Yung akala mong totoong pag mamahal, hindi pala. Yung lahat ng pinakakita nya na akala mo totoo? Hindi pala. Sumaya ako sa kasinungalingan at eto ako? Umiiyak ngayon dahil sa nalaman ko ang katotohanan. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ang gagawin. Parang dinudurog ang puso ko dahil sa sobrang sakit na pinaranas nya sakin at wala man akong alam kung paano papahintuin ang sakit na 'to. Hirap na hirap akong tanggapin ang lahat ng katotohanan pero ano ba magagawa ko? Inosente akong babae na pinag laruan. Akala ko masaya na kami, akala ko perpekto na ang lahat. Akala ko lang pala. Walang totoo sa pinapakita ni Simon sakin. Walang katotohana ang mga pag mamahal na binigay n'ya, walang katotohanan ang lahat at sobrang sakit. "SENA!" Napatingin ako sa malakas na boses ni