Chapter 25: The Party Diana POV Agad akong dumiretso sa Foodcourt, hindi ako nahirapan sa paghanap kina Michelle at Paris, bangayan pa lang nila alam mo na agad na silang dalawa iyon. Hindi ko alam pero nagsasagutan na naman ang dalawa at parang hindi pa nila napansin na dumating na ako, nakaupo silang dalawa sa isang pabilog na mesa at mukhang naka-order na, hinihintay na lang siguro ang orders. "Ehhem." I faked a cough, napatingin silang dalawa sa akin sabay tigil sa pagsasagutan. "Nakakaisturbo ba ako?" I smiled. "Baka gusto niyo umalis muna ako o sa tabing mesa na lang pumwesto?" Pang-asar na dagdag ko sa dalawa. They frowned. "No way!" Sabay na litanya nila. Umiling ako't nakiupo, hindi nagtagal ay dumating na rin ang order namin at kumain na kami, mabuti na lang at alam ni Paris