"So, Arisy? How are you, it's been six or seven years?" "M-Maayos naman po." magalang na sagot ko sa mama nila na si Delilah. "Pero di 'yon nakikita ko? You're welcome here, don't worry." huminga ako ng malalim at ngumiti lang ng tipid at mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa anak ko na kumakain lang sa tabi ko. "Chase, tumatapon ang pag kain." "Sorry, Mommy. Mataas po kasi ang mesa kaya di ko masyadong maayos ang pag kain ko." sagot nito sakin. "Let me. Kumain ka na." Tumango ako kay Chance at mabilis kong tinuon ang aking paningin sa pag kain ko. Kumain lang ako ng tahimik habang sila ay nag uusap sa iba't ibang bagay. "Ninang, diba paborito mo 'to?" Mabilis nalipat ang atensyon ko kay Raj na nakangiti. Nilagyan n'ya ng paborito kong ulam ang aking plato at ngumiti sakin. "Masar