Sa dalawang araw ay hindi kami nagpansinan ni Tyrell, nag-iiwasan kasi kami saka hindi ako makatingin sa kanya lalo na sa kanyang mga mata, ewan ko ba. Alam ko naman na nahahalata na ng iba na may something sa amin ni Ty. "Anyare?" Usisa ni Zoe. "Lover's quarrel?" Adam smirked. Tahimik lang si Height, halatang nasasabik na malaman pero pinili niya ang huwag magsalita. Nagbuntong hininga ako. "Walang meron." Umiwas ako ng tingin. "Wala raw pero hindi nagkakakibuan o pansinan. Sapak you want?" Zoe joked. Nginitihan ko lang siya, alam ko naman na concern lang sila sa akin pero gusto kong sa amin muna ni Ty ang nangyari. "How about karaoke to cheer you up?" Offer ni Height na biglang nagsalita, "I mean we can go and sing it all out." Ngumisi ako. I like the idea.