bc

ESCAPE FROM U

book_age12+
2.7K
FOLLOW
13.9K
READ
murder
dark
possessive
badboy
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Totoo ngang hindi ordinaryong University ang pinasukan nila Holly. Ibang klaseng mga karahasan ang nagaganap sa loob mismo ng Unibersidad.......

chap-preview
Free preview
ESCAPE FROM U
"Ako lang ba?? O kinakabahan rin talaga kayo?" We're on our way to Ford University. Lulan kami ng Isuzu D-Max na minamaneho ni Zander. Lima kaming magkaka-ibigan na lilipat na naman ng eskwelahan. Si Zander, Luis, Henzy, Denise at Ako; Heaven. Katunayan ay kanina pa kami paikot-ikot sa lugar na ito. "Zander, balik na lang kaya tayo sa bayan." Suwestiyon ko sa kaibigan ko habang nakatingin sa kalsada. Puro puno, at sa tingin ko'y hindi ko yata kakayaning maglakad mag-isa rito tuwing gabi. Walang katao-tao kaming nakikita at wala 'ring kabahay-bahay. "Malapit na naman tayo." "'Wag kayong magtatangkang manloko sa amin! Malayo na kaya ang nababiyahe natin!" Naiinis na sabi ni Henzy. "May pulbos ka ba, Denise? Pahingi." Aniya pa. Muli kong ipinikit ang mata ko dahil inaantok na ako. Malapit na rin kasing mag-gabi at wala pa rin akong pahinga hanggang sa ngayon. I sighed. Hihikab sana ako nang biglang may malakas na kalabog na nagpagising sa diwa naming lahat. "What the fuck?!" Nanlalaki ang mata kong tinignan ang likuran ng sasakyan. Siguradong-sigurado ako na may tumalon mula sa likuran! "Zander!" Tawag ko sa kanya nang akma siyang lalabas, "'Wag kang lalabas!" Paalala ko. Nang tignan ko ang dalawang katabi ko ay pansin ko ang kaba sa kanilang mga mukha. "Zander, Ituloy mo na lang ang pag-drive. Mababaliw na kami sa kaba rito.." Denise said. "Mamaya nalang natin i-check ang kotse mo pag nakarating na tayo sa Ford." Sabi naman ni Luis kay Zander. Napahinga na lamang ako ng malalim. Nawala na rin ang antok na nararamdaman ko lalo na nang makarating kami sa tapat ng isang napakalaking gate. "Ito na ba 'yun? Shocks." Nahihiwagaang sabi ni Henzy. "School pa ba 'to?" Sabay-sabay kaming bumaba mula sa sasakyan. May nakita kaming maliit na sa tingin namin ay guard house ng paaralan. "Magandang gabi po, Kami po 'yung transferees na nag-inquire last week." Sabi ni Luis sa lalaking halos katayin na kami kung makatingin. "Pasok kayo.... Kaliwa lang kayo tapos makikita n'yo na 'yung admissions office." Aniya at saka may pinindot na kung ano sa lamesa. Kusang bumukas ang malaking gate kaya agad kaming pumasok sa sasakyan. "Thank you, Manong guard!" Sabi ni Zander. Nang makapasok kami ay halos malaglag ang panga ko sa gulat. For real?! Ganitong kaganda ang Ford University na papasukan namin?! Sa lahat ng eskwelahang napasok ko, ito lang ang tanging hinangaan ko. May ganito pala kagandang eskwelahan? Nilingon ko ang Gymnasium sa gitna ng unibersidad. "Woah! Pati gymnasium may aircon? Hallway? And even pool area?" Ibinaling ko naman ang aking paningin sa may bandang kanan. "Mall ba iyon? Oh god!" Pagbaba namin ng sasakyan ay mas lalo akong nalula, magkano nga ulit ang tuition fee rito? Four hundred fifty thousand per sem?! "Ang taray ng parking lot! May scanner na!" Natutuwang sabi ni Henzy. Muli kong inikot ang paningin ko. Kusa tuloy na binalot ng kuryosidad ang isipan ko nang wala akong makita na kahit na anino ng sinumang estudyanteng nag-aaral dito. "Ang creepy?" Ani Denise. "Tara na sa Admissions office guys." Sabi naman ni Zander. Patingin-tingin kami sa paligid habang patungo sa Admissions office. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng opisina, "Good evening po." Sabi ni Luis sa isang babae na sa tingin ko ay empleyado rito. Ngumiti ako nang mapadako ang kanyang tingin sa akin. "Kayo ang new students, right?" "Opo!" Pinapasok kami ng babae sa loob ng office, "I'm Miss Clara. I'm admission officer." Pagpapakilala niya sa amin. Isa-isa rin kaming nagpakilala sa kanya. "Okay, so here's your schedule.." Binigyan niya kami ng tig-i-isang iPad Mini. "Nandiyan lahat ng files n'yo... And even lectures ay diyan n'yo din mababasa dahil ia-upload ng mga prof niyo ang lectures n'yo sa portal." "Magkaklase ba tayo, Heaven?" Tanong sa akin ni Denise habang tinitignan ang iPad na hawak ko. "Omg!" Napatakip ng bibig si Denise, "Hindi tayo magkaklase ni Henzy, Huhuhu!" Napasimangot ako. "Isang subject lang naman tayo magkakahiwalay." "Kahit na... Mamimiss ka namin eh.." Ngumuso s'ya. Napatawa naman ako, "Corny ha?" "By the way... Mayroon kayong dorm na matatagpuan katabi ng Auditorium..." Sabay-sabay kaming tumango, "Pwede po bang magkakasama kami sa loob ng iisang dorm? Malaki naman po iyon tulad ng nasa website na nakita namin diba?" I asked Miss Clara. "No problem, Miss Asistio.." Papalabas na sana kami ng admissions office nang bigla muli siyang magsalita. "Hurry up, newbies. Malapit nang mag-eight ng gabi. Delikado kapag nasa labas pa kayo ng dormitoryo niyo." "Omg!" Natatarantang sabi ni Henzy, "Anong meron?!" "Miss, anong meron at bawal kaming matagpuan sa labas kapag pumatak na ang alas-otso?" Naguguluhang tanong ni Zander. He's on the point. 'Yan din ang gusto kong itanong kay Miss Clara. "Black out," Sagot ni Miss Clara na halos ikalaglag ng panga naming lahat. What the hell? Black out? "Kapag narinig n'yo ang ring ng bell, it means black night na. Black out lahat at mawawalan ng kuryente. Crime is really possible here, lalo na sa tuwing black out, Kapag nakita kayo sa labas ng dorm niyo na pagala-gala ay asahan n'yo nang malalagay sa delikado ang buhay n'yo." "Omg!" Agad akong nakaramdam ng mga yakap sa katawan ko. "Guys, uwi na tayo." "What do you mean by that?" I asked her intently, "Hindi ba ito katulad ng University of Santo Tomas? Ateneo De Manila? Adamson University? Dela Salle University in Manila?" "This is your—not so ordinary university, Miss." She answered and smiled, "So... You guys, ready?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook