babae sa gawing upuan nya.  Hindi muna ako pumunta don at inikot ko ulit ang buong paligid, Madalang lang kasi ako nag pupunta dito dahil pinag babawalan ako ni Zero, ayaw na ayaw nyang pumupunta ako sa mga ganitong lugar kung san maraming lalake. Halos lahat nakakagalit nya dahil sakin at sa mga gustong lumapit sakin. "Oh my G! Mag lalaban ang University natin at ang kabila ngayon! Pero pratice game lang daw!" tumingin ako sa mga babaeng mukang excited sa laban. Kaya pala ako pinapunta dahil dadayo ang kabila dito for practice game.  "They here!" Tumingin ako sa entrance ng Gym at don nakita ko ang mga naka kulay green na kabilang team. Pinag masdan ko ang mga makakalaban ng pinsan ko at lahat sila halos matatangkad pero mas matangkad ng bahagya si Zero sa kanila. Si Zach ang kasing tangkad nila kung tutuusin. "Lei." Narinig ko ang boses ni Zero mula sa likuran ko at ngumiti ako sa kanya. Lumapit sya sakin at kinuha ang gamit ko, Hinawakan nya ko sa bewang at nag lakad kami papunta sa bleacher nila at sa gilid ng bleacher na yon ay nandon ang mga Pep squad ng University namin. Suot suot nila ang dati nilang Uniform na halos lumitaw na ang kanilang kinatagong tago na ano. "Ate!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ayen na nakangit at tumakbo agad papunta sakin. "Ayen Pandak!" rinig kong sigaw ni Zach. "They here again." Zero whispered. "Sila makakalaban mo?" i asked. Umupo ako sa bleacher at kinuha nya ang jacket nya para ipatong sa hita ko. "Yes."  Umupo sya sa tabi ko at tinignan ko ang mga makakalaban nila Zero at Zach. Tumabi sa gilid ko si Ayen at nag salita. "Matatalo sila Zach! Daming gwapo e." natatawang sabi nya sa gilid ko. "Mas gwapo naman kami." sabay pang sabi ni Zero at Zach. "Mas gwapo pinsan natin." natatawang sabi ko sa kanya at muli kong binalik ang tingin sa kabilang bleacher na nag uusap. Inisa isa ko silang lahat hanggang sa mapadpad ang mata ko sa number 6 na nakalagay na Arroyo sa likod. Tumama ang tingin naming dalawa at napaawang ang labi nya. Pero namuo ang ngiti sa kanyang labi at ngumiti lang din ako. "Sweetheart." Tumingin ako kay Zero. Seryoso itong nakatingin sakin at nilagay nya ang ulo nya sa balikat ko. "Wag kang tumingin sa kanila, I'm jealous." Mabilis na nag wala ang nasa kaliwang dibdib ko dahil sa sinabi nya. Para bang may mga paro paro na lumilipad dahil lang sa salitang 'I'm jealous'. Binaba ko ang tingin ko dahil sa ginawa nya, Pinulupot nya ang kanyang kamay sa bewang ko at parang lalong nag wala ang paru paro sa loob ng tyan ko. Huminga ako ng malalim at halos ngayon ko lang narinig ang asaran ni Ayen at Zach. "Hindi ka pwedeng mag boyfriend hanggang di ka tapos ng college, Ayen." malakas na sabi ni Zach dito at talagang pinaririnig nya sa buong paligid. "Oh! Zach, wala kang alam."  "Sumbong kita kay tita!" pananakot ni Zach dito pero mukang walang pakielam dito si Ayen.  "Zach, Ayen is already 18. So, let her na." sabat ko sa dalawa. "See? Ate is on my side." pag mamayabang nito. "No, Ate Aya. Hindi pwede, papayagan ko lang sya pag tapos na sya  ng pag aaral." sagot pa nito sakin. "He's right, sweetheart. She needs finish her study." napanguso ako dahil dun. "And you too."  "Kaya single tayo ate e." natawa nalang kaming dalawa ni Ayen. Maya maya ay tumayo na ang dalawa sa gilid namin at pumwesto na. Tiniginan ko si Zero habang tumatalon talon at pumunta sa gitna. Sumunod naman sila Zach dito, tumingin ako sa limang kalaban nila na nasa loob din. Nag simula na ang Jumpball at nakuha ni Zach ang bola, mabilis itong pumunta sa base nila at don naman nakaabang ang isang ka teammate nila at pinasan ni Zach don. Nakakuha agad sila ng two points at nag simula ng mag sigawan ang mga nanonood. Hindi ko maiwasan mapatayo parin panoorin si Zero, napapalakpak ako pag naka shoot to at hindi naman sya pwedeng hindi titingin sa kin pag nakaka score sya. Lumamang sila sa first quarter ng tatlo, aminado na mahirap talunin ang kalaban nila at puro sila pa ni Zach at gumagawa ng score.  Inabutan ko agad ng tubig si Zero at hinila ako papaupo sa bleacher, Kinuha ko ang bag nya at kumuha ng bimpo para punasan ang pawis na tumutulo sa muka nya. Nagulat ako ng bigla syang nag lean sakin at napatitig ako sa muka nya na kahit pawisan ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nya kundi dumagdag pa. Napatingin ako sa hita ko na ngayon ay inaayos nya ang jacket nya don. "I hate your skirt, too short."  Napahawak nanaman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis nanaman ang t***k nito. Umayos na sya at tumingin nalang ako sa ka teammate nya na umiinom. Maya maya ay tinawag nanaman sila. Tumayo ulit ako para maaninag syang mabuti habang nag lalaro ng basketball, bawat shoot nya ay napapangiti ako at napapatingin sya sakin. Halos mag sigawan ang mga nasa sa likod ko dahil dun. "Hanggang 2nd quarter lang ang laban sabi nila." "Practice game lang e." Tumingin ako sa nag uusap sa gilid ko na member ng pep squad at napansin ko eto din ang babaeng tumawag kay zero kanina caf. Ngumiti sakin at ngumiti din ako. Natapos ang laban at nanalo ang team nila zero. Bumalik ako sa kinauupuan ko at binalik ang jacket sa hita ko. Nag si lapitan ang mga pep squad sa team nila zero, Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis pero mas pinili kong wag pansinin dahil wala naman silang ginagawa sakin. Napatingin ako kay Zero na kausap ang babae kanina na tumawag sa kanya sa caf. Nag tatawanan sila habang mahinang hinihimas nito ang braso ni Zero. Iniwas ko agad ang tingin ko at tumingin sa kabilang team na papunta ngayon sa pwesto nila Zero. I'm not close with his team dahil hindi naman nya ko pinapaunta dito at pina kakausap sa team nya. Ayaw na ayaw nyang may nakakausap akong lalake at sinusunod ko naman sya, dahil kung hindi ko sya susundin ay mag sisimula ang away sa pagitan namin. "Hi." Tumingin ako sa lalakeng nasa harapan ko, Number 6. Arroyo, Ngumiti ako sa kanya."Hi din."  Nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ko at tinitigan ako, napaayos ako ng upo dahil dun pero di parin mawala ang ngiti sa labi nya. "Hi Klevin Arroyo." Tinignan ko ang kamay nya at nag dadalawang isip tong tanggapin. "Hi Aya Montenegro." sagot ko sa kanya at tinanggap ang kamay nya. Ngayon lang, Ngayon lang sa buong buhay ko na may nag pakilala saking lalake. Di ko maiwasan mapangiti at iba ang pakiramdam ko na parang ang saya ko dahil sa wakas may nakipag kilala din sakin. "So, Can w---" "Lei."  Tumingin ako kay Zero at ngumiti, madilim ang tingin nito ng tinignan si Klevin na nasa harapan ko. "Montenegro." Bati nya dito at tumayo.  "Arroyo." malamig na sambit nito. Lumapit sya sakin at kinuha ang bag nya kasama ang bag ko. "Let's go home." Hindi naman na ko makatanggi at hinila na nya ko. Tumingin ako kay Klevin at ngumiti, nakita ko din ang ngiti sa labi nya at tumingin na ko sa daan. Tinignan ko sya at nakita kong madilim ang tingin nya, hindi na ko nag salita at hanggang sa Parking lot ay ramdam ko ang itim na awra na nakapaligid sa katawan nya. Huminga ako ng malalim at sumakay sa kabilang pinto ng sasakyan nya. Tahimik sya nag maneho at ako naman ay sa bintana lang nakatingin. Walang nag salita samin hanggang sa nakarating kami sa bahay, pinag buksan kami ng gate ng dalawang guard at pinasok nya ang kotse. Nang maiparada nya naang kotse ay bubuksan ko na sana ang pinto sa gilid ko pero di ko mabuksan. "Zero." mahinang tawag ko. "Lei." tumingin sya sakin. "I'm jealous." Kumabog ang dibdib ko dahil sa salitang yon. "You're my favorite cousin, Zero. Don't be jealous." nakangiting sabi ko. "No, Lei. I'm jealous in different way." Hinihintay ko ang tawa nya na nag sisilbing joke pero wala. He's serious. "W-we're cousin, Zero." ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD