Chapter 33: The Grandparents Diana POV Maaga kaming nagbiyahe ni Trevor kaya't dumating kami ng madaling araw sa bayan ng Algaya, magkakalayo ang mga bahay at karaniwang bukid na may mga tanim na palay ang matatanaw, malawak ang mga kapatagan at tahimik ang lugar. Alas singko kami nakarating ngunit may nakikita na akong mga magsasaka na nagdidilig sa mga palay, mga ilang minuto pa bago tumigil ang sasakyan sa harap ng isang may kalumaan na matayog na gate, may malaking arko sa itaas mismo ng gate na may tatak na Silician Real Estate. Silician? Binusina ni Trevor ang sasakyan at bumukas ang maliit na gate sa gilid ng main gate, may lumabas na isang lalake at lumapit, binaba ni Trevor ang window para makita siya ng lalakeng tumatayo bilang gwardya, noong nakompirma na si Trevor ang nasa