Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa kotse ko at harapin ang Grants. Nandito na naman uli ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan namatay si Nanay.
"Welcome sir, may I assist you?" Sabi sa akin ng isa sa staff. Napansin niya atang kanina pa ako nakatayo sa pinto at hindi mapakali lalo na sa hawak kong bouquet.
"I'm fine," ngumiti ako sa staff bago ako nagpatuloy maglakad papasok sa hotel. Sabi sa akin ni Star doon daw ang date namin sa bar lounge kung saan naparami ang inom ko ng wine dati.
Pagkarating ko roon sumalubong kaagad ang receptionist ng restaurant sa akin. Kilala na niya ako. Ang sabi niya puno raw ang restaurant ngayon kaya doon daw kami sa elite member lounge sa pinakatuktok ng restaurant. Ihahatid niya raw ako doon.
"Sir, bagay na bagay kayo ni Ms. Aster. Parehong maganda't gwapo." Kinikilig niyang sinabi.
Halos mapasiksik naman ako sa gilid ng elevator sa hiya. Pinilit kong ipinanatili ang kalmado kong ekspresyon.
"Alam niyo po ba, paboritong paborito namin si Ms. Aster sa lahat ng top management. Kung wala nga siya walang magtatagal dito sa Grants." Pagpuro niya kay Star. "Siya lang naman ang mabait sa mga Azurin." Pabulong niyang dagdag.
Tumango ako. Talaga namang mabait ang babaeng 'yon may saltik nga lang sa utak. "Pano kung mapalitan na siya sa pwesto?" Tanong ko.
"Naririnig ko nga ang usapang 'yan. Gusto siyang patalsikin ng mga kamag-anak niya. Kaya pag may naririnig kaming masamang bagay na sinasabi sa kaniya ng mga kadugo niya talagang sinusumbong namin sa kaniya."
"Ano namang ginagawa niya pag nalaman niya?"
"Hindi umuubra sa kaniya. Mabait nga si Ms. Aster pero isang dragonesa rin iyon pag magalit. Kaya Sir. Janus, 'wag niyo pong lolokohin si Ms. Aster kun'di malilintikan kayo."
Napahalakhak ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nakikita ang dragonesang side ni Aster pero may mga hint siya minsan sa akin. 'Yon pa nga lang natataranta na ako. Mukhang magiging under ako sa mapapangasawa ko.
Dumating na kami sa lounge na sinasabi nila. Dito nga mas kaunti ang tao at mas maganda ang view. Kita mo ang city light.
"Hi!" Napalingon ako sa gawing kanan ko. Doon ko nakita si Star. At sa mga sandaling iyon corny na kung corny pero parang tumigil lahat ng nasa paligid ko bukod sa kaniya. Lumapit siya sa akin na nakangiti. Hinalikan niya ang pisngi ko at madaling dinukot ang panyo sa bulsa ko para punasan ang pisngi ko. "Buti na lang lagi kang may dalang panyo."
"'Wag ka na kasi mag pulang lipstick." Biro ko.
"Akin ba 'yan?" Turo niya sa flower.
"Sinisira mo talaga ang diskarte ko." Inabot ko sa kaniya. "Anyway, you look so..." tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. She's a fashionista. I always see her rocking all the clothes she wear. Kahit nga 'yung mga damit ko na hinihiram niya (sabihin na nating inangkin niya kasi hindi na niya binalik). Pero itong gabing ito, simpleng black, fitted, turtleneck dress lang na below the knee pa pero ibang iba ang dating niya. Siguro dahil sa nakalugay at tuwid na tuwid ang buhok niya. O dahil mukhang nagpa-tan siya. Hindi siya maputla ngayong gabi.
Tumaas ang kilay niya ng walang adjective akong nasabi. "I look, what?"
"Not even close to gorgeous. You're more than that." Pag-amin ko.
"Wow! You're learning huh." Natatawa niyang sabi.
"Of course, just for you."
"Tara na nga. Binobola mo na ako." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa upuan namin malapit sa bintana. Kami lang ang tao sa section na iyin ng lounge.
May mga nakaabang na kaagad na waiters para i-assist kami. Pag kaupo namin kaagad na binuksan ang mga kandila sa mesa at nilagyan ng tubig ang nga bask namin.
"I pre-ordered already but if you want anything from the menu just let Leo know." Turo niya sa isang lalaking waiter. "He's our Commis De Rang here."
Tumango ako kay Leo bilang pagbati. "Nothing for now, thank you."
Bumalik ang atensyon ko kay Star. Pinagmasdan ko siya habang may sinisenyas sa isang waiter. Pagkatapos inayos naman niya ang table napkin niya at nilagay ito sa hita niya. Uminom din siya ng tubig. Umayos sa pagkaka-upo. Hinawi ang buhok.
"Stop staring at me!"
"I'm not staring," palusot ko. Masyado nga ata akong nakatitig sa kaniya at tinitingnan bawat galaw niya. "It's just, this is quite a fancy date. Nahihiya na tuloy ako sa mga hinanda kong date noon para sayo." Tagaytay at ang failed Batangas trip... walang wala sa pag punta namin sa Grants Cebu Resort at dito sa fine dining dinner date namin. Somehow I'm seeing her as this kind of woman– sophisticated and grand. Iba sa dati kong pagkakakilala sa kaniyang babaeng kaldakarin.
"At least doon komportable ako. Ngayon kasi, I don't know. I want this night to be perfect." Pahina ng pahina ang boses niya
She wants this night to be perfect.
"Urgh, what I want to say is let's eat and finish this date." Pagbawi niya.
Ngumiti na lang ako sa kaniya kahit na ba gusto kong sabihing 'wag na siyang magpalusot pa.
I tried my best to contain my emotions. Lalo na't hindi ko maintindihan kung ano talaga ang nararamdaman ko. I felt this before whenever I'm with her but right now I had this urge to touch her. Kahit magdikit lang ang paa namin o kaya hawakan ko lang ang kamay niya kahit na kumakain kami. At kahit nagmumukha na akong engot sa pinagsasabi ko ayos lang basta napapatawa ko siya.
"Okay, fine." Pagsuko ko sa sarili ko. Binitawan ko ang tinidor na hawak ko at tumayo sa kinauupuan ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Pagtataka niya.
Pagkarating kasi ng main dish namin natahimik kami at mas nag-focus na sa pagkain. Kaya heto ako ngayon kung ano-anong pumapasok sa isipan ko.
Tumingin ako doon sa lalaking tumutugtog ng violin para sa amin pabalik kay Star. "I'm not good at dancing but would you like to dance with me?"
Humalakhak siya. "Akala ko glit ka na." Tumayo siya at inabot ang kamay sa akin.
Kinuha ko naman ito at iginayak siya sa gitna. Inilagay niya ang kanang kamay niya sa balikat ko. Sa akin naman nasa bewang niya ang kaliwang kamay ko habang ang magkahawak naming kamay kanina ay mas mahigpit pa ngayon ang pagkakahawak. Niluwagan ko lang nang maalala kong maysugat nga pala siya sa kamay.
"You know what? We knew each other for almost two months now, we dated four times yet we're still awkward like shit." Natatawa niyang sabi.
Maybe because I felt that this is more that just her straightforward wedding proposal. May iba sa date na ito. O baka sa akin lang.
Sinimulan ko nang sumabay sa tugtog. Noong una mukhang nabigla pa siya kaya kinailangan niyang humabol sa hakbang ko. Nakasabay naman siya kaagad.
"Hindi ka nga marunong sumayaw. Nang-iiwan ka ng partner." Inirapan niya ako.
I pulled her closer. I saw a slight flush on her cheek. Wala na ang tawa niya at ang pagmamaldita niya. Nakatingin lang siya sa at at nakatingin naman ako sa kaniya. Ulit, parang kami lang ang natitirang gumagalaw sa mundong ito.
I must be crazy.
"Don't look at me like that." Bulong niya.
"Like how you looked at me?" Ganti kong tanong.
"I..." niyakap niya ako. Parehong braso niya ang nakasukbit sa balikat ko. "I'm tired and I want to eat the dessert." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya na parang kabaliktaran sa sinasabi niya.
"Ano bang dessert ang hinanda mo?" Parehong kamay ko na rin ang nasa bewang niya handang yakapin din siya o itulak sa sandaling mapansin niya ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Triple chocolate mousse,"
"Tempting," inilayo ko na siya ng tuluyan bago pa mahili ang lahat. Bago pa ako mabaliw.
Bumalik kami sa mesa namin at kumain ng dessert. Masarap nga ang order niya. Sa sobrang sarap pati 'yung nasa plato ko kinuha na niya.
"Ang takaw takaw mo pero ang payat mo pa rin."
Dumila lang siya sa akin na tila bata.
Napapikit ako. Damn!
Pagkatapos namin kumain niyaya ko siya na baka gusto niyang pumunta pa kami sa ibang lugar kung saan pwede kaming maglakad-lakad pero tumanggi siya. Sabi niya pagod na raw siya. Ihatid niya na lang daw ako sa kwarto at sa susunod na lang kami mamasyal.
"Bukas, tama bukas ng gabi. Available ka naman bukas 'di ba?" Sabi niya.
Tumango ako.
"O kaya mamaya. Magpapahinga lang muna talaga ako." Pinilit niyang ipakitang okay siya pero may mali talaga. Masama na ang pakiramdam niya kanina pa lang nang nagsasayaw kami.
"Okay ka lang ba?"
"Napagod lang siguro ako kahapon. Alam mo na dahil kay Jason. Dahil wala na akong secretary, sariling sikap ako."
"Ihahatid na kita sa condo mo."
"Nope, I'm staying here tonight."
"Ihahaid na kita." Kahit pa ayoko nang bumalik sa kwartong 'yon.
Saglit niya akong tiningnan nang sabihin kong sasamahan ko siya pero tumango rin siya kaagad.
Pagkapasok namin ng kwarto parang pati ako sumama rin ang pakiramdam. Hindi ako makahinga ng maayos. Nagpaalam ako kaagad. "See you tomorrow." Pero pagkagalikod ko pa lang kay Aster may narinig na akong kalabog.
❤️❤️
Cut muna
Sorry tunamad akong mag proodread kaya kung may mga error pasensya na.