Story By Trinity Go
author-avatar

Trinity Go

ABOUTquote
Gemini. Aspiring Writer from Bulacan. •Writing is my excellent way to make sense of my emotions, because when I write, I express myself.
bc
Man Of Her Dreams 2: Dimmitry
Updated at Nov 30, 2022, 15:15
Lumaki si Althea sa Isla Del Fuego, ang islang minana pa niya sa kanyang yumaong mga magulang. Dahil sa hindi kanais-nais na trahedya noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot at panginginig kapag nakakakita ng lalaki. Tanging mga pinsan lamang niya ang hinahayaan niya na makalapit sa kanya. Pero narito sa isla si Dimmitry, ang binatang piloto ng isa sa mga copper nila na mula sa bintana ng kwarto niya ay palagi niyang nahuhuli na nakatanaw sa kanya. Lingid sa kanya ay ito pala ang tutulong sa kanya para malagpasan ang takot niyang iyon nang masumpungan niya ang sarili na nasa mga bisig ng binata.
like
bc
Man Of Her Dreams 1: Glenard
Updated at Jul 31, 2022, 14:35
Si Sandra---isang Francisco. Si Glenard---isang Galvez. Mula pagkabata ay lihim ng matalik na magkaibigan ang dalawa . Lihim dahil may alitan ang kani-kanilang pamilya na nagsimula pa sa kanilang mga Lolo kaya bawal kahit ang lumapit man lang sa isa't isa. Pero hindi nila iyon sinusunod. Para sa kanila ay walang sinuman ang maaaring pumigil sa kanila dahil labas sila sa away ng mga ito. Pero paano kung isang gabi'y matagpuan na lamang nila ang sarili na magkaniig sa isang islang noon pa ay lihim na nilang pinupuntahan? Mapapanatili pa ba nila ang pagkakaibigan kung malantad ang tunay na dahilan ng alitan ng kanilang mga angkan? Pamilya kaya ang uunahin nila, o ang isinisigaw na ng kanilang mga puso?
like
bc
My Stranger Wife, Ninia
Updated at Feb 12, 2022, 01:25
Nagpanggap si Ninia bilang asawa ni Alexis Quintana, ang asawa ng twin sister niya na si Nancy. Dahil likas ang kabutihang loob, ginawa niya ang pagpapanggap para isalba ang kasal ng mahal na mahal na kakambal nang iwan nito ang asawa at sumama sa ibang lalaki. May pag-asa kayang maayos ni Ninia ang relasyon ng dalawa kung siya ang araw araw pinarurusahan ni Alexis para sa kaparusahang dapat ay sa kakambal niya? Paano kung hilingin ni Alexis na sumiping sa kanya? Kaya pa rin kayang isakripisyo ni Ninia ang dangal para sa pagmamahal sa kapatid? At paano kung pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya ay biglang bumalik si Nancy kung kailan ramdam na niya ang pag-amo ni Alexis?
like
bc
For the Love of Luna
Updated at Dec 6, 2021, 05:22
Dala nang kawalan ng pag-asa matapos ma-suspinde sa trabaho, napilitang mag-labandera si Luna para sa dalawang kapatid at may sakit na ama. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral mula nang maisanla at maibenta ng tuluyan ang lupa nila, dahil sa matagal na gamutan noon ng kanyang ina na kalaunan ay namatay din. Ngunit tila naman nagbiro ang tadhana nang kalaunan ay may mag-rekomenda sa kanyang maglaba sa taong nakabili ng lupa nila. Pero sa pagkagulat niya, ang taong ipinaglalaba pala niya at nakabili ng lupa nila ay walang iba kung hindi si Reagan De Alba. Ang taong walang pakundangang sumuspinde sa kanya sa trabaho nang hindi muna inaalam ang puno't dulo ng lahat. Pero ano't sa isang iglap ay inalok siya ng kasal ng binata? Tunghayan kung paano magagawang yakapin ni Luna ang makisama sa isang Reagan De Alba na bukod sa mayaman ay mala-Adonis pa sa
like
bc
I Love The Pastry Chef
Updated at Mar 31, 2021, 10:35
Gumuho ang mundo ni Tiffany matapos niyang mahuli ang asawang si Zach na may ibang babae sa mismong araw ng wedding anniversary nila. Kasabay ng pagkamatay ng puso niya, ibinuhos niya sa negosyo at sa anak ang lahat ng kaniyang panahon. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magmamahal muli.     Ngunit makakaya ba niyang pangatawanan ang pangakong iyon kung isang Arnie Vasquez ang bubuhay muli sa puso niyang namatay? Na handang gawin ang lahat para sa pagmamahal sa kaniya, sa kabila ng ito pala ang dating asawa ng babaeng ipinalit ni Zach sa kaniya.
like
bc
The Revenge of Marco Demicillo
Updated at Feb 28, 2021, 14:35
BOOK 1&2 COMPLETED Bully. Liberated. Self centered. That was Vrenda Dela Vega. Ginagamit niya ang ganda, impluwensiya ng mayamang pamilya at kasikatan sa buong campus para lang makuha ang gusto. Ngunit ano ang gagawin ng Miss perfect na kagaya niya, kung pagkatapos ng ilang taon ay muling mag-krus ang landas nila ng isang taong pinagkakautangan niya ng malaki? Madadaan niya kayang muli ang lalaking ito sa ganda niya kagaya noon? O kakainin niyang lahat ang sinabi niya na naglagay sa lalaking ito sa malaking kahihiyan?
like
bc
Heart Memories
Updated at Jan 7, 2021, 07:59
Umakyat ng bundok Ayati si Arthuro Plamemiano para hanapin ang sinasabing milagrosong bukal na siyang pag-asa niya para mapagaling ang may sakit na kasintahan. Doon ay nakilala niya ang tour guide na si Mariana Sultano. Naituro ni Mariana kung nasaan ang pakay niya at nakakuha siya ng mahiwagang tubig. Ngunit sa pagbaba nila ay naaksidente si Arthuro. Amnessia. Nawalan ito ng alaala at tuluyang nakalimutan kung ano ang dahilan ng pagkaka-padpad sa bundok na iyon. Ano ang gagawin ni Mariana? Isasauli ba niya si Arthuro sa pamilya gayung una pa lamang ay may kakaiba na siyang naramdaman sa binata? Paano na ang nobya nitong siyang dahilan ng pag-akyat nito sa bundok na iyon?
like
bc
My Beautiful Angel - TAGALOG (COMPLETED)
Updated at May 17, 2020, 08:52
Bawat tao may madilim na bahagi ng kahapon. Bawat isa ay nais makalimutan ito, o kahit makatakas man lang dito. Therese Valencia. 21. Rebelde sa magulang, mukhang ewan manamit, palagiang may nakakatakot na kolorete sa mukha at may hikaw pa sa ilong at dila. Ganito ang paraan ni Therese para itago ang anino ng nakaraan. Sa pamamagitan ng pagtatago niya sa makapal na makeup, ay hindi niya nakikita ang mukha na may masalimuot na pinagdaanan. Ngunit ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo nila ni Clint Del Valle? Isang business tycoon. Seryoso sa lahat ng bagay. Mayaman. Guwapo at pangarap ng lahat ng kababaihan. Na sa unang beses palang na pagtatagpo nila ay inis na sa kanya. Hindi lang sa paraan kung paano sila nagtagpo. Kung hindi dahil sa edad ni Therese na 21 ay nasa ikalawang taon pa lamang nito sa sekondarya. At ito pala ang estudyanteng matagal ng sakit sa ulo ng nakababata niyang kapatid. May pag-asa bang magbago ang isang kagaya ni Therese? May pag-asa bang mahulog ang loob nila sa isa't-isa, kung si Clint pala ay may malaking bahagi sa kaniyang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan?
like