Chapter 32: The Call Diana POV Nagising ako dahil sa gutom, I looked at the side of the bed only to see it empty and cold. Bumalikwas ako't bumangon, hinanap ng mata ko si Trevor sa kwarto ngunit wala siya. Ilang araw na nga ba ang lumipas matapos ang engagement party? Ah! Halos dalawang linggo na pala. That means almost one month na kaming magkasama ni Trevor dito, so isang buwan pa bago ang kasal, isang buwan pa para magdesisyon ako kung tatakas ba ako o hindi. Lumabas na lang ako at binaling ang iniisip saka bumalik sa paghahanap kay Trevor gamit ang mata, siguro nandyan lang siya o maaga siyang umalis. May mga kasambahay na tumigil sa paglilinis sa pasilyo para batihin ako. Noong nasa baba na ako'y agad kong naamoy ang nakakagutom na aroma ng pagkain. Agad akong pumunta sa kusina h