9: HER RESORT

2106 Words
From: janusmiles@gmail.com To: a.azurin@grants.com Subject: Cancellation Ms. Azurin, I am sorry to inform you that I'll be busy this coming Sunday. Let us reschedule our rendezvous next week. I will e-mail you the details next time. Janus Miles Chef Executive Officer Miles Management Corp. ——————————————— Iyan ang huli kong e-mail sa kaniya na hindi man lang niya ni-reply-an. Kahit man lang sana ipasagot niya sa secretary niya. Kaya simula noon hindi ko na siya ginambala pa. Masyado rin akong busy sa trabaho lalo na't bumagsak sa standard accreditation ang isa naming hotel sa Cebu. Halos buong week ako nasa Visayas para lang personal na maasikaso ang problema ng hotel. "Janus," galit na pumasok si Jonathan sa kwarto ko kasama ang General Manager ng hotel. "What the hell is your problem? You fired an employee who's working here for 10 years?" Sumabat naman ang general manager. "Sir, baka pwede pong idaan sa maayos na proseso ang pag-alis niya dito?" Napansin kong sumilip si Jon na sumilip sa laptop ko kaya isinara ko kaagad. Napakamot ulo na lang ako. "Sa tingin niyo ba basta-basta na lang ako magtatanggal ng tauhan ng walang dahilan?" "Ngayon, oo lalo na't bad trip ka kasi LQ kayo ni girlfriend." Biro ni Jon. Wala na kaagad ang galit nang nakita niya lang na nakabukas ang e-mail ko. Namula naman ang pisngi ng GM dahil sa narinig. Matandang dalaga kasi ito. Pag nakakarinig ng tungkol  sa relasyon namumula siya. Isa siya sa madaling basahing tauhan ko kaya gusto ko siya. Isa pa, magaling talaga siya sa trabaho niya. "Sasabihin ko na, nag-init ang ulo ko kanina lalo na't nakita ko ang dahilan kung bakit tayo bumagsak. Idagdag pang nakita ko siyang nagtatago ng kahon-kahong sabon at kung ano-ano pang supply. Dalawang araw ko siyang minanmanan kaya kanina nang makita kong may mga blower at plantsya pa siyang kinupit sumabog na ako. Nagawa pa akong sagut sagutin. Pinagmamalaki niyang matagal na siya sa hotel na ito." Ilang araw nang mainit ang ulo ko sa mga tauhan sa hotel na ito. Kala ko wala akong problema pagdating sa mga empleyado ko. "Chill," hinimas ni Jon ang likod ko. Paraan niya na para humingi ng tawad dahil sa pagsigaw niya sa akin. "Sinabi mo sana sa akin kaagad." "Pasensya na, kahapon pa rin ako nagagalit sa mga tauhan natin. Masama na ito." "Sir, pasensya na rin po. Ako dapat ang sumusulusyo ng problema dito sa hotel." Nakayukong sabi ng GM. "Magpahinga na muna po kayo." Tumango ako at pinakita ang ngiti ko. Kailangan ko nga lang sigurong magpahinga para kumalma ako. Umalis ang GM ng hotel. Sumunod si Jon na niyaya akong lumabas mamaya. "Matulog ka muna tapos babalikan kita ng 9pm. Lalabas tayo." Bumuntong hininga na lang ako sa ideya ni Jon. Paniguradong sa lugar na may inuman kami pupunta. *** Kinabukasan wala pa ring pagbabago sa mood ko lalo na't na puyat ako dahil kay Jon. Ayaw niya ako pauwiin kagabi hangga't wala pa siyang nahahanap na babaeng matitipuhan niya. Halos tatlong oras lang tuloy ang tulog ko bago bumalik sa trabaho. Kailangan kong maaga pumasok dahil may seminar lahat ng staff ng hotel. May part din ako sa seminar. "Ako nga hindi natulog." Pagyayabang ni Jonathan sa akin. Kahit wala siyang tulog ayos lang kasi nakaisa naman siya. "Ikaw na," turo niya sa harap. Tungkol sa management namin ang pinaliwanag ko. Sinabi ko na may ilang bagay lang ang puwede naming baguhin pero kailangan pa rin masunod ang brand. Nagsimula na rin ako magsermon tungkol sa kahalagahan ng trabaho, dignidad at pride dahil sa insidente kahapon na may nakaaway akong empleyado. Patapos na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Lahat kami napatingin sa kaniya na gulat na gulat. Business hotel ang hotel namin pero ang pumasok nakasuot ng wedge flipfops, short shorts, see thru na coverup na kita ang bikini sa loob. May sumbrero din siya at sunglasses. Naglakad siya na parang model papunta sa harap. Papunta sa akin. "Hi, honey!" Hinalikan niya ako sa pisngi. Napamaang na lang ako. Anong ginagawa ni Aster dito? May vibes siya ng katulad nang mag-propose siya sa akin noong una kaming nagkakilala. Sexy, intimidating, sassy, sexy and s**t did I already said she's sexy? She knew how to get everyone's attention. "A-anong g-inagawa mo dito?" Nautal kong tanong. "Na-miss lang kita." Bullshit! Napalingon ako sa mga staff ko na nagbubulungan. Sa grupo ng mga lalaki naririnig ko ang kaberdehan nila samantalang inggit at panlalait naman sa mga kababaihan. "Excuse us of a second." Sabi ko sabay hablot kay Aster papalabas sa meeting room. Sa labas hinarap ko siya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko uli. "Masama bang dalawin ang fiancé ko? And besides I haven't heard from you for weeks. Iniiwasan mo ba ako?" Nakapamewang pa siya. "Ako? Ako pa ngayon?" "Bakit parang ang init ng ulo mo?" Pagtataka niya. "I'm not! Stop blaming me. Ikaw ang hindi nag-reply sa e-mail ko. Ni walang tawag o kung ano pa man. Akala ko nga wala na ang deal natin." Sa sinabi ko medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko akalaing masyado ko palang dinamdam ang pag AWOL niya. Her expression soften. "I'm busy," matipid niyang sagot. "Busy din ako." "Maghihintay ako dito." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya pwedeng maghintay dito ng ganiyan ang suot. Napabuntong hininga ako. "Fine, wait for me inside my room and please change your outfit. Bakit ka ba nakapang-summer na suot?" November na. "Well, we're going to start our fourth date now. And you're going to ask why I planned it instead of you? The answer is I can't wait to get married to you, Janus Miles." "May mali sayo," napahawak ako sa baba ko at tiningnan ko siyang mabuti. Siya ang Aster na una kong nakilala. Minsan nilalabas niya ang pagiging intimidating niya pero... hindi ito ang totoong Aster. "Pumayat ako? Pinaghandaan ko talaga 'to." Lumipat ang tingin niya sa katawan niya. Umiwas siya ng tingin sa akin? "Mamaya na lang tayo mag-usap." Inabot ko sa kaniya ang key card ko at bumalik na meeting room. Habang nagsasalita ako may parte ng utak ko ang binubuo ang puzzle ni Aster. Tanghali na nang matapos kami. Nakatanggap ako ng text kay Aster ng text na gisingin ko na lang daw siya pagtapos na ako. "Mawawala na ang bad mood niya, oh." Inakbayan ako ni Jon pagkalabas namin sa meeting room. "Gumamit ng proteksyon, hindi magandang malaki ang tiyan ng bride sa kasal." Siniko ko siya palayo sa akin. Wala pa rin ako sa mood para sa kalokohan niya. Isinara ko kagad ang elevator para hindi ko siya makasama paakyat. Maaasar lang ako sa kaniya. Pagkapasok ko sa kwarto mahimbing ang tulog ni Aster. Parang ayaw ko siyang gisingin. Ito ang raw version niya. Her intimidating seductive version was her way to protect herself. Alam kong marami ring problema at insecurities ang babaeng 'to. "Bakit pinapanuod mo lang ako?" Sabi niya habang nakapikit. "Gising ka na pala." "Kanina pa. Tinatamad lang akong idilat ang mata ko at kumilos." "So cancel na ang date natin?" "Sinong nagsabi?" Dumilat siya at nagmamadaling bumangon. "Tara na," Napangisi ako sa kaniya. Parang batang excited umalis. "Wala akong ibang damit bukod sa pang trabaho." "Nakita ko nga kaya binilhan na kita." Tinaas niya ang isang board-short na may Hawaiian design. Pinakialaman niya ang gamit ko at binilhan niya ako ng Hawaiian shorts? Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis ko sa kaniya. "Bilis na!" Siya na ang nagsimulang magtanggal ng butones ng damit ko. "Aster, stop." Madiin kong sabi. Napalayo siya sa akin. "Ang lakas ng sumpong mo ngayon ah." Napasabunot na talaga ako ng tuluyan. Hindi ko nga rin malaman kung bakit ang init ng ulo ko nitong mga nakaraang araw. "Ayoko lang na pinapakialaman ang gamit ko. Kaya ko ring magbihis mag-isa." "Fine, hihintayin na lang kita sa labas habang nagbibihis ka, Maria Clara." Hindi ko na siya napigilan pang lumabas. Binilisan ko na lang ang pagbihis ko. Pinuntahan ko siya kaagad at nag sorry. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko mula sa trabaho ko at sa bigla niyang hindi pagpansin sa akin sa loob ng dalawang linggo. Idagdag pang ayokong pinapakialaman ako. "It takes time to get used to it but I'm trying, for you." Kalmado kong sabi. Kung magiging asawa ko ang babaeng 'to kahit na ba sa papel lang panigurado akong papakialaman niya ang buhay ko. Sa tingin ko dapat masanay na ako doon kasi mas gusto ko ang version niyang iyon. "Okay, I won't touch any of your stuff or any parts of your body unless you say so. And let's go. I think you just need a break from your work." Gusto ko sana sabihing hindi ko naman siya pinagbabawalan kaso lang ayoko na mapahaba pa ang usapan at saka nalipat na rin ang atensyon ko ng sabihin niyang sa Oslob kami pupunta. "Pa'no tayo makakarating kaagad doon kung gusto mong mag whale shark watching?" Usisa ko. Alam ko kasi sa umaga ang activity na iyon. Pag-umalis kami ngayon aabutin ng hapon bago namin marating ang lugar. "Nag rent ako ng chopper." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mas lalong nanlaki ito ng makarating kami sa rooftop ng kabilang building. Totoo ngang may helicopter. Wala pa ata sa 15 minutes nakarating na kami sa pupuntahan namin ang problema gagamit kami ng rope ladder pababa ng helicopter papunta sa bangkang sasakyan namin. Ito ang unang beses na ginawa ko ito sa tanang buhay ko. Ako ang unang bumaba, sumunod siya. Handa akong alalayan siyang makasampa ng maayos sa bangka pero hindi niya inabot ang kamay niya sa akin. Mas pinili niya ang bangkero. Swerte naman kami dahil may nakita kaagad kaming butanding. Sa unang pagkakataon nakalangoy ako sa malalim na parte ng dagat na kasama pa ang butanding sa paglangoy. Kita ko rin si Aster na tuwang tuwa. Para siyang serena sa bilis niyang lumangoy. Pag-ahon namin, ako ang nauna para matulungan siya sa pag-akyat pero mas pinili niya ang kamay ng bangkero kaysa sa akin habang nakahawak naman sa bewang niya ang guide namin at inalalayan siyang makaakyat ng bangka. Sinasadya niya ito. Pinanindigan niya ang sinabi niyang hindi niya ako hahawakan. Bahala siya sa buhay niya. Mahigit dalawang oras din ang nakalipas bago tuluyan makarating sa isang resort na may puting puting buhangin. "Welcome to Grants Cebu Resort," anunsyo ni Aster. Napaangat ang ulo ko mula sa buhangin papunta sa mga puno at sa tatlong palapag na gusaling natatanaw ko. Sa pinaka gitna nito makikita ang malaking logo ng Grants. Tila naman nanayo ang balahibo ko nang makapasok kami sa mismong property. Sumalubong kaagad ang malaking infinite pool sa nahaharangan ng transparent glass ang paligid. Muka doon sa logo na nakita ko sa malayo may lumalabas na tubig doon pababa sa pool. May nag-abot sa amin ng robe at binati kami. Lalo na si Aster. Tuwang tuwa sila nang makita ang babae. May kaniya-kaniyang offer na pasalubong para sa amo nila. "Guys, ipapakilala ko nga pala ang boyfriend ko at hopefully husband in the future." Nakangiting sabi ni Aster na kinakilig ng mga tauhan niya. "Janus Miles." Alanganin akong ngumiti kasi kahit na ba nakangiti sila parang sinusukat nila ang pagkatao ko. "Nahigugma ba kaha nang laki sa imo?" Sabi ng babae sa hindi ko maintindihang lenguwahe. "Of course," natatawang sagot ni Aster. "Mukhang pinapasaya mo ang prinsesa namin." Sabi ng matanda naman sa Tagalog . Naintindihan ko na. "Salamat po." Tumingin ako kay Aster na sinasabing bilisan na namin dahil hindi ako kumportable sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Sinabi naman ni Aster na giniginaw na siya kaya nataranta ang mga sumalubong sa amin para ihatid kami sa kwarto namin. "Oo nga pala, baka luma—" "Jane, okay na imong anak?" Pagputol ni Aster sa sinasabi ng isa sa mga kasama namin. Nagkwento ang babae sa wikang Cebuano. Hindi ko talaga maintindihan kaya pinagmasdan ko na lang ang paligid. Ang elegante ng buong lugar. Walang wala sa resort ko sa Batangas. Idagdag pang mukhang friendly ang mga tauhan dito. Pagkarating namin sa penthouse mas lalo pa akong namangha. Tanaw na tanaw mula dito ang dagat at ang buong resort dahil sa bintana nitong puro salamin. Sa unang palapag ng penthouse, may kusina, sala, dining area, pool table, football table, hockey table at gym. Sa may balcony may jacuzzi. Pagkaakyat ko sa ikalawang palapag sumalubong sa akin ang king size bed. "How do you like it?" Tanong ni Aster na nasa likod ko na pala. Sinilip ko ang unang palapag, wala na ang mga kasama namin. "This is... beyond my expectation." Pag-amin ko. "This is going to be yours." Tumingin siya sa bintana. Magkahalong saya at lungkot sa mukha niya. "I just can't believe this." May agamagam pa rin ako. Bakit ba ibibigay niya lang sa akin lahat ng ito? "Believe it. I trust you." Napalunok ako ng laway ko. May kung anong kurot sa puso ko nang sabihin niyang pinagkakatiwalaan niya ako. ❤️❤️ 1. Nahigugma ba kaha nang laki sa imo? -Mahal ka ba ng lalaking 'yan? 2. Jane, okay na imong anak? -okay na ba ang anak mo? Thanks to everyone who helped me translate it. Lalo na kay Clyde Gines.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD