bc

My Boss My Slave (Tagalog Version)

book_age18+
120
FOLLOW
1K
READ
possessive
playboy
arrogant
dominant
powerful
sweet
enimies to lovers
love at the first sight
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

Si Leticia ay maraming pangarap sa buhay noon, isa na dito ang makapagtapos ng kolehiyo, makaahon sa kahirapan at magkaroon ng magandang trabaho. Sa pagnanasang mabago ang kanyang buhay ay madali siyang nahulog sa alok ng isang kilalang negosyante sa kalapit na bayan. Pero ang hindi niya inaasahan na ito pala ang magbibigay ng kamalasan sa buong buhay niya. Nagdaan ang maraming taon, nakalimutan na ng mga tao ang isang masamang bangungot na naranasan ni Leticia sa nakaraan, pero para kay Leticia, ang bangungot na iyon ay sariwa parin sa kanyang alaala. Hanggang sa nakilala niya si Cole ang isang batang negosyante, tinulungan siya nitong bayaran ang kanyang pagkakautang kapalit sa kanyang serbisyo bilang isang katulong nito. Kahit na mahirap sa kanya ang magtiwalang muli, sumugal parin siya dito. Pero paano kung ang pangalawang taong pinagkatiwalaan niya ay apo pala ng taong siyang sumira sa kanyang buhay? Maghihiganti ba siya dito dahil sa kasalanan ng lolo nito o patuloy siyang susugal para pagkatiwalaan ito?

chap-preview
Free preview
Simula
Matumal. Isa ito sa mga umagang tinitingnan lang ng mga tao ang mga paninda ko. Nilalagpasan at walang interes na iniiwan. Binisita ko na ang mga suki ko at ilang iling na ang natanggap ko ngayong araw. Kesyo, walang pera, kapos sa badyet, o kung di man, may ulam na, at toyo na lang daw muna. Aminado naman ako na mahina talaga ang benta ngayon, gawa marahil ng sobrang taas ng presyo ng mga bilihin. Tumingala ako, damang-dama ko na ang paglalapat sa balat ng mainit na sikat ng araw. Napakaaliwalas ng kalangitan. Mag-aalas diyes pa lang ng umaga, pero sadyang mainit na ang ibinubuga ng araw. Pawisan na ako. Dalawang balde ng isda ang bitbit at konti pa lang ang nababawas sa mga paninda. Medyo kumakalam na rin ang sikmura. Kaya ko pa naman, mamaya na ako mag memeryenda kapag nakarami na ng benta. Mababawasan na naman kasi ang kita ko kapag pinagbigyan ko pa ang pag-aalburuto ng sikmura ko. Pasipol-sipol pa ako ng magpatuloy sa paglalakad. Marami akong nadadaanan na mga puno. Malulusog ang mga puno at hitik ang mga Ito sa bunga. Sa isang probinsiyanang lumaki sa tagong lugar na ito ay karaniwan na lamang ang makakita ng mga bungang natatanaw sa mga nagkalat na mga puno sa kapaligiran. Puno ng niyog, santol, at bayabas ang bubungad sa taong bibisita sa aming tahimik na bayan. Sa ibang dako ay puno naman ng papaya. Mas nagkalat lang ang puno ng mga mayayabong na puno ng mga mangga. Sa pagmamasid sa paligid nagulat na lang ako ng may biglang humintong sasakyan sa harapan ko pa mismo! Isa itong kulay itim na sasakyan. Magara, at napakakintab. Natatanaw ko ang pinaghalong gulat, at takot sa aking itsura sa nangingintab na nguso ng sasakyan. Malakas na tumatahip ang aking dibdib! Hawak ko ngayon ang kaliwang bahagi ng itaas ng dibdib. Hindi na nga ako makapagbenta ng maayos, heto at masasagasaan pa?! Sa galit ko, at sa nagdidilim na diwa ay walang pag-aalinlangan kong ibinuhos sa nguso ng makintab na sasakyan ang dalawang baldeng bitbit na isda! Papatayin ba ako ng kung sino man ang nagmamaneho?! Kung papatayin man ako, at kung sinasadya man nito, huh, hindi ako makapapayag na hindi makaganti sa kanya! "What did you do!?" Isang baritonong boses ang aking narinig, bukod pa sa malakas na kalampag na pagkakasara ng pinto ng sasakyan. Lumunok ako bago bumaling ng husto sa lalaking kaharap! Teka… Nasa langit na ba ako? Kaharap ko na ba ngayon ang isa sa mga anak ng Diyos? "If there's a scratch on it, I'll sue you…" Umigting ang panga ng lalaki. Natunaw ang tapang ko at tila nahihiptonismo na ako sa lalaki! Teka, nga ulit! Baka naman sa impyerno ako napunta? Ang sama ng tabas ng dila ng lalaking ito a? Ako na nga ang… Hindi pa ako patay! Kamuntik lamang ako nasagasaan ng kumag na 'to at dahil sa inis ko binuhos ko sa hood ng kanyang sasakyan ang mga binebentang isda. Ngayon, paano ko pa ito mababayaran kay Mang Delfin? Siya ba ang magbabayad?! "Even a small scratch, you'll gonna pay for it…" Mayabang… Bagong mukha. Dayo? "Ang yabang mo a," simple akong lumunok ng muling umigting ang kanyang panga. Sa magazine at sa telebiyion lamang ako nakakakita ng ganitong klaseng hitsura. Mga lalaking umiigting ang panga, mestizo, matangkad, gwapo, matangos ang ilong… "Whatever you say woman, you have to pay for the scratch." Madiin at matigas niyang hayag. Magkasalubong pa ang mga kilay nito. Naka corporate attire ang hudyo. Tila naligaw lang yata sa tagong lugar na ito. At ano naman ang ginagawa niya dito? "Hoy mister, kamuntikan mo na akong masagasaan tapos ako pa ang magbabayad sayo? Ang swerte mo din no?!" mataray kong saad. Pinasadahan ko pa ng tingin ang mga isdang nagkalat sa hood ng kanyang sasakyan. May mga tubig na umaagos mula sa laman ng baldeng ibinuhos. "You're wasting my time," Tila nagtitimpi ito ng galit! Pero hindi ba, ay ako ang dapat na magalit sa kamuntikang pagkakasagasa? "Aba, sinasayang mo rin ang oras ko. Dapat naglalako na ako ng mga isda ko at hindi ang makipagtalo sayo. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga isdang yan? Mauubos na ang oras ko pero heto ako ngayon nakikipag bangayan sayo…" "Magkano ba ang lahat ng 'yan? Babayaran kita kung iyan ang gusto mo, pero babayaran mo rin ang gasgas na nilikha mo sa sasakyan ko." Umuusok na ang ilong ko sa galit! Mayabang na nga, suwapang pa?! "At yung buhay ko, kaya mo bang bayaran?" Nagkatitigan kami. Pinapasadahan niya ako ng tingin habang nanatili lamang akong nakatitig sa maputi at makinis niyang mukha. Hindi siya nababagay sa lugar na ito. Tila siya isang banyagang naligaw. Halatang hindi kabisado ang lugar. "How much is your life then?" Buwiset na yan! Gwapong-gwapo na ako sa kanya. Malas lang niya at hindi ako ang klase ng babaeng mabilis magpadala sa tukso gaano man kagandang lalaki ang nasa harapan ko! Humakbang ako patungo sa lalaki. Kampanteng nakatitig. Ako nag-iinit na ang pisngi sa sobrang galit, samantalang siya'y nakahalukipkip kalmadong-kalmado! "Gwapo ka… pero hindi ko pinangarap na magkagusto sa isang aroganteng kagaya mo," Pinasadahan ko siya ng tingin. Nagkamali yata ako sa ginawa dahil masyado pa akong namangha! Tumingala pa ako dahil sobrang tangkad niya. Ni hindi nga ako umabot sa leeg niya. Hanggang dibdib lang ako ng lalaki. Malapad ang pangangatawan niya at tang-inis pa, dahil ng hustong makalapit sa kanya, naamoy ko pa kung gaano siya kabango! Samantalang ako, amoy isda na'y amoy araw pa! "Hindi rin ako magkakagusto sayo," He sounded like a mafia. Baka naman miyembro Ito ng isang mafia? O kung di man, ito mismo ang mafia boss? Umiling ako. Hindi rin… "Look, you ruined my car. Late na rin ako sa ka meeting ko and you put that thing on my car…" Tila nandidiri itong tumingin sa mga isdang nasa hood ng sasakyan nito. Napasentido ito. Tila ba milyones ang nawala sa araw na ito. "Bayaran mo ang mga isda ko," matapang kong hayag. "You're kidding me," ngumisi ang lalaki hindi yata makapaniwala sa aking sinabi. "And how about my car? It cost millions," "At ang buhay ko? Kamuntik mo na akong masagasaan kung umasta ka ay parang aso lang ako na mapapatay mo?!-" "But I didn't… maayos ka naman-" Nanggagalaiti ako sa galit, kumuha ako ng isang piraso ng isda mula sa hood ng kanyang sasakyan. Walang pagdadalawang-isip sa gagawin... Binato ko na siya ng isda. Kumuha pa ako ng isa pa hanggang sa sunod-sunod ko na siyang binabato. Muli kong nasilayan ang pag-igting ng kanyang panga! Nakakatakot na, pero ang yabang niya, kaya nababagay lamang ito sa kanya! Hiningal ako pagkatapos ng sampung sunod-sunod na pagbato ng isda sa kanya… may hawak pa ako sa kamay ng tumigil. "You done?" Gigil na gigil na ako pero ang lalaking Ito ay nakitaan ko pa ng katuwaan?! Babatuhin ko pa dapat pero… "Now you have to pay for my car, for my clothes, and for the millions I got lost for today…" "Ang kapal ng mukha mo!" Sa galit ko siguro kaya hinihingal ako. "Muntik mo na akong masagasaan pagkatapos ay sisingilin mo pa ako? Mas mahalaga pa rin ang buhay ng isang tao!" "But I didn't. Malakas ka pa. Binato mo pa ako ng mga isda. So it's your chance to pay…" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. May kinuha naman mula sa bulsa ang lalaki. "Yes it's me attorney, yeah… Nakarating na ako, but something happened…" Tumitig siya sa gawi ko. Kinbahan kaagad ako sa magiging takbo ng usapan ng mga Ito. Ipakukulong ba niya talaga ako? "I can sue her right?" "Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ho siya!" Mas lumapit ako sa kanya nakikipag-agawan na sa telepono niya. "Stop," awat nito sa kamay ko. Hindi ko na maabot kasi nasa ere na ang telepono at naka-taas ang kamay niyang hawak ito. "Ang sama mo…" gigil kong saad. "Dayo ka lang naman dito pero kung umasta ka'y parang iyo na ang buong lugar na ito…" "I have billions in my account…" Umiigting ang panga nitong saad. "Sa lugar mo, maaring kaya mong bilhin ang lahat, pero sa lugar ko kahit na wala akong kahit na isang libo, ako ang hari dito…ako ang masusunod. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin…" Hinawakan ko siya sa braso. Tila napaso pa ako nung lumapat ang balat ko sa kamay niya. Ramdam ko ang mga maugat niyang braso pero hindi ako nagpatinag, hinila ko pa rin siya sa braso kahit nahihirapan akong hatakin siya...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook