Chapter 6

2287 Words

"Mommy ni Chase!" May mabilis na yumakap sa binti ko at natawa ako ng mahina. Binuhat ko sya at hinalikan sa pisnge. "Ang ganda ganda mo talaga." "Ikaw din, maganda." nakangiting sabi ko sa kanya at bigla naman syang ngumiti at hinigpitan ang yakap sakin. "Sabi ni Chase, papakasalan n'ya daw ako pag laki ko." nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Ano pangalan mo?" tanong ko dito. "Violet po." Binaba ko na ang bata at inayos ang buhok nito na kumakapit sa pisnge. Huminga ako ng malalim at tinignan ko s'ya ng mabuti. "Ayaw n'yo po ba ako para kay Chasee?" mabilis akong umiling. "Masyado pa kayong bata para isipin 'yan." Nakangiting sabi ko at ngumuso sya. "Poging Chase!" Mabilis akong umayos ng tayo at tumingin sa anak ko na hawak hawak ni Chance sa kamay. Nang tumingin ako kay Chance

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD