59.994K
VISITORS
10.069K

ABOUT ME

"Write what you want to read."

ABOUT ME

"Write what you want to read."
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Cinnamon

Andriano's Fat Baby

Andriano's Fat Baby

40.444K Reads

Patti Garcia is a fat young woman who is married to Andriano Villafuerte, a wealthy businessman. While she believed she had finally found her fairytale-like love story, she discovers that not all fairytales have happy endings. She suffered a miscarriage and found out that her husband was having an affair. When she chose to leave him, a series of tragic events happened. Her father died of a heart attack, and she was involved in an accident. A few days later, she woke up with a man offering her a deal in exchange for her revenge. She returned three years later as Tricia Silvantes, a seductive and fierce model. Will she be able to exact her vengeance? Or will she fall victim to Andriano's temptation?

Updated at

Read
The Newly Hired Bodyguard

The Newly Hired Bodyguard

37.279K Reads

Bilang bagong bodyguard ng isang mayamang don, naatasan si Rael na protektahan ang nag-iisang anak na dalaga ni Don Devid—si Dahlia. Unang kita pa lamang sa babae ay nahumaling na siya rito. Ngunit paano kung sa unang araw niya bilang bodyguard nito, muling magbalik sa buhay niya ang dating nobya na hiniwalayan siya nang walang sapat na rason. At napag-alaman din niyang magkapatid pala ang dalawa sa ama. Magagawa ba niyang protektahan ang dalagang amo kung sa bawat minutong dumaraan, ang kapatid nito ang hinahanap-hanap niya?

Updated at

Read
Alluring the Heiress

Alluring the Heiress

34.783K Reads

Kasabay ng pagbabalik ni Ciara sa kanilang hacienda upang alagaan ang lolo niyang may sakit, hindi niya ni minsang naisip na makukulong ang matandang don at mawawala sa kanila ang lahat kapag hindi nabayaran ang malaki nitong utang. Sa kagustuhang matulungan ang matanda at maisalba ang mansiyon na tanging alaala sa kaniya ng mga yumaong magulang, napagdesisiyunan niyang ibenta ang Hacienda Lancheta upang ipambayad sa lahat ng pinagkauutangan nila. Si Linus Gallardo, ang mayamang businessman na nakahandang bilhin sa dobleng halaga ang kanilang asyenda ay inaalok siya ng isang kasunduang ni sa hinagap ay hindi niya naisip—ang magpakasal dito. Kung tatanggapin ng dalaga ang alok nito, matatanggap din kaya niya ang pag-ibig ng lalaki? Paano kung madiskubre niya ang isang madilim na sikretong itinatago nito? Tuluyan niya kaya itong kamuhian? ——— Book cover resources not mine. Credits to the rightful owners. Photo: Woman photo created by ArthurHidden - www.freepik.com

Updated at

Read
Filthy Bastard

Filthy Bastard

1.514K Reads

SOON. Nakilala at minahal ni Theo si Dal noong mga panahong mayor pa ang lalaki sa isang maliit na probinsiya ng San Agusto Fe. Ngunit matapos may mangyari sa kanila, natuklasan niyang may ibang babaeng iniibig ang binata—si Talia. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila kaya pinili niyang magpakalayu-layo upang hindi makasira ng relasiyon. Subalit makalipas ang limang taon, muling nagkrus ang mga landas nila ng lalaki. Malayo na ito sa dati nitong buhay na isang politiko, but now he was everything a woman could ever ask for. Hindi niya napigilan ang sarili na muling mahulog dito sa kabila ng katotohanang engaged na siya sa lalaking si Jafar Casiño. Sa pangalawang pagkakataon, ibinigay niya ang puso at katawan sa binata. Pero katulad noon, isang bagay ang natuklasan niya tungkol dito—bagay na muling wawasak sa kaniyang puso.

Updated at

Read
The Coldhearted's Revenge

The Coldhearted's Revenge

44.586K Reads

Matapos umalis upang sumama sa mayamang lalaki ang nag-iisang babaeng minahal ni Atticus Figueroa, mula sa pagiging masayahin at matulungin ay tuluyang nagbago ang ugali niya. Lumipas ang tatlong taon, makikilala niya ang babaeng gugulo sa kaniyang buhay. Ang babaeng walang sawang ihahayag araw-araw ang pag-ibig nito para sa kaniya—si Mahalina Marasigan. Kahit pa sabihing may hitsura ang dalaga ay hindi niya ito magawang magustuhan. Ngunit nang malaman ang relasiyon nito sa babaeng minsan na niyang minahal at trumaydor sa kaniya, upang muling makapasok sa buhay ng dating asawa at makapaghiganti rito, pinakasalan niya ang dalagang si Mahalina. Matututunan kaya niyang mahalin ang anak ng taong umagaw sa kaniyang pinakamamahal o tuluyan siyang kamuhian nito oras na malaman nito ang tunay na dahilan kung bakit niya ito pinakasalan? ——— Book cover resources not mine. Credits to the rightful owners. Photo: Woman photo created by gpointstudio - www.freepik.com

Updated at

Read
Halik ng Manananggal

Halik ng Manananggal

19.713K Reads

Matapos takasan ang kamatayang humahabol sa kanila, natagpuan nina Ahnia at Conrado ang kanilang mga sarili sa isang liblib na baryo sa Antique. Sa isiping hindi pa rin sila ligtas mula sa kapahamakan, nagdesisyon ang dalawa na manatili muna sa Baryo Crisostomo. Ngunit ang hindi nila alam ay mas malagim at madugo pala ang naghihintay sa kanila sa naturang baryo.

Updated at

Read
Shotgun Wedding (Tagalog)

Shotgun Wedding (Tagalog)

1431.015K Reads

Ang sabi nila, ang pagpuputa raw ang pinakamatagal na propesiyon sa mundo. Lumaki at namulat ang dalagang si Carmina sa lugar kung saan namumugad ang mga beteranang pokpok—sa Caloocan. Sa lugar nila, walang mga bata o mga kapit-bahay ang huhusga sa iyo kung pagbebenta ng laman ang ikinabubuhay mo. Talamak ang pagbebenta ng puri dito at halos lahat ay kapit-patalim, may maipanlaman lamang sa kumakalam na sikmura. Kaya nagawang ipangako ni Carmina sa sarili na hinding-hindi siya tutulad sa ina niya na isang bayarang babae. Hinding-hindi niya ibebenta ang sarili kapalit lamang ng pera. Hindi siya papayag na mabuntis ng kung sinong lalaki at hayaang lumaki ang anak niya nang walang ama. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, at ang trabahong isinusuka niya noon ay ang mismong trabahong kakapitan niya ngayon. ——— Book cover resources not mine. Credits to the rightful owners. Photo: Wedding photo created by Racool_studio - www.freepik.com

Updated at

Read
In a Relationship with an Aswang (Completed)

In a Relationship with an Aswang (Completed)

36.746K Reads

Si Nica Sebastian ay isang simpleng estudiyante, na nag-aaral sa pangkaraniwan na eskuwelahan. Ngunit nagulo ang simple at tahimik niyang buhay nang magsimulang lumitaw ang bangkay ng mga babaeng wakwak ang dibdib at tiyan. Hinala ng marami, isang aswang ang gumagala sa gabi at naghahasik ng lagim sa kanilang lugar. Ang hindi lang nila alam ay kung sino ito, at bakit mga babae lamang ang binibiktima nito. Iyon ang gustong malaman ni Nica nang siya na mismo ang punteryahin ng metolohiyang nilalang. Sa kagustuhan na matuklasan ang tunay na pagkatao ng aswang, nakilala niya at napalapit siya sa misteryosong estudiyante ng kanilang paaralan. Paano kung sa halip na ang tunay na katauhan ng nilalang na ito ang madiskubre niya; ang madilim na sikreto ng lalaking pinagkatiwalaan niya ang kaniyang matuklasan? Nakahanda ba siyang talikuran ang pagkakaibigang nabuo nila, at ang umuusbong na pagtingin niya para dito upang gawin ang tama? O makakaya nga bang suungin ng pag-ibig ang lahat kahit pa ang kamatayan? Halina't samahan si Nica na tuklasin ang misteryong hatid ng gumagalang aswang!

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.