Chapter 24: The Shopping Diana POV Ilang araw na ba ang nakalipas? Madalang na lang kaming nagkakasama ni Trevor dahil sa trabaho niya, lagi siyang wala sa mansion at kapag umuuwi siya'y pagod naman kaya diretso tulog, hindi ko alam pero parang ang layo na niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ito ang nararamdaman ko. Kahit man na gusto kong magising ng maaga ay mas maaga naman siyang gumigising at umaalis, ang kalabasan, hindi man lang kami nagkakausap kahit sandali, para nga akong hangin sa kanya e. At naaasar ako doon! Sino nga ba namang hindi maaasar? Hindi naman talaga ako ang shopping type girl, in fact, I despise shopping and going to malls pero kailangan kong maglibang ng sandali at lumabas sa mansyon, pampatay na rin ng oras. Mabuti nga at walang gagawin si Michelle so I invite