11: HER KISS

1208 Words
Bakit sa lahat ng lalaki si Jon pa? "Hello guys!" Suave niyang bati. "Jonathan!" Pasigaw halos na sabi ni Aster. "You remember me." Ngimiti ito. Ngiting aso pero sabi niya sa akin noon ito raw ang killer smile niya. "Of course the truth or dare gu—" "Shh!" Pagputol niya sa sinasabi ni Aster. Umupo ito sa tabi ni Umi na katapat ni Aster. "Let's keep it a secret my dear." Napa-face palm ako. Pag talaga may kasamang babae itong si Jon nagmumukhang sira ulo. "Anong problema?" Tanong niya sa akin. "Masakit na ulo mo? Uwi ka na. Ako nang bahala sa dalawang ulala." "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa bestfriend kong loko. Nalipat nga lang ang tingin ko kay Aster. Ayokong isipin niyang nagseselos o nakikipag-away ako. "Ang baliw kong bestfriend nga pala." "Sabi na eh! Nakita ko na kayo dating magkasama." Scripted na sagot ni Aster. She was hiding something. Baka hindi niya talaga alam. Dumating ang server at umorder na kami. Sa kwentuhan parang ako ang out of place na kahit malapit ako sa dalawang kasama namin mas pinag-uusapan nila ang mga panahong magkakasama sila sa bar. Surprisingly madalas palang nagkakatagpo ang landas nila sa bar na hindi ko sinasamahan dahil wala akong hilig. Kung kanina parang mag-aaway na 'yung dalawang babae ngayon mag-bestfriend na ata sila sa pang-aasar kay Jon. Sa buong gabi pinapakinggan ko lang sila. Lalo na ang mga kwento ni Aster. Sa kwento niya nalaman kong natalo siya noon sa truth or dare at kailangan niyang i-dry hump si Jon. May kuwento rin siya na ilang beses na raw siyang napupunta sa presinto para mag file ng s****l harassment dahil sa kalasingan ng mga kasama niya sa inuman. Nakwento niya rin noong highschool na nagkaroon talaga ng literal na cat fight sila ni Umi. "Then you stop showing up." Sabi ni Umi. "When you go out you were always with oldies." Nawala ang ngiti ni Aster. "How about you, Janus? Kanina ka pa tahimik. Sabihin mo nga, pumaparty ka rin ba? Hindi kita nakikita dati." "Nako, lolo na 'yang si Janus." Sabat ni Jon. "Sumasama naman ako." Depensa ko. "Pag 'yung tipong uupo lang at pag-uusapan ang business." Dagdag pa ni Jon. "At mahina sa alak si Janus." Singit pa ni Umi. "Nakita ko na nga siyang malasing at magka-hangover dahil sa wine." Natatawang sabi ni Aster. Kung kanina si Jon ang inaasar nila ngayon ako na ang pinagtitripan nila. Puro kalokohan lang ang usapan. Hindi ko na nga napigilang sumigaw nang magkuwento si Jon at Umi ng kahihiyang ginawa ko noon. Nakakahiya lang na marinig ni Aster. After the dinner we decided to call it a day. Parang mag bestfriend na rin sila Umi at Aster. "This is the first time Umi and I talked without fighting." Rinig ko ang saya sa tono ng boses niya. "Star," "Uhm?" "Why did you avoid that subject?" Natahimik siya. Napalingon pa nga ako sa kaniya habang nagmamaneho. Mukhang ayaw niyang sabihin sa akin. "You said I should trust you, why not trust me too? Tell me, Star." Matagal bago siya nagsalita. "I need to do it to help my grandfather. I need to secure my position." "By dating old man?" "Bago mamatay si lolo sinubukan kong maging open ang Grants sa ibang investor na hindi namin kapamilya pero nauwi lang lahat sa wala." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya iyon ginawa. "Do you think I'm dirty for going down like that?" She said it trying to laugh. I swerved the car and stopped on the side of the road. "Jan! Papatayin mo ako sa gulat!" Pagkalingon niya sa akin nakita niya ang seryoso kong mukha.  "You're not dirty for doing what is right." "How can you say that I'm right? I'm basically ruining my company's principles." "Bakit mo ba gustong may ibang taong makapasok sa kunpanya mo?" "I don't trust my own family." Umiwas siya ng tingin at napasandal sa kinauupuan niya. "Kaya mo ba ako papakasalan?" Untag ko na hindi niya sinagot. Unti-unting lumilinaw sa akin kung bakit niya ako inalok ng kasal. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Tahimik lang kami sa buong byahe.  Parehong busy sa pag-iisip. Hindi ko nga lang alam ang laman ng nasa utak niya pero ang akin tila naman bumabalik sa akin ang mga panahong nag-uusap kami tungkol sa Grants. Ni isang beses hindi niya nabanggit ang tito niyang nakasalubong ko noon sa hotel. O kaya naman nang kahit sino sa kamag-anak niya. Tangging ang lolo niya lang ang laging nasa usapan. Hindi lang fun ang dahilan niya para ako pakasalan. Gusto niyang magpapasok ng hindi kapamilya niya para may tao siyang mapagkakatiwalaan sa kumpanya niya. Ang bumabagabag nga lang sa akin ay kung bakit ako ang napili niya? Bakit hindi niya na lang pinagpatuloy ang mga dati niyang niyayayang mag invest sa Grants? Mas maraming mayayamang bachelors ang higit na makatulong sa kaniya kaysa sa akin. "What are you thinking?" Tanong niya ng wala akong pagkilos sa nginawa ng makarating kami sa tapat ng condominium niya. "Why m—" "Iniisip mo na bang itigil ang kasunduan natin?" Naka-pout niyang tanong. Hindi siya seryoso. "No way," Sagot ko na lang. Ayoko nang mag-isip pa ng kung ano-ano. "Good," binigyan muna niya ako ng isang matamis na ngiti bago bumaba ng kotse. "Wait!" Bumaba rin ako sa sasakyan ko at nilapitan siya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tunay na pakay ko kung bakit ko siya gusto pakasalan. Gusto ko ang Grants Inc. na mawasak sa mga kamay ko. "Bakit?" Umiling ako. Hindi. "Wala man lang ba akong good bye kiss?" Humalakhak siya sa sinabi ko. "Kiss ba talaga o gusto mo lang talaga ng lipstick ko?" Natawa na rin ako. Ayoko munang isipin king ano mang tumatakbo sa isip ko. Sa ngayon gusto kong makitang masaya si Star. "I'm sorry for ruining the mood." I told her. Masaya na kasi siya hinalungkat ko pa ang mga hindi magagandang usapan. "You deserve the truth." She smiled while looking at my eyes down to my lips. Napalunok ako ng laway. Biglang ninerbyos ako at hindi ko mapigilang wag tingnan ang buong mukha niya. In voluntarily, my hands went to both side of her head. "So it's really for a kiss," sabi niya na dahilan para mapabitaw ako at mapapayo sa kaniya. Nahimasmasan ako. "Sige na pumasok ka na. Uuwi na ako." Tumalikod na ako sa kaniya bago pa kung ano na nmang magawa ko. "Hold on," pahabol niya. Hinarangan niya ang daanan ko. Hinila niya ako at ipinulupot ang dalawang braso niya leeg ko. Walang pasabing idinampi niya ang labi ko sa labi niya. Dampi lang talaga kasi inilayo niya rin ang labi niya na tila nanunudyok. "Good night," Bago niya pa tuluyang ihiwalay ang sarili niya sa akin, sinuklian ko ang halik niya. Unlike the first two kiss we shares this one went slowly and patiently yet it conveys so much emotion– happy, sad, gulit, wanting, begging, nervous, excited, scared, and things I can't described. Nang matapos ang halik pareho kaming naghahabol ng hininga pero hindi mapigilan ng mga labi naming ngumiti. That was wonderful. "See you next date. I'll message you for our forth date." She said and completely pulled away from me. She waved her hand and continued to go inside the building. Fourth date, Grants Hotel. Babalik na naman ako sa lugar na iyon. ❤️❤️ The first time I imagined this chapter, it will be like sweet and fun and kisses. Ang kaso nakatulugan ko kaya nagbago ang mood. Tho may kiss pa rin naman sa dulo 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD