Tinignan ko ang kondisyon ng paa ko, hindi na ito masakit di gaya kahapon. Hindi na ako sumabay na mag-dinner kanina, ang sabi ko ay pagod ako at matutulog na agad ako. Maaga akong nagising ngayon dahil sa ingay sa labas. Tumayo na ako, medyo paika ika pa ako pero nawawala naman na ang sakit ng paa ko, lumabas na ako sa kwarto ko at nagtungo sa porch ng cottage para lumabas, napagdesisyunan ko na kakain na ako kasi gutom na gutom na talaga ako, hindi nga kasi ako kumain kagabi. Habang naglalakad ako ay nadaanan ko ang cottage nina Height, pinikit ko ang aking mga mata at namula dahil pagmulat ng mga mata ko kahapon ay ang malapit niyang mukha agad ang bumungad sa akin isabay mo na na magkadikit ang aming mga labi. Ok. Cute si Height lalo na noong basang basa ang buhok niya,