Story By HANNAHCB
author-avatar

HANNAHCB

ABOUTquote
MONTEALEGRE SERIES [COMPLETED] 1. Akira\'s Curse 2. Loving Chaos 3. Beautiful Scars 4. Sweet Escape 5. Hold Me Close 6. His Only Desire GAME SERIES 1. Laurent\'s Game [COMPLETED] 2. Cillian [SOON] 3. Hraevne [SOON] CAPTIVATED SERIES [2022] 1. Beast In My Bed [COMPLETED] 2. The Beast Wants Me 3. Beauty Hates the Beast STAND ALONE STORIES 1. Domino\'s Effect [COMPLETED] 2. His Warm Touch [COMPLETED] 3. Chains of the Past [2022] SOCIAL MEDIA ACCOUNTS: Facebook: Claire Montealegre Facebook Page: Hannahcb Instagram: Iamgorgeousblack Twitter: Michix_claire
bc
CAPTIVATED 1: Beast In My Bed
Updated at Jul 31, 2022, 13:51
CAPTIVATED SERIES 1 Namilog ang mga mata ko nang matantong hindi ako nag-iisa sa kama. There’s… there’s a beast in my bed! *** Sa edad na bente otso anyos, masasabi ni Kirsten Vizartes na successful na siya sa buhay. Maganda ang takbo ng negosyo niya at malapit na siyang ikasal sa nobyo niya. Ngunit dahil sa isang pagkakamali ay guguho ang maganda at maayos niyang buhay. Sa isang birthday party ng kaibigan niya ay nalasing siya. Nang magising kinabukasan, laking gulat niya nang may katabi na siyang isang lalaki sa kama—si Archer Mendes, ang lalaking may kulay asul na mga mata na aksidenteng pinagsukuan niya ng sarili. Hiniwalayan si Kirsten ng fiancé nang malaman ang kasalanan niya. Hindi na rin matutuloy ang kasal nila. Ang malala pa, gusto siyang ipakasal ng mga magulang kay Archer. Paano na lang itatama ni Kirsten ang isang gabing pagkakamali niya?
like
bc
Montealegre Series 6: His Only Desire
Updated at Jun 9, 2022, 21:52
Montealegre Series #6 Bata pa lang si Valerie Leostre ay mataas na ang pangarap niya sa buhay. Kaya todo ang pagsusumikap niya para maging isang sikat na artista balang araw. Pero nang makilala niya si Castiel Rivera ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Naging isa na rin sa mga hinahangad niya ang binata. Ngunit paano kung maipit siya sa isang sitwasyon kung saan ay kailangan niyang mamili sa dalawa? Ang pangarap niya ba o ang pagmamahal sa binata?
like
bc
Montealegre Series 5: Hold Me Close
Updated at Apr 8, 2022, 02:38
Montealegre Series #5 Si Belle Montealegre ang masasabing pinakasimple at mabait sa magpipinsang Montealegre. Tanging siya lang ang naiiba dahil sa pagiging mahinhin, inosente, at pala-kaibigan niyang ugali. Isang araw ay may makikilala siyang photographer, si Drake Crescento. Gusto nitong kuhanan ng litrato ang bagong bukas niyang coffee shop. Hindi alam ni Belle na sa simpleng pagtatagpo nila ay magiging malaking parte ng buhay niya ang binata. Ngunit nakatadhana ba itong manatili sa buhay niya?
like
bc
His Warm Touch
Updated at Jan 21, 2022, 22:35
Dahil sa kahirapan ng buhay ay kinailangan ni Katie Feltes ang magtrabaho sa isang club. Ngunit sa kamalasan, na-raid ito kaya nagsara na. Nang mawalan ng trabaho ay nanghingi si Katie ng tulong kay Mr. Hakenson, ang isa sa mga costumer niya. Nang alukin siya nito na maging kasambahay nila ay walang pagdadalawang-isip na pumayag ang dalaga. Ngunit natanto niyang mali ang ginawa niyang pagtanggap sa tulong ng matanda nang makilala niya ang panganay na anak nito—si Khairros Hakenson. Ito lang naman kasi ang lalaking kasama niya sa VIP room bago ma-raid ang club.
like
bc
Domino's Effect
Updated at Nov 3, 2021, 01:31
Para makamit ang hustisyang nais, handang gawin ni Haelynn Lopez ang lahat kaya naman ay walang pagdadalawang-isip niyang inakit si Domino Alvarez, ang lalaking susi sa hustisyang hinahanap niya. But seducing Domino Alvarez wasn't easy. May kakaibang epekto ang binata sa sistema ni Haelynn na unti-unting nagpapawala sa kanya sa tamang pag-iisip. Magtatagumpay kaya si Haelynn na maakit ang binata at gamitin ito sa mga plano niya... o siya ang maaakit ng binata at magagamit sa sarili nitong kasiyahan?
like
bc
Montealegre Series 1: Akira's Curse
Updated at Sep 6, 2021, 05:27
Montealegre Series #1 Dahil sa utang na loob ni Akira kay Curse Montealegre, kinailangan niyang gawin ang pinapagawa nito sa kanya—iyon ay ang magpanggap na girlfriend nito sa isang family reunion. Ang hindi alam ni Akira ay engagement party pala iyon ng binata. Kaya ang magulong buhay ni Akira ay mas lalong naging magulo dahil kay Curse. Isa yata itong sumpa sa buhay niya... na ayaw niyang mawala.
like
bc
Montealegre Series 4: Sweet Escape
Updated at Jun 29, 2021, 10:37
Note: May spoiler sa Beautiful Scars ang kuwentong ito. Mas maganda kung 'yon muna ang unahin nyong basahin bago ito. Montealegre Series #4 Nakagawa ng malaking kasalanan si Chloe Montealegre sa kapatid na si Silent. Kaya nang pagbantaan siya nitong ipapakulong ay dali-dali siyang umalis sa kanila para makapagtago. Napadpad siya sa isang lugar. At dahil kailangan niyang magtago sa kapatid, nang may makilala siyang mag-asawang matanda ay nagpanggap siyang may amnesia dahilan para kupkupin siya nito. Ayos na sana ang lahat, pwera na lang sa apo ng kumupkop sa kanya na pilit inaalam ang totoo niyang pagkatao. Magiging dahilan ba ito para mabunyag ang iba pa niyang mga sekreto?
like
bc
Montealegre Series 3: Beautiful Scars
Updated at Mar 31, 2021, 08:44
Montealegre Series #3 Dahil sa ginagawang pagpapanggap ng kakambal na si Yesxia, nadudumihan ang pangalan ni Hestia. Nagdudulot iyon ng matinding sakit sa ulo niya. Ang hindi niya alam, magiging sanhi rin pala ito para magkalapit sila ni Silent sa isa't isa. Sa lahat kasi ng tao, tanging si Silent Montealegre lang ang nakatuklas ng sekreto ng magkakambal. Doon natanto ni Hestia na sa lahat ng Montealegre, kay Silent siya hindi dapat na mapalapit dahil sa dala nitong panganib sa kanila ng kakambal at sa puso niya.
like
bc
Game Series 1: Laurent's Game
Updated at Jan 31, 2021, 19:57
Dahil sa katigasan ng ulo ni Laurent Segovia ay dinala siya ng mga magulang niya sa Antipolo para ilayo sa bad influence niyang mga kaibigan. Kaya naman nag-isip si Laurent ng paraan para magrebelde at makabawi sa mga magulang niya. At sa Antipolo niya natagpuan ang sagot sa plano niya—si Aeious Salcedo. Ang plano lang ni Laurent ay gamitin si Aeious sa pagrerebelde niya sa mga magulang, pero biglang nasira ang plano niya nang tumibok ang puso niya para kay Aeious. At huli na nang matanto ni Laurent na... Si Aeious na ang kumokontrol sa larong sinimulan niya.
like
bc
Montealegre Series 2: Loving Chaos
Updated at Nov 28, 2020, 05:00
Montealegre Series #2 Si Raileigh ang tipo ng babaeng grabe kung magmahal. Kahit anong sakit ang maaari niyang maranasan sa isang tao ay isusugal niya pa rin ang puso hanggang dulo. Kaya noong bigla na lang siyang iniwan ng boyfriend niya na si Chaos Montealegre ay mas pinili niya pa rin ang hintayin ang pagbabalik ng binata. Pero sa muling pagbabalik ni Chaos ay masusubukan kung gaano kasakit ang kayang tiisin ni Raileigh nang malaman niya ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala si Chaos noon.
like