12: HER SECRETARY

1035 Words
I was quite nervous seeing or communicating with her after the kiss we shared last night yet she completely acted that nothing happen. Kinabukasan tinawagan niya ako tungkol sa plano niya sa susunod naming date. Kung maaari lang daw na agahan namin. Somewhere this week kasi marami raw siyang gagawin sa susunod na linggo. Pumayag ako kahit na kailangan ko pang ihanda ang sarili ko bago bumalik sa lugar na iyon. Pumayag ako para kay Star. "Great! See you on Wednesday." Sabi niya. Pagkababa niya ng tawag tumunog naman uli ang cellphone ko. Number lang ang lumabas sa screen ko kaya pormal kong sinagot ang tawag. "This is Jason, Aster Azurin's secretary." Sabi ng nasa kabilang linya. Nang marinig ko kung sino siya kaagad na nag-iba ang timpla ko. Ayoko talaga sa secretary ni Star. May kung ano kasi sa kaniya. Naiinis din ako sa paraan ng pagtingin niya kay Star. Tapos lagi pa itong tumatawag sa cellphone. Naaalala ko noong may double date kami tawag siya ng tawag. Ayoko mang makialam pero nasilip kong nag-reply si Aster sa kaniya tungkol sa iinumin. Mamaya na lang daw siya iinom. Nakakainis lang kasi naiisip ko na baka may relasyon nga silang dalawa para pag-usapan ang iinumin ni Aster. It was intimate if you'd ask me. "Why did you call?" Untag ko. "It's about Aster." Sabi niya na gamit lang ang pangalan nito. "What's wrong?" "If you don't mind, let's meet personally." Nagsabi siya ng isang restaurant na pagkikitaan namin at kung kailan at anong oras. "I can't make it on Wednesday. Magkikita kami sa araw na 'yan." "Then don't meet her." "Anong sabi mo?" Nahagyang tumaas ang boses ko sa sinabi niya. "Tomorrow then." Ibinaba niya ang tawag ng walang paliwanag kung bakit kami magkikita. Kinagabihan tumawag ako kay Star para kamustahin ang araw niya. Ang kaso out of service siya. Hindi ako makatulog ng hindi ko siya nakakausap kaya ginawa ko na lang busy ang sarili ko. Lumabas ako ng bahay at nag-jogging hanggang sa mapagod ako. Sinubukan ko uli siyang tawagan pero walang sumagot. Marahil ay tulog na. Natulog na lang din ako. *** Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone at doorbell ko. Pagtingin ko sa relo alas sinco pa lang ng umaga. Nawala naman ang pagtataka ko kung sino ang nangungulit sa akin ng kay aga-aga nang mabasa ko ang pangalan ni Star sa caller ID ko. "Why?" Bungad kong tanong. "Good morning open the damn door." May pagkasarkastiko niyang sabi. Sinunod ko naman ang sinabi niya at pinagbuksan siya ng pinto. Ang aga-aga mukhang bad mood siya. Basta na lang pumasok sa bahay ko at nagpunta sa kusina para gumawa ng kape. "Bakit ka napasugod dito?" "Nakaka-stress ang mga tao sa paligid ko. May problema sa Davao branch, kinokontra na naman ako ni Tito Gil, umaastang mommy naman si Tita Gladys, feeling concern si—" "Calm down. Umupo ka muna at ako na ang magtatapos niyan." Inagaw ko sa kaniya ang kape. "Ipaghahanda na rin kita ng almusal." "What really annoys me is Jason." That name again. "He's stepping way too much. Did he call you?" Tanong niya. Nag-alangan aking sagutin ang tanong niya. "N-nope," pagsisimungaling ko. Ewan ko kung bakit ako nagsinunangling sa kaniya. "Buti naman. Kasi akala niya porque simula pagkabata magkaibigan na kami eh pwede na niyang pakiaalaman ang buhay ko." "What do you mean?" Tanong ko pero paulit-ulit sa isipan ko na magkababata pala sila. Hindi lang basta secretary si Jason. Nakikisawsaw pa siya sa buhay ni Aster. Ano ba para sa kaniya si Star? "He likes me!" Sabi niya na mukhang hindi mapakali. "Hindi niya matanggap na ikakasal ako sayo. Kaya kung guguluhin ka rin niya 'wag mo na siyang pansinin." Sinasabi ko na nga ba may mali kay Jason. Kumain na lang kami ni Star ng almusal. Pinangako ko sa kaniya na lalayuan ko na rin si Jason para sa ikakalma niya. Sa unang pagkakataon nakita kong ganito siya kainis. Nabanggit niya rin ngayon ang mga kamag-anak niya. Pagkatapos ng almusal nagbihis na ako habang siya naman nagpumilit na maghugas ng pinagkainan namin. Pumayag naman ako. Ang kaso mali ata ang pagpayag ko. Pagbaba ko kasi nakita kong may sugat siya sa kamay. "Anong nangyari?" "Sorry, dumulas 'yung baso sa kamay ko." "Baliw, bakit ka nagso-sorry? Linisin muna natin ang sugat mo." Kinuha ko ang first aid kit ko bago hugasan ang sugat niya. Pagkapatuyo nilagyan ko ng Betadine at binalutan na ng bandaid. Pagkatapos kong linisin ang sugat niya hinatid ko na siya pabalik sa condo niya. "Thanks, Janus. I'm just mad about Jason. I trust him yet... yeah, he said that he l-love me." "'Wag kang magalit sa kaniya. Madalas kasi hindi naman natin pinipiling mahalin ang isang tao, kusa lang iyong nararamdaman." Pinilit kong intindihin si Jason kahit na ayokong sa kaniya. "Yeah," matamlay niyang sagot. "Anyway, see you tomorrow." Hinalikan kiya ang pisngi bago pumasok na sa loob ng building. Ako naman nagpatuloy na sa pagmaneho papuntang opisina ko. Sa buong oras ko sa kumpanya iniisip ko ang usapan namin ni Jason at ang pagbawal ni Aster na makipagkita ako sa secretary niya. Despite what she told me, I still wanted to talk to Jason. *** Isang oras na akong naghihintay sa lugar kung saan sinabi ni Jason na magkita kami ngunit hanggang ngayon wala pa ring kahit man lang anino niya. Sinubukan kong tawagan ang number na pinantawag niya sa akin noon pero laging out of service. Marami sana akong gustong itanong at sabihin sa kaniya. Gusto ko syempreng malaman kung anong sasabihin niya dapat sa akin. At the back of my mind I knew there's something weird happening. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala ang agamagam ko lalo na ngayong napapalapit na ako kay Aster. Sabi niya sa akin noong una for fun lang ang lahat. Pero pumasok din sa isip ko na baka dahil sa pangit niyang reputasyon kaya desperada na siyang makahanap ng mapapangasawa. Tapos nalaman ko na lang nitong huli na gusto niyang magpapasok sa Grants ng hindi kapamilya para maging investor kaya isa sa paraan niya ay ang pakasalan ako. Kailangan niya ng kakampi sa sarili niyang kumpanya. Ako ang napili niya. Bakit? Nagugulumihanan din ako kay Jason. Ano ba ang sasabihin niya? Ang hiawalayan ko si Aster dahil mahal niya ito? Masyado na akong nag-iisip! Makalipas ang isa't kalahating oras napagpasyahan kong umuwi na. Mukhang hindi na magpapakita sa akin si Jason. ❤️❤️ Hindi ko na mapahaba pa Don't forget to comment and vote
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD