10: HER DOUBLE DATE

1410 Words
Wall climbing. Yup, that was the kind of adventure she wanted me to do. Ako lang ang gagawa. "Kaya mo 'yan!" Cheer niya sa akin. "Bakit ako lang?" Reklamo ko nang nasa kalahati na ako. Kala ko kasi madali lang pero habang pataas nang pataas parang pabigat nang pabigat ang katawan ko. "Kasi masakit ang paa ko." "This is so unfair. You better feed me with delicious food later." "Sure, bae." Dahil sa ayaw kong nagpapatalo, pinagpatuloy ko ang pag-akyat. Sa kasamaang palad nalaglag ako. Ilang ulit kong sinubukan pero nalalaglag talaga ako. "Janus, tama na kaya?" Sabi niya sa akin na mukhang naiinip na. "I won't stop." Sabi ko sa kaniya at sinubukan ang pang pitong attempt ko. Nalaglag uli ako. "Pero pagod ka na. Baka masaktan ka pa." Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. "Nasimulan ko na ito. Hindi ako sumusuko kaagad." "Pero hindi mo naman kaya. Pipilitin mo pa rin ba kahit na hindi mo kaya?" Tumango ako. "I won't stop until I can, even if I die. That's my motto." "What if you get it but you'll die at the end?" "At least I tried. I did my best. I fight, Star." For a moment I saw tears clouding her eyes. She blinked it away. "Fine, continue what you're doing. I'll prepare our dinner." Naiwan akong kasama lang ang nagbabantay ng wall climbing. Sa loob ng isang oras na may walong subok, naakyat ko rin ang tuktok. Sumigaw ako sa tuwa. "Bugoy, nakita mo ha? Nakaakyat ako! Sasabihin natin 'to kay Star!" *** Kahit na tapos na kaming kumain hyper pa rin ako. Nawala na ng tuluyan ang bad mood ko nang maakyat ko 'yung wall. Nabuhos ko ata lahat ng stress ko sa pader. Sa jacuzzi kami sa penthouse tumambay habang umiinom ng wine. Panay kwento ko kay Star ng mga maliliit na bagay na pinagtagumpayan ko. Tumatawa naman siya dahil ang babaw ko raw o kaya naman ang weak ko para hindi kayanin ang mga 'yon. "Lampa talaga ako noong bata ako. Sobrang payat ko dahil sa malnutrition kaya noong middle school ako lagi akong inaapi. Pagdating ng highschool dahil sa nasanay ako sa pagkain sa Amerika, lumobo naman ako. Buti na lang ng college natuto na akong mag gym at pumorma sa mga babae kaya gumanda ang katawan ko." "Speaking of girls, nakailang girlfriends ka?" Tanong niya sa akin na medyo nagliwanag ang mukha niya. Kanina kasi parang hindi naman siya masaya talaga sa kwento ko. "Two," "Hindi nga?" Ayaw niya pang maniwala. "11th grade ako noong una akong magka-girlfriend. Kaso nang tumaba ako hiniwalayan niya ako. Tapos isa sa mga ka-batch mates ko noong college ang 5 years kong girlfriend. Hiniwalayan niya ako kasi ayaw niya ng long distance relationship." "So sa mga panahong wala kang girlfriend lahat iyon hook-up lang?" Usisa niya pa. Umiling ako. "Just Umi. I'm not the kind of man who runs around sticking my d**k to any hole. I'm quite romantic, you know?" "I can feel the vibe." Bumungisngis siya. "Ikaw? Ilan na ang naging karelasyon mo?" "One," "Hindi ako naniniwala." Sabi ko. "Dahil sa mga rumors na naririnig mo?" Natahimik lang ako. Totoo namang sa mga tsismis ako nakakarinig ng tungkol sa relasyon niya. "I met this guy in London back in college. Hindi siya mayaman pero may utak. Siya ang unang lalaking minahal ko ng sobrang sobra pero ginamit niya lang ako para makakuha ng magandang internship sa isang kumpanyang may shares si dad. Nang malaman ko 'yon hiniwalayan ko siya kaagad." "Buti na lang hiniwalayan mo siya kaagad." Umiling siya. "I dated guys with the same intentions. Simula noon ginagawa ko na rin ang tactics nila. I used relationships, sparks and love in business. Surprisingly effective siya." Naitungga ko ang natitirang wine sa baso ko sa narinig. Nawala ang ka-hyper-an ko. "Gusto kong makilala lahat ng mga lalaking ginamit ka lang para sa yaman at pagdadagukan ko sila." Pagbibiro ko pero totoong gusto ko silang dagukan. Kaya pala ganito itong babaeng 'to dahil sa kanila. "Sige, pag nakita natin." Dinagukan ko ang sarili ko. Nagulat siya sa ginawa ko kaya kahit na kanina niya pa ako iniiwasan na hawakan, hinipo na niya ang ulong dinagukan ko. "Anong ginagawa mo!" Sigaw niya sa akin. "Isa ako sa mga lalaking 'yon Star." Nagkatitigan kami. Seryosong seryoso ako. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao. Gumapang sa balat ko ang kunsensya. "You're not, never." "Totoo naman 'di ba? Kapalit ng lahat ng ito ay mapapasaakin lahat ng yaman mo." Umiling siya. "It's the other way around." Tumayo siya at umahon na sa jacuzzi. "Let's take a rest now." Pinagmasdan ko siyang pumasok sa bathroom. Hinihtay ko rin siyang matapos maligo at magbihis. Pagkatapos niya ako naman. Nang makalabas na ako at magpunta sa ikalawang palapag naabutan kong tulog na siya. Nasa sulok na sulok siya ng kama. Pumwesto na lang ako sa kabilang gilid. "Star?" Nagbakasakaling gising pa siya. "Uhm?" Sagot niya. "Bakit ka ba laging nagagalit sa tuwing nagdududa ako sa kasunduan natin?" "It's because I trust you yet you can't trust me with this." *** Nagpa-iwan si Aster sa  resort niya at sinabing uuwi na rin siya ng Maynila pagkatapos ng ilang aasikasuhin niya doon. Ako naman hinatid ng helicopter pabalik sa hotel ko. Isang linggo pa akong nanatili sa Cebu. Nagpunta na rin ako sa iba pang hotel ko bago tuluyang umuwi. Sa loob ng isang linggong 'yon madalas kaming nagtatawagan ni Aster. Nag-uusap kami tungkol sa negosyo, sa pagkain namin, sa halaman, sa alak, maski nga ata hanggin pinag-usapan namin. Anything that will make the call last. Well, anything that will give me courage to talk about the engagement. Simula kasi ng huli naming pag-uusap parang nawalan ako ng lakas ng loob na gawin pa ito sa kaniya. She's different from the woman I knew before. She's different from the rest of Azurin. "Nandyan ka pa ba?" Narinig ko si Aster sa kabilang linya. "Yup," nag-focus na uli ako sa pag-uusap namin at sa pagmamaneho ko. "Sa tingin mo ba magpapaka-b***h si Umi sa akin sa double date natin?" Tanong niya. "Ipagtatanggol naman kita kaya 'wag kang mag-alala." Pagbibiro ko. Tuloy na tuloy na ang double date na sinasabi ni Umi. Noong isang araw pa niya ako kinukulit na gusto niya raw kasi makilala kung totoo nga ang sinasabi kong iba si Aster sa kilala nila. "Talaga lang huh?" "Oo naman. Malapit na pala ako sa condo mo. Susunduin kita mismo sa unit mo." "Bababa na lang ako." Sabi niya. "Hanggang ngayon ba naman ayaw mo akong papasukin sa unit mo?" Nagtataka na talaga ako. Willing siyang ipakita ang hubad niyang katawan pero ang kwarto niya ayaw niya? Ang weird ng babaeng 'to. "Makalat ang kwarto ko. Ayaw kong makita mo." "Ang arte mo." "Alam ko." Nakita ko na siya sa labas ng condominium. Nakasuot siya ng simpleng puting damit pero nakakamatay sa taas ang itim na high heels niya. Nakakamatay din ang kulay maroon niyang lipstick. Pure yet tainted, like a fallen angel. "Hi, handsome!" Sabi niya pagkasakay niya ng kotse. Hindi na niya ako hinintay na bumaba para pagbuksan siya. "Long time no see." Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi. "Tagal nating hindi nagkita tapos kinulayan mo na ng pula pisngi ko." Nagpahid ako kasi may lipstick sa pisngi ko. "Sorry naman," kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang nagpunas sa pisngi ko. "Ayaw mo nga pala magpahawak pero whatever. Miss kita eh." Sa byahe pinag-uusapan namin kung sino ang date ni Umi. Hula ko isa sa mga katrabaho niya. "Piloto? Uhm, dreamy!" Sabi ni Star na pangiti-ngiti pa. "Player kamo." Sabat ko. "Sa tingin ko kakilala mo lang din." Hula naman niya. "That would be... fine for me." Awkward ng kaunti kung alam ng lalaking ka-date niya na may namagitan sa amin ni Umi noon. Pagkarating namin sa restaurant si Umi kaagad ang nakita namin. Wala pa 'yung ka-date niya. "Hi!" Sabi niya at niyakap ako. Nginitian niya lang si Aster na parang iniisip na naman niya ang STD. "How are you? Parang tumataba ka ngayon ah?" Pagbibiro ko. Naiinis kasi siya pag sinasabi kong tumataba siya. "How dare you!" Hinampas niya ako. May lumapit sa aming server at inabot sa amin ang menu. Sabi namin sa kaniya na may isa pa kaming hinihintay kaya tubig muna ang inorder namin. "So, Aster, it's nice to see you again." May kakaiba sa tono ng boses ni Umi na tila ngayon ko lang narinig. "Yup, before HK, almost after a year?" "Year? Ang huli kong pagkakaalala eh noong highschool pa tayo." "Oh, did we met few times at the Valk?" I heard the defense version of Aster. "Bihira lang naman akong pumarty hindi tulad mo." Sabi ni Umi na obvious na nanghahamon. "Ladies, we're not here to fight." "Hindi kami nag-aaway." Sabay nilang sabi. "Wow! Cat fight!" Sigaw ng isang lalaking papalapit sa amin. Napalingon kami sa lalaki. Bakit siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD