"Tatlong araw na sila nag sasabay mag lunch ah?" Niyuko ko ang ulo ko dahil don. Alam ko naman ang tinutukoy nila, kalat nanaman ang kay Cynthia at Zero. Wala naman akong magagawa dahil ginusto ko, hindi kami pwede. Ako ang mag dusa dahil ako ang umayaw. "Ipakita mo din sa kanya na kaya mong wala sya!" inis na sabi ni Aning. "S-sana ganon lang kadali." Yung araw na yun, yun din ang huling pag uusap namin ni Zero. Hindi nya na ko sinusundo, hindi na din sya pumupunta sa bahay after that day. Ako naman para akong tangang gusto syang makita pero pag nakikita ko na sya, umaantras ako. Wala kaming laban sa pamilya namin kung sakaling malaman nila, Siguro naman matutunan nya din mahalin si Cynthia. "Lapit na midterm, Monday na." hirap na sabi ni Press. "Well, punta nalang kayo samin! Let's