I felt the distance between us because of the e-mail she replied to me. Sinubukan kong 'wag isipin iyon. Mas nag-focus ako sa gagawin ko sa susunod na pagkikita namin. Kailangan kong mag-propose sa kainya pero hindi tulad ng sa napag-usapan namin. Sa pagkakataong ito, gusto kong magpro-pose sa kaniya na subukan naming maging totoo ang kung anong mayroon kami. Hindi ko na maitatanggi sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Every meetings we had made me like her. Every truths made me love her.
"Nasisiraan ka na ng bait." Sabi ni Jon sa akin. Kasama ko siya at si Umi sa isang bistro para kumain at uminom. "Ginagawa mo ito para makapaghiganti. Pano mo naman masisira ang Grants kung inaalala mong masasaktan si Aster sa gagawin mo?"
"Wait," singit ni Umi. "I just heard this revenge thingy so I'm quite confused." Napahawak pa siya sa ulo niya. Nasabi ko na sa kaniya ang totoo kasi nagpupumilit siyang sumama sa inuman namin ni Jon. At may napapansin na raw siyang mali sa akin.
"I don't know." Napailing ako at naitungga ang bote ng beer na binili ni Jon. "Nawalan din si Astar noong araw na iyon. Both her parents died!"
"Kailangan mong mamili, Janus Miles. Ipagpapatuloy mo ang nasimulan mo na o uunahin mo 'yang puso mo. Sinasabi ko na nga ba, pag-ikaw na in love bulilyaso na lahat. You harden yourself for years for this opportunity to come. Oo na sabihin na nating iba si Aster pero siya lang ang way mo para mapabagsak ang mga taong binalewala lang ang nanay mo."
"Shh!" Tumayo bigla si Umi. Mukhang napipikon na sa kaingayan ni Jon.
Pero kailangan ko si Jon para maliwanagan ang isip ko. Tama ang sinasabi niya. Kailangan kong maghiganti. Ang pagpipilian dito ay si Nanay o si Aster.
"Let's go," sabi ni Umi sa akin. "Tumayo ka na dyan at aalis na tayo."
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Saan kayo pupunta?" Tanong naman ni Jonathan.
"Jonathan, you stay here and find someone who you could fvk, okay? Janus, let's go." Hinatak na ako ni Umi papalabas ng bar. Pumara siya ng taxi at nagpahatid papunta sa bahay niya.
"Umi, I'm going home." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng apartment na tinitirhan niya.
"Bumaba ka dyan." Pagsusungit niya. Kanina pa siya ganyan at pag ganyan siya dapat sinusunod siya.
Bumaba ako sa taxi at parang lasing na pilit na itinutuwid ang tayo niya. Well, lasing naman na ata talaga ako.
"Sumunod ka." Utos uli niya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.
Doon walang habas na hinubad niya ang damit niya sa harapan ko. Tinanggal niya rin ang panloob niyang kasuotan habang nakatingin sa mga mata ko.
"Umi, w-what a... doing?" Napalunok ako.
"Sleep with me tonight."
"Umi! Lasing ka na ata." Tumalikod ako para buksan ang pinto. Para na rin 'wag siyang tingnan.
"Lasing o hindi ginagawa mo dati. You don't stop even you're dating other woman before. Not until Aster came to the picture."
"Pinagbawalan niya kasi ako dati para walang issue."
"Yeah, you told me that before."
Napalingon uli ako pabalik sa kaniya. Nakasuot na siya ng robe niya.
"But," pagpapatuloy niya, "the truth is that everything between you and her was for you to get Grants."
Tumango ako.
"Then if you have s*x with me it's like a revenge for her."
"But she's not..."
"Pero Azurin pa rin siya. Kalaban mo siya hindi ba?" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Sa mga sandaling iyon nagpatianod ako sa halik niya at sa ginagawa ng kamay niya sa damit ko. Hinayaan ko siyang dalhin niya ako sa kama. Hinayaan ko siyang hubarin ang damit ko. Hinayaan ko siyang—
"Stop, Umi, I can't..." Hindi tama ito lalo na't si Aster ang nasa isip ko.
"See, she's more important."
"What? No..."
"Janus, wake up! You love her. Hindi ka maguguluhan kung anong pipiliin mo kung hindi mo siya mahal."
"Oo na, mahal ko na siya." Pasigaw kong pag-amin. Mahal ko siya pero hindi dapat.
"Mas uunahin mo ang paghihiganti kaysa sa pagmamahal mo sa kaniya?"
"Umi, ano bang gusto mong iparating?" Mas naguguluhan ako sa kaniya kaysa kay Jonathan.
"Gusto ko lang iparating na minsan lang dumating sa atin ang love. We knew each other for years, we tried to find love, we tried to love each other but we can't. We're both sad person trying to feel those rush. You're lucky you find yours already." Bumagsak siya sa kama niya na parang pagod na pagod. "Revenge? After you got what you want, will you be happy? Will you be happy when you completely ruined Grants? Do you think, Nanay Cora will be happy with that? Do you think 'you'll be happy when Aster hate you?"
***
"Hi, Sir! Looking for a perfect engagement ring?" Bati sa akin ng sales lady nang makita niya akong tumitingin ng engagement ring.
Alanganin lang akong ngumiti sa kaniya at ibinalik ang tingin sa mga kumikinang na singsing.
"Describe your girlfriend sir, para matulungan kita sa paghahanap. If she's sweet and simple, this one should be great. White gold with small diamond at the middle is best for her."
Napatingin ako sa hawak niya. Ano bang bagay kay Aster? "Star and Blue,"
"Star and Blue? Oh, I have this one for you. It has a three stones." Naglabas siya ng isang singsing na may tatlong maliliit na mahaling bato. Dalawang kulay blue at isang puti sa gitna. "This ring have two Sapphire stones and a diamond at the middle."
Nakuha ng singsing na iyon ang atensyon ko. At the back of my mind, I can see Aster wearing that ring. Bagay sa pangalan niya ang kulay samantalang bagay naman ang desenyo sa personalidad niya.
I'm not here for this. Paalala ko sa sarili ko kahit na kinakabahan ako sa gusto kong mangyari. "Actually, just pick anything you like and I'll buy it."
"How about the size?"
"Same as yours,"
"Po? Ako ba pagbibigyan ninyo?" Nagtaka naman 'yung sales lady pero hindi ko na siya pinansin. Itinuon ko na lang sa ibang mga alahas ang pamingin ko habang hinihintay siyang balutin at i-punch in sa system nila na bibilhin ko na ang singsing.
Napunta ako sa section ng mga necklace. Makikinang lahat ng nandito. Hindi ako mahilig sa ganito pero napapatanong ako sa sarili ko kung gusto ba ni Aster ng jewelry. Minsan kasi sobra sa laki ang necklace niya, minsan parang chandelier ang hikaw niya, pero madalas wala siyang kulerete sa katawan bukod sa make-up at fashionable na damit. Napansin ko rin na hindi siya mahilig magsuot ng relo.
"Sir, may iba pa po ba kayong bibilhin?" Muling nagtanong ang sales lady.
"Wala na..." pahina nang pahina ang boses ko ng may mahagip ang mata ko. "Uh, meron pa."
***
Aster was the kind of woman who stands out kahit na hindi niya gustuhin. When I entered the restaurant, every guests would try to sneak a peak on her same as what happen we first met. Gaano na nga ba katagal 'yun?
"Hi!" Bati ko sa kaniya. Hinintay ko siyang tumayo bago ko hinalikan ang pisngi niya. "Mukhang puyat ka ata?" Namumungay ang mata niya at tila pagod na pagod.
"Busy lang," umupo siya uli at uminom ng tubig.
Umupo na rin ako. Ang kaso hindi ako mapakali. Naiinitan ako na giniginaw. Kakarating ko pa lang pero pawis na pawis na ako. Full blast naman ang aircon. "Rest room lang ako. Ikaw na ang umorder para sa akin." Sabi ko nang hindi ko na mapigilan.
Pumasok ako sa restroom hindi para sa tawag ng kalikasan. Nandito ako para huminga at pakalmahin ang sarili ko. Nasa bulsa ko ngayon ang kahon na may laman ng ibibigay ko kay Aster. Proposal. Heto na ang araw na gusto kong madaliin noon para matapos na ang kalokohang ito at mapakasalan ko na si Aster. Pero nang dumating na ang panahon na ito parang sasabog ang tiyan ko sa kaba. Iba na ito, hindi lang isang walang paking proposal ang gagawin ko. Aamin na ako sa kaniya ng tunay kong nararamdaman.
Bumalik ako na mas malaki ang determinasyon kaysa sa takot. Sakto dumating na ang inumin na inorder niya. White wine. Ininom ko kaagad iyon para kumalma ako at 'wag masyadong mag-isip. Inubos ko kaagad iyon at nagpasalin uli sa baso ko.
"Calm down, baka malasing ka kaagad niyan hindi ka na makapag-propose sa akin." Pagbibiro niya. Sa wakas ngumiti rin siya. Simula nang dumating kami parang pilit na pilit na magmukha siyang ayos lang.
"Nauuhaw lang kasi ako." Palusot ko.
Napatingin siya sa water goblet ko na puno ng tubig at tumaas ang kilay.
"Actually," lumunok ako kasi parang naiipin lahat ng laway ko sa bibig ko. "Star,"
"Are you proposing now? Then I'm saying yes if you kneel down and pop that box open."
Tiningnan ko siya. Nagbibiro na naman siya pero hindi ko na papalampasin ito. Lumuhod nga ako sa harap niya. May mga narinig pa akong bulungan at alam kong halos nakatingin ang lahat sa akin pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong sabihin sa kaniya na totoo itong proposal na ito. Na nakaluhod ako para gawing totohanan ang lahat.