bc

PRIME (The Mafia Lord's Son)

book_age18+
26.6K
FOLLOW
112.6K
READ
killer
forbidden
opposites attract
arranged marriage
mafia
drama
comedy
humorous
mystery
genius
like
intro-logo
Blurb

Simula nang mamatay ang ama ni Sashna, nagbago ang pakikitungo ng kaniyang Tita Catalina sa kaniya. Inalila siya nito hanggang sa tuluyang ibenta sa isang kabaret. Labis ang pagmamakaawa ni Sashna ngunit wala itong nagawa. Pinagtangkaan siyang halayin ng may-ari ng kabaret ngunit pinilit niyang makatakas. Isang binata ang kaniyang nabangga at sa labis na panghihina ay nawalan siya ng malay. Naabutan siya ng mga lalaking humahabol sa kaniya ngunit hindi siya ibinigay ng binatang iyon. Nabalot ng takot ang mga taong nakapalibot sa kanila nang ibaba ng lalaki ang suot niyang panaklob sa ulo at malaman nila na siya ay isang... MAFIA!

chap-preview
Free preview
Run Away
Sashna's pov: "Tita, please! H'wag naman po! Kayo na lang ang kamag-anak ko dito. Please, don’t do this to me!" pagmamakaawa ko kay Tita Catalina. "I'm sorry Sash but you have to! Maraming utang ang ama mo nang mawala sya at kailangan mong magbayad," matapang na sabi ni Tita Catalina habang isinisilid sa isang malaking maleta ang mga damit ko. Pinipigilan ko siya at iyak lang ako ng iyak pero tuloy pa rin sya sa pag-iimpake ng mga gamit ko. "Pero tita, mababayaran ko sila kapag natapos ko ang pag-aaral ko at makapagtrabaho! Parang awa nyo na po h’wag nyo akong paalisin," muli kong pagsusumamo. Mariin nyang isinara ang maleta tsaka lumapit sa akin habang bitbit ito. Hinawakan nya ang braso ko at sapilitang hinila palabas ng kwarto. Nakatingin lang sa akin si Celine at Cecille, ang mga anak ni Tita Catalina. Nagtatawanan sila habang nakikita akong kinakaladkad palabas ng sarili kong pamamahay. "Ngayon sila naniningil, NGAYON KA MAGBAYAD!" nanggigigil na sabi ni tita sa akin. "P-pero tita, w-wala po akong pera!" pagtangis ko sa kanya ngunit tila kahit katiting na awa ay wala sya para sa akin. "Wag kang mag-alala, ikaw mismo ang ibabayad ko sa kanila!" Ngumisi si tita bago nya ako itulak papasok ng kanyang sasakyan. Nangangatal ako sa takot. Agad syang pumasok sa sasakyan at siniguradong hindi ako makakalabas. Tinapik-tapik ko ang salamin ng sasakyan, nagbabakasakaling mabasag ko ito at makawala pa ako ngunit tila imposible. Mga luha at paghikbi na lamang ang naiusal ko habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. Pinaaalis nya ako sa sarili kong tahanan. Sa bahay na ipinundar at pinuno namin ng pangarap ng aking ama! Ayokong iwan ang bahay na iyon. Ayaw kong iwan ang lahat ng ala-ala namin ni Daddy doon, ngunit anong gagawin ko? Simple lang naman ang buhay namin noon, hindi kami naghihirap at masasabi kong masagana kahit papaano ang pamumuhay namin ni Daddy sa Blemington Valley. Sya lang ang nakilala kong magulang simula pagkabata, pero minsan may mga ala-ala ako ng isang babae na para bang yakap-yakap nya ako noong ako'y maliit pa lamang habang kinakantahan ng pampatulog na awitin. Iniisip kong sya ang aking ina, ngunit sa t'wing tatanungin ko ang aking ama tungkol sa kanya ay binabalot ng lungkot ang kanyang mga mata. Hindi naman nya sinasagot ang mga katanungan ko, sa halip ay pilit syang ngingiti at sasabihing pagdating ng tamang panahon ay malalaman ko. Hanggang ngayon ay naiisp ko pa rin ito ngunit sa tingin ko ay hindi na darating ang panahong iyon. Dahil sa madalas na pag-alis ni Daddy para magtrabaho, pumayag syang manirahan sa amin sina Tita Catalina. Kinaawaan sila ng aking ama dahil kinuha ng bangko ang kanilang bahay at dahil kapatid nya ito. Nalulong sa sugal si Tita Catalina na hinala ko ay ang dahilan din ng pagkakasangla ng bahay nila at ang Daddy ko ang nagbabayad ng mga utang nya hanggang sa mamatay sya dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung paano na lang nawala si Daddy ngunit may nakapagsabing pinatay sya ng mga Mafia, bagay na hindi ko pinaniniwalaan! Palaging maaliwalas at malapad ang ngiti ni Daddy noon sa t'wing sinasabi nyang hindi dapat katakutan ang Mafia. Isa pa, hindi ko nakita ang bangkay nya at wala kaming balita kung saan sya binurol, kaya ayokong maniwala na wala na nga sya. ... Nababalot ako ng takot habang umaandar ang sasakyan palayo sa bahay na kinalakihan ko. Palingun-lingon ako sa labas ng sasakyan at umiiyak na lamang. Gusto kong makalabas, gusto kong makatakas pero hindi ko alam kung paano. "Wag ka ng umiyak Sash, kukunin naman kita ulit kapag nabayaran mo na silang lahat! Ahahaha," sabi nya at humalakhak ng malakas. "Tita! Why? Why are you doing this to me!? MY FATHER IS YOUR BROTHER! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!" I screamed in despair. "BROTHER!? Ahahaha... Stop making me laugh Sashna. Edward is not my brother. He's an orphan! KUNG HINDI DAHIL SA MGA MAGULANG KO MATAGAL NA SYANG PATAY SA GUTOM!" sabi ni tita na may poot sa kanyang mga mata. I was so shocked when I heard that. My father was just an adopted child!? Muling gumuhit ang mga luha sa magkabila kong mga mata. T-totoo ba? Kaya pala... Kaya pala kung ituring nila ako'y parang isang alipin lamang. Ito'y dahil kailan ma'y hindi nya tinanggap bilang kapatid ang Daddy ko! Pinakisamahan nya lamang kami noon dahil si Daddy ang bumubuhay sa kanilang mag-iina, ngunit nang mawala si Daddy lumabas ang tunay nyang ugali. ... Ilang oras lang ay narating namin ang Black Paradise. Eto ay ang lugar kung saan pamilihan sa umaga at buhay na buhay pagsapit ng gabi dahil sa dami ng mga pasugalan at mga bahay-aliwan. Anong ginagawa namin dito!? Bumaba si Tita Catalina at binuksan ang pinto. "HALIKA NA, BILISAN MO!" hiyaw nya habang kinakaladkad ako palabas ng sasakyan. "Tita, nasasaktan po ako!" mangiyak-ngiyak kong sabi. "MASASAKTAN KA TALAGA SA KIN DAHIL DYAN SA PAG-IINARTE MONG BWISIT KA!" pabalang nyang sagot at mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Pinahid ko ang mga mata ko at huminga ng malalim para tumigil sa paghikbi. Gusto kong tatagan ang kalooban ko kahit na alam kong ang sakit-sakit sa puso na sarili kong pamilya ang may kagagawan ng mga paghihirap ko. Tiniis ko! Tiniis ko sa loob ng dalawang taon ang masamang trato nila sa akin. Mga pangungutya at mga kasinungalingang binibintang nila sa akin! Mga sugat at pasa sa t'wing pinagmamalupitan nila ako. Kahit ang gutom, pagod at lamig ay binalewala ko para lang hindi nila ako paalisin sa bahay ng aking ama. PERO BAKIT!? BAKIT PA RIN NILA GINAWA SA AKIN ITO? KULANG PA BA ANG MGA PAGHIHIRAP KONG IYON? KULANG PA BA!? … Kinatok ni Tita Catalina ang isang saradong kabaret at tinapunan ako ng isang matalim na tingin. Natatakot man ako ay nagtikom na lamang ako ng aking bibig at ang malalalim kong paghinga ay sunud-sunod na dahil sa kaba. Habang marahang bumubukas ang tarangkahan, kumakabog ang dibdib ko. Mukhang alam ko na kung anong binabalak sa akin ni Tita Catalina, h-hindi!!! Hinatak ako ni Tita Catalina papasok doon at bumungad sa amin ang isang lalaking may bigote na marahil ay nasa singkwenta anyos na ang edad. "Sya na ba ang sinasabi mo, Catalina?" nakangising tanong ng lalake habang nakatitig sa akin. Hinagod nya ang kanyang balbas at pakiramdaman ko'y nais nya kong hubaran sa mga titig nyang iyon. Lalong nanginig ang katawan ko sa takot at pandidiri! Sino ang taong ito? Sinubukan kong alisin ang kamay ni Tita Catalina at muling nagtangkang tumakas ngunit agad nya akong itinulak papunta sa matandang lalaki. "Aaahhhh!!!" hiyaw ko ng yakapin niya ako. Nagpupumiglas ako pero napakalakas ng mga braso nya at hindi nya talaga ako pinapakawalan. "Oo, birhen pa ‘yan kaya siguradong malaki ang kikitain mo d’yan!" sagot ni tita at ngumisi ng napakalapad. "Aba! Talaga ba!? Hmn," tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki at inamoy nya ang leeg ko habang mahigpit na nakayakap sa aking bewang. Kunot-nuo akong napapikit nang tumayong lahat ang mga balahibo ko sa katawan. Kahit gusto ko mang magpakatatag, naiiyak na naman ako sa labis-labis na pandidiring naramdaman ko sa paglapat ng balbas nya sa aking batok! "No! Please, No!!!" hiyaw ko. Iniiwas ko ang sarili ko sa kanya at pinilit na muling kumawala. Diring-diri ako at takot na takot, pero wala akong magawa! "Napakabango! Ahahahaha," nakakakilabot na nyang tawa. Napakalalim ng mga paghinga ko. Napapahikbi na lang ako sa bangungot na dinadanas ko. Bakit ba nangyayari sa ‘kin ito? Bakit!? "Akin na ang pera ko! Babalikan ko na lang ang kalahati sa kinita nya kada linggo," sabi ni tita at inilahad ang palad sa harap ng lalaking kausap. "Sige! Ako ng bahala," masayang sabi ng lalake at iniabot ang isang makapal na sobre sa kamay ni tita. Lalong lumapad ang pagngisi ni Tita Catalina habang sinisilip ang laman ng sobre. Mukha talaga syang pera! "Salamat sa paunang bayad at ikaw naman Sashna, PAGBUTIHAN MO HA? AHAHAHAHAH," malakas na tawa ni tita habang naglalakad palabas ng kabaret. "Tita, please! H’wag mo kong iwan dito! Tita!!!" pagsusumamo ko at tuluyan na ngang bumugso ang mga luhang pilit kong pinipigilan pero ni hindi man lang nya ako pinakinggan. Iyak ako ng iyak at nagpupumilit kumawala sa lalaking yumayapos sa akin. Ngunit kahit anong piglas ko ay lalo lamang nyang hinihigpitan ang kanyang pagkakayakap. Humahagulgol ako ng iyak habang nakatanaw sa may pinto. Kahit gusto ko pa sanang umasa na babalikan ako ni tita, alam kong hinding-hindi nya yun gagawin. WALA SYANG PUSO! Nagawa nya kong iwan dito at ipagpalit sa pera, NAPAKASAMA NYA! Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito, Hinding-hindi ko sya mapapatawad, SINUSUMPA KO! ... "O sya, tama na ang drama! Halika na para masubukan," ngumisi ang lalaki. Napahiyaw akong muli nang iikot nya ang katawan ko paharap sa kanya at agad akong paghahalikan sa leeg. "NO, PLEASE! STAY AWAY FROM ME, NO!!!" iyak kong muli. Pinaghahampas ko sya sa kanyang dibdib at pinilit ko syang itinutulak palayo sa akin ngunit napakahigpit ng kanyang pagkakayakap. Pinagtangkaan nyang siilin ng halik ang labi ko ngunit hindi ko sya hinayaan. Iyak ako ng iyak habang kumakawala pero nauubusan na ko ng lakas dahil sa takot at pandidiring nararamdaman ko sa kanya. "NAPAKAARTE MO!" inis nyang sabi at hinatak nya ang damit ko. Napunit ito at lumantad ang aking dibdib sa kanyang harapan na lalong nakapagpaapoy sa kanyang kademonyohan. "Ahh!!! Tama na, please!!! TAMA NA!" patuloy ko sa pag-iyak at pagmamakaawa. Pilit kong niyakap ang sarili ko upang hindi nya makita ang aking dibdib ngunit binuhat nya ako at sapilitang inihiga sa mahabang lamesa. “Maawa ka! Please, maawa ka!!! H’wag!!!” Hiyaw ako ng hiyaw at magang-maga na ang aking mga mata sa kakaiyak ngunit walang nakakarinig sa akin, walang tumutulong sa akin! Kinakapos na ko ng hininga at litung-lito na ako. Anong gagawin ko para makatakas sa kanya? ANO!? Mahigpit nyang hinawakan ang dalawa kong mga kamay habang isa-isang tinatanggal ang pagkakabutones ng damit nya. Para syang asong ulol na naglalaway sa kanyang pagkain! Napapahikbi na lang ako at napapailing sa sobrang takot habang isa-isang tumutulo ang aking mga luha. "H'wag, please!!! Parang awa mo na, H'WAG PO!" pagmamakaawa ko ngunit matapos nyang alisin ang damit nya ay ibinuka nya ang mga hita ko na syang lalong nakapagpahilakbot sa akin. "HUWAG! HUWAG! Please!!!" pagtangis ko habang pilit na isinasara ang aking mga hita. Namamaos na ako sa kakasigaw pero wala syang pakealam at patuloy pa rin sya sa kanyang kahalayan. "TUMAHIMIK KA!" sigaw nya sa akin at sinampal ako ng malapad nyang palad. Uhrmn... nnn... Tila nagpantig ang tenga ko at naalog ang utak ko sa lakas ng natamong sampal. Umiikot ang paningin ko at lalong nanghina ang aking katawan. Uhmmm... nhhhh, Sh*t! ... Ibinaba nya ang zipper ng pantalon nya at inangat ang palda ko. Muling tumulo ang aking mga luha at wala akong ibang maisip kung hindi ang magdasal. Panginoon ko, ano pong gagawin ko para makatakas sa taong ito!? Isinubsob nya ang kanyang mukha at pinaghahalikan ang aking dibdib habang hinihimas-himas ang aking mga hita. Napapikit ako sa sobrang pangingilabot na aking nararamdaman at ang mga luhang paisa-isang pumapatak kanina ay umagos na ng tuluyan. Ngayon pati sa sarili kong katawan ay labis ko na ring pinandidirihan! Hindi... Hindi!!! Ayoko po Panginoon! Bigyan mo ko ng lakas Ama para makaalis dito. Tulungan mo po ako!!! Nagdadasal ako habang binababoy nya ang katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang dila nyang lumalapat sa balat ko pati na rin ang paglamas at pagpisil nya sa aking dibdib. Nakakasuka, NAKAKADIRI! Kung hindi ako makakawala sa kanya, mas gusto ko pang mamatay na lamang! Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at huminga ng malalim para makapag-isip. Lumingun-lingon ako sa paligid at iginala ang aking mga mata upang makahanap ng pwedeng makatulong sa akin. Nahagip ng aking paningin ang ilang basyo ng bote malapit sa aking uluhan, dahil dito ay nagkaroon ako ng pag-asa! Habang pinagnanasaaan nya ang katawan ko, pinilit kong abutin ang bote ng hindi nya nalalaman. Mahigpit kong hinawakan ang bote ng beer at inipon ang lakas ng loob na meron pa ako. Kung hindi ako gagawa ng paraan, hindi ako makakaalis dito! MAMATAY KA! Buong tapang kong binasag sa ulo nya ang bote! "Aaahhhh!!!" hiyaw nya. Nanghihina man ako'y pinilit ko syang itinulak upang maitaboy sa ibabaw ko. Bumagsak sya sa sahig, hilung-hilo at namimilipit sa sakit. "W-WALANG HIYA KA! ARGHHHH, PAPATAYIN KITA--P*TAH!" panggagalaiti nya habang ngumingirit sa hapdi. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng makita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ulo. S-sh*t! Huminga ako ng malalim at pinilit kong makatakbo palabas ng lugar na ‘yon upang makalayo sa kanya. Tumakbo ako na tanging isang tsinelas lang ang nakasuot at sira-sira ang damit. Niyakap ko na lamang ang sarili ko at binalewala ang mga ito, ang importante ay makatakas ako! "B-BUMALIK KA, PAPATAYIN KITA!" sigaw nya at tumindi lalo ang takot ko. Lagot na, mukhang hahabulin nya ako! Takbo lang ako ng takbo, kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko at hilung-hilo. Pero ayokong huminto! Hindi ako pwedeng magpahinga kahit isang segundo. Kapag naabutan nya ako... SIGURADONG PAPATAYIN NYA KO! Panginoong D’yos, Tulungan mo po ako! Napakaraming tao, ngunit tila para lamang silang mga anino. Ni hindi nila ko pinapansin, ni hindi nila ko tinitignan. "T-Tulong, t-tulong!!!" usal ko sa bawat taong nakakabangga ko ngunit hindi nila ako pinakikinggan. Namamasa na naman ang mga mata ko at nagbabadya na naman ang pagpatak ng mga luha pero ayoko ng umiyak! Ayoko dahil sa t'wing papatak ang mga ito'y mas lalo lamang akong nanghihina. "HOY! BUMALIK KA, WALANG HIYA KANG BABAE KA!" muling sigaw ng nakakatakot na lalake. Mga motorsiklo! Uhmp! Nangatog ang mga tuhod ko, malapit na nya akong abutan! Napakalalim na ng aking mga paghinga ngunit hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hinang-hina na ko at umiikot na rin ang aking paningin. Kagabi pa ako hindi kumakain at pagod na pagod na rin talaga ako. Unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Ugh! H-hindi, kailangan kong makatakas at makalayo! Panginoon, ayoko pong magalit sa inyo, ayoko pong magreklamo sa mga plano mo, pero hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan kong maranasan ang mga paghihirap na ito! Tulungan mo po akong maintindihan Ama, Tulungan mo po akong maunawaan kasi wala po talaga kong maisip na dahilan. Naging masama po ba ko? Ano po bang nagawa kong pagkakamali para maging ganito ang buhay ko? Tulungan nyo po sana ako… Kasi po... konting-konti na lang, susuko na ako! Tulungan mo po ako, Panginoon... Tulungan mo po ako! ... "F*CK! ARE YOU BLIND!?" sigaw ng taong hindi ko sinasadyang mabangga. Nahihirapan na akong makita ang daan. Sumasayaw na ang paligid at hindi ko na maaninag ng malinaw ang lahat. Humarap sa akin ang lalaking nabangga ko ngunit hindi ko na naulinagan ang kanyang mukha. "Hey Miss, Are you okay?" sabi ng boses nyang tila may tono ng pag-aalala. K-kay sarap pala sa pakiramdam na malamang may magmamalasakit pa pala sa akin. S-sino kaya... ang lalaking ito? Sinubukan kong sinuhin ang kanyang mukha ngunit unti-unting binabalot ng dilim ang aking paningin. Hindi ko na mapaglabanan pa, napakabigat na ng mga talukap ng aking mga mata. Gusto ko na talagang pumikit at magpahinga. "I-I’m... sorr-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla na lamang bumagsak ang aking katawan at nilamon ng kadiliman ang lahat. Wala na kong nakikita, Wala na kong naririnig, Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Mamamatay na ba ako? Mabuti naman kung ganun, Sawang-sawa na rin naman ako sa buhay ko. Tila wala na rin namang direksyon kung san ako tutungo. Pagud na pagod na ako! K-kaya mas mabuti pa nga siguro... a-ang mawala na lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.2K
bc

Dangerous Spy

read
297.5K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook