Buong mag hapon kami nag stay ni Snow sa bahay, hindi kami lumalabas na dalawa. Sabay kami naliligo, sabay kami kumain at panay ang laro naming dalawa. Naging malapit agad si Snow sa mga kasambahay naming dalawa. Lagi n'ya tong binibigyan kung anong meron s'ya at tuwang tuwa naman ang mga kasambahay. Kinabukasan ay lumabas kami ni Snow, napag pasyahan naming pumunta ng mall. Nasa entrance palang kami ay nag tatalon na s'ya sa tuwa, kinuha ko ang kamay nya at nag simula kaming mag lakad na dalawa. "Mommy! Malaki din mall nila. Snow loves this!" she giggled. Napapatingin sa kanya ang mga taong nadaanan namin. Yumuko ako sa harapan n'ya. "Baby do me a favor." "What is it?" "S-Stop calling me mommy in public. Call me, Ate Dhara." nawala ang ngiti sa labi nito. "Why? Are you mad at me ag-